Chapter 17: Confession
"Kung hindi ka pa pala naglu-lunch edi sana pumasok ka muna sa bahay. Diba sabi ko na wag kang magpapalipas ng gutom at kumain ka sa tamang oras?"
Matalim ang tingin ko sa lalaking kaharap na ngayon ay mabilis na kumakain na akala mo ay may hinahabol na oras. Pinagsiklop ko ang mga braso sa ibabaw ng mesa. Nasa loob kami ng isang mamahaling restaurant. Ipinatigil ko ang sasakyan dahil tumutunog na ang tiyan niya sa gutom.
Natigil siya at nag-angat ng tingin sa akin. I watch him slowly licked his lower lip and gulped.
"Alright, I'm sorry..." umamo ang kaniyang mukha. "I was really excited to see you so I forgot to eat my lunch."
Mas lalo akong napasimangot. "Sana nagsabi ka na hindi ka pa pala kumakain. 'Wag na sana maulit sa susunod, Sir, ah?"
Umayos siya ng upo at binigyan ako ng salute pose. "Yes, Ma'am."
Napangiwi ako at kumain na rin sa in-order niyang sponge cake sa akin. Tinawag niya ang waiter at siya na ang nagbayad ng mga pagkain namin. Hindi naman na ako magbayad dahil unang-una sa lahat, wala akong dalang pera. Kahit piso.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako palabas ng restaurant. Ngunit sa hindi inaasahan ay nakasalubong namin ang isang pamilyar na magandang babae. Ibang-iba na rin ang hitsura niya ngayon. Mas lalo siyang... gumanda.
Bumalatay ang saya sa mga mata ni Sharma. "Drawsen..."
Maging siya ay nagulat pero agad naman na nakabawi. Lalapit na sana siya kay Drawsen nang mapansin niya ako at bumaba ang mata niya sa magkahawak naming kamay. Nawalan ng emosyon ang kaniyang mga mata.
"What... is this?"
Palihim akong humugot ng hininga at sinulyapan si Drawsen. Wala man lang siyang reaksyon at mukhang walang pakialam kung nahuli kaming dalawa. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero mas humihigpit lang ang hawak niya.
"Thaly?" ngumiti siya pero nauuwi iyon sa ngiwi. "Mind telling me what's going on here? B-Bakit kayo magka-holding hands?"
Nanlamig ako. "M-Ma'am, ano kasi--"
"We're on a date right now," walang kahiya-hiyang sagot ni Drawsen.
Palihim akong suminghap at pumikit ng mariin. Narinig ko rin ang madramang pagsinghap ni Sharma at pagtakip ng kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig.
"You're just kidding... right?" naniniguradong aniya.
"We're not," si Drawsen pa rin ang sumagot.
Natulala si Sharma kay Drawsen, naghihintay na bawiin ng lalaki ang sinabi. Hindi makapaniwalang humakbang siya paatras. Napuno ng tanong at panghuhusga ang mga mata niya kaya unti-unting bumundol ang kaba sa dibdib ko.
Hindi ko nagawang magpaalam sa nakatulalang Sharma dahil hinila na ako palayo ni Drawsen pabalik sa sasakyan niya. Walang sino man ang nagsalita sa amin nang pareho na kaming nakapasok sa loob ng sasakyan.
"P-Pano na ngayon? Anong gagawin natin?"
"We're not going to do something, Cathalyn." Inabot niya ang aking kamay at pinisil ito. "Please don't think of anything today. It's our day today. Our first date, to be exact, so don't let those negative thoughts ruin us today. Are we clear, baby?"
Tanging tango lang ang naisagot ko. Hinaplos niya ang pisngi ko bago marahang hinalikan ang aking noo. Wala sa sariling tiningnan ko ang lugar kung nasaan si Sharma. Wala na siya roon. Nanghihinang napasandal ako sa upuan habang pinapaandar na ni Drawsen ang sasakyan.
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...