[KABANATA 20]
HINDI ko mapigilang mag-alala kay Phantom lalong lalo na nagkaharap na kami ni Alaila matindi ang galit nya sa akin kahit sino naman ay magagalit kung pinupuntahan parin ng asawa mo ang babae nya kahit ako sa sitwasyon ni Alaila ay baka hindi lang pang-iinsulto ang masasabi ko pagnagloko din ang asawa ko. Pero sa sitwasyon ko ako ito ang nakasira ng pamilya. Hindi lang ako ang may kasalanan dito si Phin din dahil nakatali na sya sa iba ay pilit paring kumakahol sa mga ibang babae. Pang-ilan kaya ako sa babaeng sinampal ni Alaila sa katotohanan na ang isang tulad ko ay walang lugar sa mundong ito.
Babaero talaga ang walanghiyang iyon paano nya na atim na lokohin si Alaila at anak nya. At ako naman tong si tanga ay hinayaan ang sarili ko na mahalin siya. Hinaplos ko ang mukha ni Phantom hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na malaman nila ang tungkol kay Phantom.
Kinabukasan pagkadating ko sa coffee shop ay mukha nya ang nakita ko. Hinawakan nya ang braso ko pero tinanggal ko iyon.
"Phin ano ba!"inis kung singhal sa kanya mabuti nalang ay closed sign pa ang nakalagay sa pinto.
"We need to talk Sam!"pagmamakaawa nya inis ko syang tinulak ng akmang lalapit sya sa akin. Kita sa mga mata nya ang pagod at sakit-
Sakit!
Nagpapanggap lang sya Samantha! Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
"Wala na tayong dapat pag-usapan Phin"inis kung singhal sa kanya at tinalikuran sya pero hinawakan nya na naman ulit ang braso ko. Nanlilisik ang mga mata kung tinignan sya.
"Alam mo ba ay pumunta dito ang asawa mo!"nagulat sya sa sinabi ko. Ibig sabihin ay hindi sinabi sa kanya ni Alaila.
"Anong ginawa nya sayo?"pagak akong tumawa ng marinig ang sinabi nya.
"At sa akin ka pa talaga concern hindi sa asawa mo!"panunumbat ko inalis nya ang kamay nyang nasa braso ko at napahawak sya sa leeg nya.
"Look Phin! matagal ng tapos ang sa atin-"napatawa ako"natin? mukhang wala naman talagang tayo"panunumbat ko.
"Phin nagmamakaawa ako sayo wag munang guluhin ang nanahimik kung buhay please lang may asawa at anak kana kaya naman wag muna akong kausapin please lang"pagmamakaawa ko dahil pagod na pagod na ako hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Isipin mo naman ang anak mo Phin"naikagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sakit nararamdaman ko para sa anak ko.
"Maawa ka sa kanya"
Maawa kay Phantom gusto kung idagdag iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Mahal ka ni Alaila kaya naman respitohin mo naman sya"dagdag ko. Hindi sya makatingin sa akin, nanlalabo ang mga mata ko.
"Wag muna akong lalapitan dahil kung hindi magpapakamatay ako"sigaw ko na ikinagulat nya.
"Sam!"akmang hahawakan nya ako ng lumayo ako.
"Patahimikin mo na ako"bulalas ko at tinalikuran sya. Tumakbo ako sa opisina ko at doon ko binuhos ang mga luha ko. Aaminin ko mahal ko parin sya kahit niloko nya ako kahit hindi nya na ako binalikan sa isla. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala kung paano ako naghintay sa kanya at nagmakaawa kay Lazarus na gusto ko s'yang kausapin pero wala syang pakialam.
Pagod na pagod na akong mahalin sya pero hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya.
Napahawak ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Huminga ko ng malalim ng makita na si mommy ang tumatawag.
"Sweety!"bigla akong kinabahan ng marinig ang iyak nya inayos ko ang sarili ko.
"Mommy anong nangyari?"
"Si Phantom sinugod sa hospital!"bigla kung nabitiwan ang cellphone ko. Ilang segundo ako natulala bago kunin ang cellphone.
"Anong nangyari sa anak ko? Saang hospital"hindi ako mapakali. Agad akong lumabas ng opisina ng malaman kung saang hospital dinala si Phantom nasalubong ko si Phin mukhang pursigido talaga syang kausapin ako pero wala na akong pakialam sa kanya. Napamura ako ng maalala na hindi ko pala dala ang kotse ko. Agad akong nagpara ng taxi pero walang humihinto para akong tanga na umiiyak.
"Samantha"galit nyang sigaw sa pangalan ko at hinablot ang braso ko dahil muntik na akong masagasaan. Nagulat sya ng makita ng istura ko.
"Wag ngayon Phin wag ngayon!"sigaw ko at tinulak sya.
"Tangina Taxi"sigaw ko hinablot nya na naman ako dahilan para masampal ko sya.
"Bakit ba ang kulit mo!"sigaw ko wala ka akong pakialam kung pinagtitinginan na kami.
"Saan ka ba pupunta ihahatid kita!"pagod nyang sabi. Nanginginig ang mga kamay kung hinawakan sya sa balikat.
"Hospital!"pumiyok pa ako. Dali-dali nyang binuksan ang kotse nya at agad nya akong pinasakay.
Umiiyak lamang ako sa loob ng kotse. Ayoko ng mawalan ng anak! si Phantom nalang ang tanging dahilan kung bakit nakakayanan ko ang hirap.
Phantom my little panda padating nasi mama. Lumaban kalang anak ko wag mung iiwan si mama. Pagkarating namin sa hospital agad kung binuksan ang pinto at tumakbo sa reception.
"Sweety"agad akong niyakap ni mama umiiyak din sya tulad ko.
"Si Phantom mommy nasaan sya!"nanginginig ang mga kamay nyang pinunasan ang mga luha ko.
"Nasa room 102 sya"agad akong tumakbo pagkasabi nya. Nanghina ako ng makita ang istura ng anak ko.
"Doc anitng nangyari sa anak ko!"nag-aalalang tumingin sa akin ang doctor.
"Nagkaroon ng deperensya ang puso ng bata"napahawak ako sa doorknob para kumuha ng suporta.
"Magiging maayos lang sya diba"umiiyak kung sabi. Pilit na ngumiti ang doctor.
"Gagawin namin ang lahat ng makakaya pero sa ngayon ay kailangan namin ng type A na dugo"naikagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi Type A ang dugo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Type A ako doc"nanlaki ang mga mata kung nilingon sya. Kita sa mukha nya ang galit at takot sa mga mata nya.
"We need to talk seriously Samantha"bigla akong nanghina mabuti nalang ay nasalo nya ako.
Malalaman nya na!
MoonLoverPrincess2
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETE
Любовные романыPLEASURE SERIES 1 Samantha, is innocent woman and independent, but everything is change when his Fiance having affair in her cousin. She changed into seductive and wild woman when he meet the gorgeous police officer. Dahil sa panloloko ng Fiance...