Chapter 20

431 14 0
                                    

Chapter 20: Family

Hinila ako ng mga bodyguard palabas ng hospital at hindi na ako nakapalag. Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa luha na hindi na pumapatak na ngayon. Tumigil kami sa harap ng sasakyan. Umawang ang labi ko nang ilabas ng mga lalaki mula sa loob ang mga pamilyar na gamit ko.

Walang-lingon likod na iniwan nila ako na nakatayo sa kalsada kaharap ang isang malaking maleta at bag ko. Pagak akong natawa at ginulo ang buhok ko. Inihilamos ko ang palad sa mukha. Gusto kong sumigaw. Isigaw lahat ng sakit at hinanakit ko.

"Hindi ka na pwedeng pumasok sa loob, Miss. Utos lang," sabi ng security guard ng village sa akin.

Sinubukan kong bumalik sa bahay pero ayaw na akong papasukin ng mga security guard. Hindi ako maka-contact sa loob dahil sa kasamaang palad ay lowbat na ang cellphone ko. Halos lumuhod na ako sa harap ng mga guard dahil sa pagmamakaawa na papasukin ako. Kahit saglit lang.

"K-Kuya naman... Gusto ko lang pong makita ang mga alaga ko kahit saglit lang po," pagmamakaawa ko.

"Sorry, Miss, pero kailangan niyo na pong umalis. Kami po ang mapapagalitan at masisisante kapag nagpumilit kayong pumasok sa loob."

Malakas na bumuntong-hininga ako at umatras na lang palayo. Binuksan ko ang cellphone ko at isang bar na lang ng battery ang natitira. Pwede pa akong tumawag ng isang beses. Tatawagan ko na sana ang numero nang bahay pero bigla namang tumawag ang kapatid ko. Sinagot ko agad iyon.

"Napatawag ka, Rena? Miss mo na ang Ate?" Pinasigla ko ang aking boses.

"Ate..." Humihikbi ang kapatid ko nang sagutin ko ang tawag niya. "Inatake si Lola ng high-blood kanina. Nasa hospital sila ngayon, Ate... kailangan ka namin. Buti na lang nandito si Tito Jem kaya nadala agad si Lola sa hospital."

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang marinig iyon. Wala akong sinayang na oras at pumunta agad ako sa terminal ng bus na maghahatid sa akin pauwi sa probinsya namin. May sapat na pera pa naman ako para umuwi. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko habang nakahilig sa bintana ng bus.

Kung may isang taong ayaw na ayaw kong mawala sa akin... iyon ay ang Lola ko.

Drawsen, Darvius, Dariux, Dalvis... babalikan ko kayo. Babalik ako sa inyo.

Dumiretso ako sa hospital kung nasaan ang Lola ko. Dala ko pa rin ang mga bagahe ko. Naabutan ko si Lola na nakahiga at walang malay. Hindi ko na napigilang maiyak. Sobrang miss ko na siya tapos maaabutan ko pa siya na ganito ang kondisyon. Naabutan ko ang Tito ko na kinukumutan ang Lola.

"Tito Jem!" sabi ko at nanlaki ang mata niya nang makita akong papalapit.

"Taling!" aniya at niyakap ako. "Salamat naman at dumating ka."

Nang bumitaw kami sa isa't isa ay agad na hinawakan ko ang kamay ng Lola. "Kumusta po si Lola? Ayos lang po ba siya?"

"Sabi ng doctor kailangan niyang magpahinga ng marami lalo na't matanda na si Lola. Kung pwede, 'wag na siyang pagtrabahuin para hindi mapagod," sabi ni Tito Jem.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ng aking Lola habang marahang pinipisil iyon. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Tinapik ni Tito Jem ang balikat ko bago nagpaalam na aalis na muna para maghapunan at puntahan si Lolo sa bahay. Hindi siya sumama rito sa hospital dahil umaandar daw ang arthritis nito.

"Lola... nandito na po ang pinakamaganda niyong apo. Wala nga lang po akong dalang pasalubong," mahina akong natawa. "Miss na miss na po kita kaya magpagaling ka kaagad, okay? Nandito naman po ako para alagaan ka."

Sa sobrang pagod siguro ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa tabi ni Lola. Naalimpungatan ako nang maramdamang parang may kamay na humahaplos sa buhok ko pababa. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ilang beses na napakurao bago nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang nakangiting Lola!

Taming The NannyWhere stories live. Discover now