[KABANATA 12]
BUSANGOT ang buong mukha nya habang nagmamaneho mukhang nawalan na sya ng gana para ipasyal ako dito sa bayan dahil tinatahak na namin ng daan patungong mansion umiwas ako ng tinginan sa kanya at tumingin sa bintana.
Pababago ang mood nya! galit ba sya dahil sa hindi ko sinunod ang gusto nya hindi nya naman ako girlfriend para diktahan nya at sundin sya. Hindi pa nga umabot ng isang buwan na kasama ko sya tapos kung maka asta sya parang boyfriend ko. Bumukas ang gate ng mansion agad syang bumaba sinenyasan nya si manong na buksan ang pinto ng kotse para makababa ako. Deretso ang mga lakad nya papasok ng mansion.
Daig pa nya ang babaeng nireregla!
Kung galit sya o di galit din ako. Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makita ulit ang babaeng iyon.
Nicole yata ang pangalan!
Nakapulot na naman sya kay Phin mukhang meron silang seryosong pinag-uusapan hindi ko iyon marinig dahil masyadong mahina. Tumingkayad ang babae para bumulong napatingin ako sa kamao ni Phin parang gusto nyang manuntok. Bigla syang napatingin sa akin at agad na inilayo ang babae. Tinaasan ko sya ng kilay.
Naistorbo ko ba kayo tsk!
Tinalikuran ko na sila. Kainis talaga sya! Buong magdamag akong nagkulong sa kwarto napalingon ako sa pinto ng merong kumatok doon. Mukhang sya iyon tinignan ko muna iyon ng ilang segundo bago tumayo at buksan pero hindi sya kundi si manang pala iyon nakangiti ang labi nito.
"Dinala ko nalang ang pagkain mo iha!"
"Dapat po hindi nalang sasabay kami ni Phin"biglang syang umiwas ng tingin sa akin dahilan para ipagtaka ko.
"Wala si Senorito meron syang inaasikaso!"humarap ako sa matanda.
"Ano? sino ang kasama nya yung babae bang yun?"pilit na ngumiti ang matanda.
"Pasensya na iha diko alam kung saan sya pupunta at hindi nya kasama si Senyora Nicole"tumikhim ako.
"Salamat po ulit"agad kung sinira ang pinto. Saan naman sya pupunta ng ganitong oras. Gabi na at hindi ako naniniwala na hindi nya kasama ang babaeng iyon. Inabala ko nalamang ang sarili ko sa pagkain. Kinuha ko ang tray upang ibaba ito sa kusina. Pero pagkababa ko sala ay sobrang tahimik mukhang maaga na naman sila na tulog. Pagkatapos kung hugusan ang mga plato ay umakyat na ako papuntang kwarto pero napansin ko na nakabukas ang kwarto ni Phin. Naglakad ako papunta doon at sumilip bago pumasok. Masyadong malinis ang kwarto nya. Umupo ako sa kama bigla akong napangiti ng maalala na nakasama ko syang nakatulog dito sa kwarto nya. Hinaplos ko ang kama at humiga tumingin ako sa kisame.
Nasaan kaya ang lalaking iyon?
Baka nasa trabaho?
Bumangon ako ng makita ang maliit na bookshelves. Magbabasa nalang ako at hihintayin ko nalang sya. Kinuha ko ang isang libro na masyadong kakaiba. Umupo ako sa kama at binuklat iyon pero hindi mga letra ang sumalubong sa akin kundi mga larawan. Nanginginig ang mga kamay ko na binuklat iyon napasinghap ako ng makita ang mga larawan. Napahawak ako sa bibig ko hanggang sa naramdaman ko na umiiyak na ako.
Sino sya?
Magkamukha kaming dalawa?
Kinuha ko ang isang larawan naka suot ito ng puting gown mukhang wedding gown iyon malawak ang ngiti ng babaeng kamukha ko habang naka sandal sa balikat nya si Phin na malawak ang ngiti nya. Nanginginig ang mga labi ko dahil sa iyak. Ito ba ang dahilan kung bakit galit sya sa akin. Kamukha ko ang asawa nya mula sa mukha at buhok ay parehas na parehas.
Shit!
Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nya akong pabalikin dahil nakikita nya sakin ang asawa nya. Galit ako dahil niloko nya ako at hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.
"Nakita mo napala!"napalingon ako sa kanya blangko ang mga mukha nya tumayo ako at tinapon ang hawak ko sumakto iyon sa dibdib nya.
"Yan ba ang dahilan ha?"mukhang wala syang pakialam.
"Dahil ba kamukha ko ang asawa mo kaya ayaw mo akong pauwiin sa maynila!"galit na sigaw ko hindi sya nagsalita. Kinuha nya ang larawan na nagkalat sa sahig. Sobrang maingat nyang binalik ang mga larawan doon.
"Tangina Phin!"inis na sigaw ko.
"Siguro sa pagtatalik natin sya ang iniisip mo ginamit mo lang ako"mukhang mawawalan ako ng boses nito pero wala akong pakialam.
"Ano Phin katulad ko rin ba sya na tanga at madaling utuin?"bigla syang napalingon sa akin kita ko ang galit sa mga mata nya.
"Wag mo akong tignan ng ganyan Phin dahil wala kang karapatan na magalit dapat ako lang"muli kung sigaw habang umiiyak. Lumapit sya sa akin.
"Bakit ako Phin? Nasaan ang asawa mo nasaan sya?"sigaw ko pero hindi sya sumagot naiinis ako.
"Bakit hindi ka sumagot siguro iniwan ko nya kaya naman ng makita mo ako saktong nakagawa pa ako ng kasalan sayo kaya dinala mo ko dito sa mansion mo!"gusto ko syang sampalin dahil sa galit.
"Tama ako diba? diba"at pinaghahampas ko ang dibdib nya habang umiiyak na parang bata.
Shit!
"Iniwan ka nya siguro dahil wala kang kwenta-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mahigpit nyang hinawakan ang pulupulsunan ko.
"Shut up!"tumawa ako.
"Fuck you Phin!"binawi ko ang kamay ko na hawak nya nagtagumpay din ako.
"Dinamay mo ako sa pagiging obsessed mo sa asawa mo! Tangina mo talaga"hindi ko napigilan ang sarili ko nasampalin sya. Tumakbo ako palabas ng kwarto tinawag nya pa ako pero hindi na ako lumingon. Padabog kung sinira ang pinto at napasandal ko doon. Tinakpan ko ang mukha ko at binuhos ang mga luha ko doon. Inayos ko ng sarili ko at dali-daling hinahanap ang cellphone ng makuha ko ito ay agad kung tinawagan ang kaibigan ko.
"Marco!"pumiyok pa ako.
"Samantha what happened?"
"Marco sunduin mo na ako please!"rinig ko ang mura nya.
"Nasaan ka?"
"Sa"huminga ako ng malalim dahil nahihirapan na ako dahil sa kakaiyak ko"Miller-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng merong kumuha ng cellphone ko nagulat ako ng binato nya iyon sa pader basag iyon napa atras ako ng nanlilisik ang mga mata nya. Mahigpit nyang hinawakan ang braso ko.
"Hindi ka aalis dito"hanggang sa naramdaman ko ang posas sa isa kung kamay. Minura ko sya at sinumbatan pero wala syang pakialam kinaladkad nya ako palabas ng kwarto ko hanggang sa marating namin ng kwarto nya. Tinulak nya ako para maka upo sa kama at ang isang posas ay linagay nya iyon sa dulo ng kama nya. Hinila ko ang kamay ko pero nasaktan lang ako.
"Ikukulong mo ko dito hayop ka talaga Phin"umiling laman sya at iniwan ako. Umiyak lamang ako buong magdamag hanggang sa naramdaman ko ang pagod at nakatulog ako.
MoonLoverPrincess2
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETE
RomancePLEASURE SERIES 1 Samantha, is innocent woman and independent, but everything is change when his Fiance having affair in her cousin. She changed into seductive and wild woman when he meet the gorgeous police officer. Dahil sa panloloko ng Fiance...