KABANATA 16

3.2K 53 1
                                    

[KABANATA 16]

5 years later

MAPAIT akong napangiti habang pinagmamasdan ang papalapit na si Zamiel naka suot ito ng wedding gown. Malawak ang mga ngiti naikagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makita ang mga luhang namumuo sa mga mata ni Ivan. Nung araw na bumalik ako dito sa Maynila ay inayos ko ang lahat tungkol sa pagitan naming tatlo. Wala nang mapapala ang galit ko at hinanakit sa kanilang dalawa kung nagmamahalan naman talaga sila at higit sa lahat magiging ama ni si Ivan.

Napag isip-isip ko na kasalan ko naman ang lahat kung bakit nanloko si Ivan dahil wala akong oras sa kanya at tanging ang pinsan ko lamang ang pumuno ng pagkukulang ko kay Ivan. Yumuko ako ng maramdaman na merong mga luhang bumubuo sa mga mata ko. Hindi ako nasasaktan dahil naiingit ako. Nung araw na umalis ang walanghiyang lalaking yun ay ilang araw akong naghintay umaasa na babalik sya pero hindi na. Mas lalo lamang ako nasaktan sa katotohanan na malaman na bumalik sya sa asawa nya. Dapat alam ko na hindi naman talaga ako ang pipiliin nya. Ilang araw akong tulala at wala sa sarili na hindi ko alam na buntis ako. Napahaplos ako sa tyan ko. Hindi na kayanan ng bata ang stress na dala ko. Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko sa pagkawala ng anak ko.

"Mama"pinunasan ko ang luha ko ng marinig ang mahina nyang boses nakahawak sya sa dress ko inabot ko sya at kinarga.

Kambal sila pero isa lang ang nakaligtas. Hinaplos ko ang pisngi nya sumubsob sya sa leeg ko. Kamukhang-kamukha nya ang walanghiyang ama nya. Kaya wala sa oras na nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko ang mukha ng anak ko dahil bumabalik din ang lahat ng alaala sa pagitan naming dalawa.

Pagkatapos ng kasal ay napag-alaman na kami ayoko ng pumunta sa reception at isa pa pagod na pagod ako dahil sa trabaho. Nagpatayo ako ng isang maliit na coffee shop sarili kung pera ang pinagawa ko dahil gusto kung maging independent lalo na sa anak ko.

Hinaplos ko ang pisngi ni Phantom sobrang lambot. Yinakap ko ang anak ko at hinalikan ang noo nya. Nakaramdam ako ng kapayapaan. Sya nalang ang meron ako at hindi ko hahayaan na makilala nya ang anak namin.

Kinabukasan ay nagising ako na merong maliit na kamay ang hinaplos ang pisngi ko. Sumalubong sa akin ng cute ni si Phantom.

"Morning my little panda"ang cute nya sa suot nya mukha na talaga syang panda.

"Gutom ka na ba?"kumislap lamang ang mga mata nya. Kinarga ko sya at ipinagluto ng pagkain. Madalas ay lagi ko syang dinadala sa coffee shop minsan hindi kasi namimiss nina mommy at daddy si Phantom kaya madalas sila ang nagbabantay. At ngayong araw ay ang parents ko ang magbabantay.

Pagkatapos kung asikasuhin ang lahat ay humalik muna ako sa pisngi ni Phantom bago pumunta sa coffee shop. Pagkapasok ko ay bumati ang mga empleyado ko ngumiti rin ako pabalik. Kahit hindi pa kilala ang coffee shop ay masaya na ako kahit kunti palang ang nakakapansin nito.

"Madam dumating na po yung mga coffee beans nasa kusina po"

"Okey thank you"pumunta na ako sa kusina at kinuha ang apron. Kumuha ako ng kunting coffee beans at inamoy yun sobrang bango. Nagsimula na akong magtrabaho napangiti ako ng unting-unting dumadami ang tao kaya naging busy ang lahat ganun din ako.

"Ako na dito"saad ko sa isang waiter dahil marami syang inaasikaso. Nahihiya pang tumingin sya sa akin pero ngumiti lang ako. Pantay ang trato ko sa lahat ang sabi ko sa kanila wag nila akong itratong amo. Ngumiti akong linapag ang black coffee sa harap ng lalaking natatakpan ng isang papel.

"Enjoy your coffee-"hindi ko natapos ng sasabihin ko ng makita ang walanghiya.

"Phin"bulalas ko sa gulat ngumisi ang gago. Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa galit sa kanya gusto kung isaboy sa mukha nya ang mainit na kape. Huminga ako ng malalim at plastic na ngumiti sa kanya.

"Enjoy your coffee sir"at agad syang tinalikuran pero nagsalita sya dahilan para mapatigil ako.

"Nag order ako ng cupcake nasaan na?"pilit ang ngiti kung nilingon sya.

"Mukhang nakalimutan ng waiter na isulat ano bang flavor ng cupcake ang gusto nyo?"nanggigil kung tanong.

"Strawberry cupcake"

"Okey-"

"Tatlo"dagdag nya.

"Okey sir"

Dali dali akong pumunta sa kusina napatingin pa sa akin ang mga tauhan ko kaya inayos ko ang sarili ko. Sinenyasan ko ang isa kung tauhan na idala yung order nang walanghiya. Pero hindi pa nga tumagal ng segundo ng bumalik ang tauhan ko bitbit nito ang tray na naglalaman ng tatlong cupcake. Napakamot ang tauhan ko at nagdadalawang isip kung sasabihin nya pero sinabi nya din.

"Kayo daw po madam ang mag serve!"hinilot ko ang noo ko. Nanggigil akong kinuha ang tray at padabog na naglakad pagkarating ko ay agad ko iyon linapag sa kanya. Pero ang walanghiya ay nakangisi.

"Sir kung pwede pakidalian nalang kasi maraming kakain din!"tumingin sya sa paligid. Napatingin ako sa dalawang kamay nyang nasa ibabaw ng lamesa pinagsaklop nya ang mga iyon.

"Kunti lang naman"huminga ako ng malalim.

"Enjoy sana mabilaukan ko"mahina kung sabi sa huling salita.

"Narinig ko iyon!"saad nya. Padabog akong naglakad anong ginagawa nya dito. Ang kapal ng mukha nyang magpakita sa akin ang sarap ibuhos sa mukha nya ang kape. Bigla akong kinabahan para kay Phantom bumalik na ang walanghiyang ama nya at sigurado akong malalaman iyon ni Phin. Dahil walang sekretong hindi nabubunyag.

MoonLoverPrincess2

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT

UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon