EPILOGUE
Napanood mo ba yung bagong movie ni Suzein? Kasama si Carlos?” tanong ni Patricia habang abala ako sa pagco-compute sa grado ng mga estudyante ko.
“Hindi.” Walang emosyon kong sagot.
Ilang taon na ba ang nakalipas simula nung huling pagkikita namin? Apat o limang taon na? Ilang taon ko narin siyang hinihintay kahit wala akong kasiguraduhan na babalik pa ba siya sa ‘kin. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko pati narin ang pagtataboy sakaniya. Labis din kasi akong nasaktan kaya nawala ako sa sarili at pati siya ay nasaktan ko. I felt childish on the thoughts of having revenge on her. I felt guilty every second of everyday. Nasaktan ako pero hindi parin iyon sapat na rason para saktan ko siya ng higit pa sa naramdaman ko.
At, ngayon na bumalik na siya masaya na ako kahit sa palabas ko lang siya nakikita o interview. I thought she will not pursue that job but I guess she change her mind. Naging sikat siya na naiisip ko pa lang ay mahihirapan na akong abutin siya ulit. Hindi ko maiwasang isipin na baka pinilit lang siya ng mommy niya o nung gagong lalakeng ‘yon. I know how her mind works. Kilalang kilala ko siya, alam ko iyon sa sarili ko pero iyon din pala ang isang pagkakamali ko. Nasasabi ko nga na kilala ko siya pero hindi ko man lang siya napaniwalaan sa mga oras na kailangan niya ako. And, that made me question myself if I truly deserve her.
“Bagay silang dalawa, right?”
“Hindi…”
Nilingunan ako ni Patricia at napatigil siya sa ginagawa. “Ano, Trivan?”
"Wala, busy ako, Pat.” matalim ko siyang tinignan para matigil na siya sa kakatanong.
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya tinuturing na kaibigan sa kabila ng lahat na ginawa niya sa’ming dalawa ni Ali. Pero, kahit na gawin ko iyon ay hindi parin maibabalik sa ‘ming dalawa ni Ali ang lahat. We were both so broken that we didn’t know if fighting this relationship is worth it anymore. Pareho kaming nasira sa hindi pagtitiwala sa isa’t isa. But, there’s a part of me who’s still believing… that we can still turn back what are relationship before. I believe that God is good enough to forgive our faults. Afterall, he’s the center of our relationship.
“Hindi mo sinabi Mrs. Morrada na kaibigan mo pala si Ms. Zacarlas!” rinig ko sa isang co-teacher ko habang nagla-lunch kami.
“Well, I want to keep it private muna since Suzein is very busy today and ayoko rin na puro kayo tanong about sa life niya. She doesn’t want anyone in her life today.” sagot ni Mrs. Morrada na kaibigan ni Ali sabay talim ng tingin sa ‘kin.
“Aw, saying naman! I wanted you to introduce me to her pa naman!”
“Next time na lang kapag ready na siya.”
She rolled her eyes to me again when he noticed that I’m paying attention to her story about Ali. It’s either ayaw niyang making ako or she doesn’t want me to her friend. Naiintindihan ko naman iyon dahil sinaktan ko si Ali at sila lang ang nandoon para sakaniya. I don’t have the rights to be mad at them because I deserve that kind of treatment to her close friends for hurting her.
When I heard the notice na pupunta rito si Ali sa university na pinagtatrabahuan ko para bigyan ng scholarship ang ilang students ay para akong nasa langit. I can finally see her after so many years. All I think about is asking for her forgiveness. Wala na akong panahon para magalit saaniya because it was all useless lalo na ngayon na alam kong sinet-up lang siya nung mommy niya at ni Carlos. Ang gusto ko lang ngayon ay mailayo siya sakanila.
YOU ARE READING
𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗴𝗿𝗶𝗲𝘃𝗼𝘂𝘀 𝗩𝗲𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝗰𝗲 (ALLURING SERIES #4)
RomanceALLURING SERIES #4 [COMPLETED] WARNING: R-18+ | MATURE CONTENT. Read at your own risk. ╰┈➤Trivan, one of the scholars of Zacarlas family, a very rich family. Because of his family poverty, he was forced to accept it so that he could finish his chos...