KABANATA 23

3K 45 2
                                    

[KABANATA 23]

INAYOS ko ang sarili ko ganun din sya umiwas sya ng tingin sa akin at lumayo para hindi ko makita ang luha sa mga mata nya. Sa unang pagkakataon ay narinig kung syang umiyak. Pareho kaming nasasaktan sa sinapit ni Phantom. Para sa ikakabuti ni Phantom ay isasantabi ko ang galit na nararamdaman ko para sa kanya basta ay hindi nya masasaktan ang anak ko tulad ng ginawa nya sa akin.

"Samantha"napalingon ako sa kanya nakatalikod sya at pinagmamasdan ang sikat ng araw sa glass window.

"Mas mabuti kung sa ibang bansa nalang natin ipagamot si Phantom"lumapit ako sa kanya ng kunti.

"Phin magaling naman ang mga doctor dito"

"Alam ko gusto ko lang iiwas si Phantom sa gulo na pwede mangyari ayoko syang madamay"napabuntong ako.

"Ganun din ako Phin pero kahit anong iwas ang gawin mo ay laging may gulong mangyayari lalo na pamilyado ka"napatingin ako sa kamay nyang nakasarado.

"Phin hindi ko na alam ang gagawin ko? Hindi ko na alam!"napalingon sya sa akin.

"Aalis tayo!"nanlaki ang dalawang mata ko.

"Baliw ka na ba"singhal ko lumapit sya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Ako na ang bahala sa inyo ni Phantom"tinampal ko ang dalawang kamay nyang nasa balikat ko.

"Kung ang ibang babae ay matutuwa sa sinabi mo dahil pinili nila ang kabit nila kaysa sa asawa nila ay ibahin mo ako Phin, concern ako sa anak mo at asawa mo lalong lalo na kay Phantom"napahilamos sya ng mukha. Mukhang sya ay problemado narin talaga.

"Phin ikaw lang ang makakaasyos nito alam mo yan"sumbat ko tumingin sya sa akin.

"Yun lang ang alam ko ang tumakas"

"Tatakas Phin yan naman palagi ang alam mo! alam mo Phin ang daming katanungan sa isipan ko na hindi masagot sagot at ikaw lamang ang makakapaliwanag! ano ba talaga ang totoo Phin iniwan ka ba ni Alaila dahil sa kalokohan mo o ikaw ang umiwan kina Alaila?"

"Sam hindi mo na kailangan malaman iyon!"nainis ako sa sinabi nya.

"Phin karapatan kung malaman iyon para alam ko kung saan kami lulugar ni Phantom sa buhay mo!"mukhang hindi matatapos ang bangayin naming dalawa.

"Matindi ang galit ni Alaila sa akin nung huling usap naming dalawa ramdam ko ang sakit at galit nya Phin, mahal nya ang anak nyo bilang ina Phin lahat kaya naming gawin para lang hindi masira ang pamilyang binuo namin, naiintindihan ko si Alaila at alam ko na dapat kung tanggapin ang galit nya dahil may kasalan ako"napapikit sya.

"Umalis nalang tayong tatlo"sabay dilat nya.

"Hindi nga pwede kung gusto mong umalis bahala ka basta ako at si Phantom hindi kami aalis"tinalikuran ko na sya pero hinawakan nya ang braso ko ay pagod ang mga mata nyang tinignan ako.

"Aayusin ko ang gulong ito"hinawakan ko ang kamay nyang nasa braso ko at tinanggal iyon.

"Siguraduhin mo lang Phin na hindi madadamay si Phantom sa gulong aayusin mo"at tuluyan ko na syang tinalikuran sya.

Pagkatapos ng mahabang usapan na iyon ay umaalis nya sya. Napatingin ako sa pinto ng makita ang parents ko na may dala itong basket na naglalaman ng prutas at paper bag tumayo ako at sinalubong sila ng yakap.

"Sorry mom, dad"tinapik ni daddy ang balikat ko.

"Tama na yan!"yun lang ang sabi nya mukhang nagtatampo pa sya sa akin.

"Nagising na ba ang apo ko sweety?"ngumiti ako may mommy.

"Yes mom nagising sya kanina pero nakatulog din ulit"linapitan nya si Phantom.

"Anong balak mo gawin ngayon Samantha?"naikagat ko ang pang-ibabang labi mukhang galit pa si dad.

"Sabi ng doctor kailangan operahan si Phantom!"hinawakan ni mommy ang kamay ko at nalulungkot na ngumiti.

"Sinabi na sa akin ni Doctora nakasalubong namin sya kanina magiging ayos lang lahat anak"sabay haplos nya sa pisngi ko naikagat ko ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Hindi na maubos-ubos ang luha ko. Yumakap ako sa kanya at binuhos ang mga luha ko tinapik nya ang balikat ko.

"Mommy ayoko ng mawalan ng anak ayoko na! si Phantom nalang ang dahilan kung bakit ako lumalaban mommy! Ayoko syang mawala tulad ng pagkawala ng kakambal nya pagod na pagod na po ako"umiyak narin si mommy.

"Kayanin mo para kay Phantom sweety"tumingin ako kay daddy kita rin sa mga mata nito ang lungkot.

"Dad"lumapit ako sa kanya yinakap nya ako at hinalikan ang ulo ko.

"Iyakin na ang baby namin!"

"Dad hindi na ako baby"

"Baby ka parin"

Lumapit si mommy sa amin at nakiyakap din. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila.

"Para kay Phantom sweety lumaban ka"saad ni daddy.

"Lalaban po ako dad para kay Phantom"ayoko ng mawalan ng anak baka hindi ko na kayanan.

Hapon na nang makabalik si Phin mabuti nalang hindi nya nakasalubong ang parents ko dahil alam kung galit na galit pa sa kanya si daddy. Nagtataka ako ng makitang pawisan sya.

"Phin ayos kalang ba?"nagulat ko ng mahigpit nya akong niyakap.

"Hindi ko sinasadya"naguluhan naman ako sa sinabi nya

"Ano bang nangyayari pawis na pawis ka at nanlalamig ka"tumingin sya sa akin. Muli ko na naman nakita sa mga mata nya ang takot.

"Phin?"natatakot na ako ano bang nangyayari?

"Sam hindi ko talaga sinasadya tangina"binitiwan nya ako at napasuntok sya sa pader.

"Phin!"tawag ko sa kanya pero hindi nya ako naririnig para syang nawawala sa sarili.

"Hindi ko talaga sinasadya"paulit-ulit nyang binibigkas iyon. Napa upo sya sa sahig at napahilamos sya ng mukha. Lumapit ako sa kanya lumuhod ako sa harapan nya para mapantayan sya. Hinawakan ko ang kamay nya dahilan para itanggal nya iyon sa mukha nya at tumingin sa akin.

"Phin ano bang nangyayari?"hinawakan nya ang kamay ko sobrang lamig ng kamay nya.

"Sinubukan kung ayusin ang lahat Sam pero-"bigla syang naluha.

"Phin!"gulat na gulat ko dahil sa wakas nakita ko ang mga luha nya. Yinakap nya ako at sumubsob sa leeg ko.

"Pinatay ko sya Sam pinatay ko sya"nanlamig ako sa mga narinig ko. Yumugyog ang balikat nya, humigpit ang yakap nya sa akin. Kumalas ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya sabay pahid sa mga luha nya. Pati ako naluluha narin dahil sa nakikita ko.

"Huminahon ka Phin sabihin mo kung anong nangyari?"hinawakan nya rin ang pisngi ko.

"Si Philip na patay ko"dumalas ang kamay kung sa pisngi nya. Nanghina ako hindi ko namalayan na nasampal ko na pala sya.

"Sam!"mahina nyang tawag nya sa akin. Tumayo ako ganun din sya akmang lalapitan nya ako pero umatras ako.

"Sam!"tawag nya ulit sa pangalan ko. Bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang apat na pulis.

"Officer Cole inaaresto ka namin sa pagpatay mo sa anak mo na si Philip"napatingin ako sa posas na nasa dalawang kamay nya.

"Sam alagaan mo si Phantom mahal ko kayo"yun ang huling salita na narinig ko bago sya maglaho sa kwarto. Nanghihina akong napahawak sa railing ng hospital bed.

Umiling ako para akong nanaginip pero totoo ang lahat. Dumilim ang paningin ko hanggang sa bumagsak ako at nilamon ng dilim.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO REACT AND COMMENT

UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon