Chapter 5

548 23 2
                                    

Chapter 5: Mall

"Okay na okay po ako dito, La. Mababait 'yong mga kasama ko. Hindi naman po ako nahihirapan," nakangiting sabi ko habang hawak ang telepono sa aking tenga.

Tumawag ako sa Lola ko para mangumusta. Ilang araw na rin akong hindi nakakatawag sa kanila dahil wala akong load. Buti na lang pinautang ako ni Jazmin. Sa kaniya nagpapa-load ang mga kasambahay dito sa bahay.

"E, ang mga batang inaalagaan mo? Kumusta? Pinapahirapan ka ba?"

"Hindi naman po. Slight lang," natawa ako. "Makulit pero mababait naman, La."

Iniwan ko muna sila roon sa living room ng bahay dahil may pinagkakaabalahan sila. Umalis muna ako saglit para makipag-kamustahan sa aking Lola. Wala si Lolo dahil nakikipag-usap daw sa mga barkada niya.

"Oh, siya, sige. Kung may kailangan ka, nandito lang kami ng Lolo mo at ng mga kapatid mo."

Napangiti ako. "Salamat, La."

Napanguso lang sa sinabi niya at iniba na ang usapan. "Kumusta naman ang mga kapatid ko diyan, La? Pinapasakit ba ulo mo?"

"Sinabi mo pa, apo."

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Lola. Hindi nag-iisang taon ang pinakabata sa aming magkakapatid ay siya na ang nag-aalaga sa amin. Kahit sobrang hirap ng buhay sa probinsya, nakayanan niya kaming tatlo na itaguyod. Para sa akin, siya na ang pinakadakilang Lola sa balat ng lupa.

"Basta mag-iingat ka riyan," sagot niya. "Nangangamusta rin sina Rj at Rena. Magpadala ka daw ng pasalubong pag-uwi mo rito."

"Siyempre naman! Hindi ako uuwi diyan na walang dala 'no. Pag may sahod na ako, La, magpapadala agad ako diyan."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Magtira ka rin ng sa 'yo. Wag mo naman ipadala lahat, Cathalyn.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Lola dahil may pupuntahan pa daw sila ni Lolo sa kabilang bayan. Bigla ko tuloy na-miss ang bukid. Ang sarap-sarap nang umuwi. Mas mapayapa pa siguro ang buhay ko roon.

Bumalik ako sa loob at ganoon pa rin ang ginagawa ng mga bata. Nanonood ng cartoons sa malaking TV  si Darvius at gumuguhit naman si Dalvis. Si Dariux ay busy naman sa paglalaro sa iPad niya. Tapos na ang klase nila sa araw na ito.

Nakaupo na ako sa tabi ni Darvius nang bigla niya akong kinalabit. Nakangisi na.

"Thaly, let's go to the mall! I want to buy new toys!"

Napatitig ako sa kaniya. "Huh? Sinabi na ba ng Daddy niyo na pwede na kayong gumala?"

"What's gumala?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Darvius.

Napangiwi ako, nag-iisip. "Mamasyal or, uh, ano nga ba sa english 'yon? Trip? Road trip?"

"You mean, stroll around?" singit ni Dariux na hindi pa rin nawawala ang tingin sa iPad niya.

Pilit akong natawa. "P-Parang 'yon nga...?"

Hindi ko rin maintindihan ang sinabi ni Dalvis dahil hindi naman pamilyar sa akin ang salitang iyon. Trip lang ang alam ko e.

"Can we go out , Thaly? Promise, we will be good boys! It's too boring to stay inside the house!"

Nilingon ko si Dalvis na nakatingin sa amin. "Gusto mo rin bang lumabas ng bahay?"

"... if Daddy will let us," ani ng bata.

"As if he would," sumingit si Dariux sa amin at hindi nakatakas sa mata ko ang pag-irap niya.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now