KABANATA 29

2.9K 49 3
                                    

[KABANATA 29]

NANGINGINIG ang mga kamay ko, naikagat ko ang pang-ibabang labi ko para sabhin sa kanya ang totoo.

"Phin hindi lang si Phantom ang nawala"naguguluhan syang tumingin sa akin.

"What do you mean Sam?"hinawakan ko ang kamay nya.

"Sinabi ko sayo diba na nasaktan ako ng hindi ako ang pinili mo Phin nakunan ako at tanging si Phantom lamang ang nakaligtas"nagsibagsakan ang mga luha ko parang namanhid ang kamay nyang bumagsak sa ere.

"Anong-"pati sya ay nanginig hindi ko nanapigilan ang sarili kung umiyak sa harapan nya.

"Kambal si Phin kambal sila"pumiyok ako kita ko sa mga mata nya ang sakit.

"Sam"nanginginig ang kamay nyang hinawakan ang pisngi ko.

"Kambal"tumawa sya pero alam kung nasasaktan sya"Sam kambal anong pangalan nya?"inabot ko ang pisngi nya para punusan ang mga luha nyang lumalandas na naman sa pisngi nya.

"Phoenix ang pangalan nya Phin"niyakap nya ako, niyakap ko rin sya ng sobrang higpit, nanginginig ang dalawang balikat nya. Pareho kaming nasaktan at iniwan ang sakit sobrang sakit na kahit isa manlang sa kanila ay walang nakaligtas sa kamatayan sumubsob sya sa leeg ko basang basa na ang leeg ko dahil sa mga luha nya.

"Phin"pumiyok ang boses ko.

"Ang sakit sobrang sakit na iniwan na nila tayo! kasalan ko ang lahat Phin kasalan ko ang lahat"humarap sya sa akin namumula na ang mga mata nya parang hindi na sya si Phin na palaging nakangisi ang mga labi at palaging galit ibang-iba ang nakikta ko.

"Ako ang may kasalan Sam"kinuha nya ang dalawang kamay ko at pinaghahampas nya iyon sa pisngi nya.

"Sam saktan mo ako, sampalin mo ako Sam"pumiyok ang  boses nya.

"Phin"

"Saktan mo ako Sam dahil kasalan ko ang lahat mamatay tao ako, pinatay ko sila"umiling ako.

"Pinatay ko sila Sam"tumayo sya at pinatumba ang lamesa bigla kaming nakarinig ng mga yapak papunta dito.

"Pinatay ko sila"sigaw nya habang may mga luha sa mga mata nya napaluhod sya at sumubsob sa dalawang palad nyang nasa mukha napalingon ako kina Lazarus at sa katabi nya, gulat ang mga mata ang nakikita ko sa kanila.

"Kasalan ko ang lahat"saad nya habang na nginginig ang dalawang balikat nya lumapit si Lazarus sa akin pati sya ay mukhang nagulat sa nakikita nya.

"Samantha anong nangyari?"seryosong sabi nya kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling lumapit sya kay Phin,  tumalikod ako at tinapkan ang mukha ko doon ko rin binuhos ang mga luha ko.

"Pare"tawag ni Lazarus pero paulit-ulit lamang binigkas ni Phin na sya ang pumatay sa anak namin.

"Tama na yan! Tangina naman Phin"inis na sigaw ni Lazarus dahil mukhang nawala sa sarili si Phin. Hindi na napigilan ni Lazarus na hilain ang braso ko sa kauna-unahang pagkakataaon ay nakita ko ang galit nya para sa akin.

"Ano bang sinabi mo?"inis nyang singhal.

"Sinabi ko sa kanya na hindi lang si Phantom ang namatay pati narin si Phoenix kambal sila nakunan ako at si Phantom lang nakaligtas pero kiunuha rin sya"iyak kung sigaw sa kanya. Napahawak sya sa noo nya mukhang problemado narin sya napatingin kami kay Phin na umiiyak na nakatulala.

"Lando tawagan mo si Xavier at sabihan mo ang nangyari"

"Yes boss"lumapit si Lazarus kay Phin na umiiyak habang nakatingin sa ere masamang tumingin sa akin sa Lazarus. Hinila nya si Phin para tumayo pero tulala parin si Phin kahit nakatayo na ito at nanginginig pa ang balikat nya dahil sa walang tigil na pag-iyak.

"Sana hindi mo muna siabi sa kanya dahil hindi pa sya nakaka-recover sa pagkamatay ni Phantom"inis na sabi nito. Parang nawala si Phin sa sarli naikagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makita ko sa kanya ang sinapit ko tulad din nyan, tulala habang umiiyak at paulit-ulit na sinisi ang sarili. Tumakbo ako at binigyan ng malampas na sampal si Phin dahilan para mapalingon sya sa akin.

"Nandito lang ako"galit na sigaw ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Sam"mukhang natauhan na sya dahil sa malakas na sampal ko.

"Phin nandito lang ako hindi kita iiwan kaya naman ay hindi mo rin ako pwede iwan"sumbat ko sa kanya gumanti sya ng yakap sa akin.

"Mahal na mahal kitang gago ka"singhal ko sa kanya narinig ko ang mahina nyang tawa.

"Mahal na mahal din kita Mrs. Cole"hinampas ko ang balikat nya, sumubsob sya sa leeg ko.

"Mukhang kailangan nyo ng i admit sa mental hospital mga baliw"singhal ni Lazarus pero agad din tumawa. Humiwalay sya sa akin at agad na pinagdikit ang mga noo namin sabay haplos nya sa pisngi ko.

"Mahal na mahal kita Sam hindi ko na kakayanin pag pati ikaw ay nawala"hinawakan ko rin ang pisngi nya.

"Mahal na mahal kita Phin kahit pilyo ka"at inabot ko ang labi nya gumanti din sya ng halik, marahas iyon at ay mapanggigil, rinig namin ang mura ni Lazarus napangiti ang mga labi namin nagmaghiwalay.

"Je t'aime, Te quiero,  Ich liebe dich, Volim te. Ti amo,  Eu te amo, Jag älskar dig, Te iubesc"napangiti sya ng mahindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Alien ka na ba ngayon Phin?"tulad ng palagi nyang ginagawa ay pinitik nya ang noo ko.

"Ibig sabihin ng mga salitang iyon ay I love you"

"Maiwan ko na nga kayo mga baliw"singahl ni Lazarus.

"Inggit lang yun"sabi ko kayPhin. 

"Lets go Sam"sabay hawak nya sa kamay ko.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko muli ko na naman nasilayan ang ngisi nya imbis na mainis ay ngumiti pa ako.

"Lets cuddle Sam"sabay hila nya sa akin dahilan para mapahawak ako sa dalawang dibdib nya.

"Miss na kita"saad nya sumubsob ako sa dibdib nya.

"Kaya mo pa ba Mr. Cole hindi pa ba nanginginig ang mga tuhod mo"pinitik nya ang noo ko.

"Hindi pa ako matanda Sam what i said 40 is not old it's sexy"hinampas ko sya sa dibdib nya.

"Loko"yumuko sya para maabot nya ang tainga ko at bumulong.

"Papatunayan ko sayo baka yang dalawang binti mo ang manginig sa sarap"

"Bastos"

"Halika na nga at panginginigin ko ang buong katawan mo"sabay halakhak nya habang nagsisimula na kaming maglakad nakangiti akong pinagmasdana ang mga kamay naming magkahawak, sobrang higpit non parang natatakot syang mabitiwan iyon.

"Phin sa tingin mo anong problema naman kaya ang mangyayari"lumingon sya sa akin at ngumiti mukhang nagiging madalas ko ng makita ang ngiti sa labi nya.

"Hindi ko alam Sam pero isa lang ang alam ko kung nasaan ka nandoon din ako hanggang kamatayn man Sam"ngumiti ako sa kanya.

"Ako rin Phin hanggang kamatayan man hindi tayo mapaghihiwalay"lumapit sya sakin at hinalikan ang noo ko.

Wala ng makakapaghiwalay sa amin kahit ang kamatayan, handa na akong maubos basta para sa kanya. Mahal na mahal ko sya kahit maraming trahedya ang nangyari sa amin kahit na hindi namin na ceblarate noon ang birthday ni Phantom na kompleto kami ang mahalaga ngayon ay magsimula kami ulit ni Phin nang panibagong buhay na magkasama.

"Phin"lumingon sya sa aki habang nakangiti.

"Mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din kita Samatha Dela Rosa Cole"tumawa ako ganun din sya.

Mahal na mahal ko ang sexy and hot officer na ito!

MoonLoverPrincess2

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT

UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon