KABANATA 21

3.1K 55 3
                                    

[KABANATA 21]

NAPATINGIN ako sa kanya nanginginig ang mga kamay nyang hinaplos ang mukha ni Phantom.  Umiwas ako ng tingin dahil nasasaktan ako sa sinapit ng anak ko.

"Anong nangyayari dito Samantha?"galit na sabi ni daddy ng iniwan ko muna si Phin sa loob ng kwarto.

"Sweety naguguluhan na kami ng daddy mo!"

"Dad, mommy!"hinawakan ko ang kamay nilang dalawa.

"Natakot po ako at nasaktan kaya ako nagsinungaling sa inyo!"napahilamos ng mukha si daddy.

"Tangina Samantha hindi ko na tatanungin kung sya ang ama ng apo ko dahil obvious naman na magkamukha sila"pilit ni daddy na hindi sumigaw.

"Honey kumalma kalang"

"Kalma paano ako kakalma nagsinungaling ang anak mo tapos yung isa mo pang anak ayaw magpakita ano bang nangyayari sa kanila"inis na singhal ni daddy.

"Dad I'm so sorry natakot lang naman ako!"

"Natakot saan Samantha?"yumuko ako habang umiyak nanginginig ang mga labi kung sinabi ito.

"Dahil naging kabit po ako!"nagulat silang dalawa napamura si daddy. Hinawakan nya ng dalawang balikat ko at niyugyog ako.

"Ano ba nasasaktan mo na ang anak mo"sigaw ni mommy.

"Hindi kita pinalaki na pumatol sa may asawa"sigaw nya pinagtitinginan narin kami ng mga tao dito.

"I'm sorry"yun lang ang nasabi ko.

"Nasaan ang walanghiya yun"nanggigil na sigaw ni daddy agad syang pumasok sa kwarto. Nataranta naman kami ni mommy.

"Hayop ka"sabay suntok ni daddy kay Phin. Hinablot nya ang necktie ni Phin.

"Hindi ka na talaga na kontento"sigaw ni daddy.

"Michael tama na"sigaw ni mommy. Tanging iyak lamang ang ginawa ko.

"Saan kayo pupunta?"sigaw ni mommy ng hinila si Phin palabas.

"Dito kalang anak"nag-aalalang sabi ni mommy. Naglakad ako papunta kay Phantom.

"Anak gising kana please"pagmamakaawa ko sa kanya.

"Nandito na si mommy"hinalikan ko ang noo nya. Umiyak lamang ako ng magdamag hanggang sa naramdaman ko nalamang na nilamon na ako ng dilim. Nagising ako sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Agad akong napabangon. Napatingin sya sa akin hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Phantom"gising na sya inosente ang mga mukha nyang tinignan ako. Karga sya ni Phin agad akong bumangon at linapitan sila akmang kukunin ko sa kanya si Phantom nang lumayo sya.

"Gusto ko syang kargahin"malamig nyang sabi sa akin.

"Miss ko na ang anak ko Phin"singhal ko sa kanya.

"Wag ngayon Samantha lalong-lalo nasa harap ng anak ko"inis ko syang tinignan.

"Anak mo? Anak ko lang sya Phin"hindi sya sumagot bagkus ay tinalikuran nya ako. Pumunta sya sa bintana.

"Magpagaling ka my little boy para makalabas ka na dito"saad ni Phin kay Phantom may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko.

Linapitan ko rin sila at pinagmasdan ang magandang tanawin.

"Paano mo ito sasabihin kay Alaila?"hindi sya lumingon sa akin.

"Hindi na kailangan malaman!"naikagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sinabi nya. Natatakot sya nasabihan kay Alaila ang tungkol kay Phantom.

"Paano si Philip?"inis syang tumingin sa akin.

"Sinabi ko na hindi na nila kailangan malaman ang lahat"at tinalikuran nya ako.

"Pero Phin-"

"Wag sabi ngayon Samantha"inis nyang singhal. Umupo sya sa kamay at pinaglaruan ang maliit na kamay ni Phantom. Tumingin sa akin ang anak ko at tinaas ang dalawang kamay nya na para bang gusto nya magpakarga sa akin lumapit ako at kinuha si Phantom hindi na nakapagreklamo si Phin dahil mismong anak ko na ang lumapit sa akin. Mahigpit kung yinakap si Phantom at hinalikan sa noo.

"I miss you my little panda"sumubsob sya sa dibdib ko mukhang nagugutom na sya. Napatingin ako kay Phin sobrang seryoso ang mukha nito habang pinagmamasdan kami umiwas ako sa kanya umupo ako sa tabi nya.

"Nagugutom na si Phantom!"sabi ko.

"Pwede bang umalis ka muna kasi-"hindi nya ako pinatapos.

"Nakita ko na iyan Samantha"singhal nya. Napatingin ako sa pinto ng nagsalita sya ulit.

"Naka lock yan"dagdag nya napalunok ko bago itaas ang tshirt ko at tinanggal ang hook ng bra ko para mailabas ko ang dibdib ko. Agad doon sumubsob si Phantom. Bigla akong nanlamig ng tumabi sa kin si Phin at hinaplos ang mukha ni Phantom sobrang naiilang ako dahil kitang kita nya ang dibdib ko.

"My little boy is hungry"hinawakan nya ang maliit na kamay ni Phantom dahilan para pumulupot ang maliit na  daliri ni Phantom sa malaki nyang daliri. Inosenteng nakatingin ang anak namin kay Phin.

"Ilang taon na sya?"

"Apat na taon mag-lilimang taon na sya sa April 24"sumubsob sya kay Phantom para ilagay ang kamay nito sa pisngi nya. Napalunok ako dahil nahihiya ko.

"Anong buong pangalan nya?"napalingon sya sa akin.

"Phantom Jr. Dela Rosa"nagsalubong ang dalawang kilay nya mukhang alam ko na ang sa isip nya.

"Wala ang apelyido mo dahil hindi naman tayo kasal!"

"I don't care"saad nya inis akong sinalubong ang dalawang mata nya.

"At anong balak mo gawin Phin?"inis kung tanong.

"Ilalagay ko sa kanya ang apelyido ko"nanlaki ang dalawang mata ko.

"Anong sabi mo?"

"Hindi ka bingi Samantha para hindi marinig ang sinabi ko"

"Nababaliw ka na ba?"mahina kung singhal sa kanya. Hinalikan nya ang noo ni Phantom.

"I'm serious Samantha"at muli nyang pinaglaruan ang maliit na kamay ni Phantom napabuntong ako.

"Paano kung malaman ni Alaila?"hindi sya umimik bagkus ay nakatuon sya sa maliit na kamay ni Phantom na humahaplos sa pisngi nya. Mukhang wala akong makukuhang sagot sa kanya.

Hay!

Bahala nga sya sa buhay nya siguraduhin nyo lang na hindi nya magsasaktan ang anak ko dahil kung hindi malabo na syang makakalapit kay Phantom at makita ito.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

UNDER ARREST [PLEASURE SERIES 1] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon