Chapter 14

475 17 2
                                    

Chapter 14: Twin Brother

The party ended well. Nagsiuwian na ang mga bisita at tanging mga tagalinis na lang ang natira. Pinapatulog ko na ang mga bata dahil sa baba ay nag-uusap pa rin sina Tita Amely, Ma'am Amelia, Sharma, at Drawsen. Curious ako kung ano ang pinag-uusapan nila dahil lahat sila ay seryoso bago kami umakyat ng mga bata sa kwarto nila.

Bukas ay uuwi na kami pabalik sa siyudad. Hindi na ulit ako magigising dahil sa tunog ng mga alon. Pagkatapos kong patulugin ang mga bata ay inayos ko na ang mga gamit niya at ipinasok iyon sa kaniya-kaniya nilang maleta. Madali akong natapos kaya lumabas na ako para matulog na sa aking kwarto.

Tahimik na ang loob ng bahay. Ilang minuto na lang ay alas dose na. Humikab ako at naglakad na sa baba papunta sa aking kwarto. Napadaan ako sa living room at gano'n na lang ang pagkunot ng aking noo nang makita na medyo nakaawang ang double door ng bahay.

Dahil hindi ko naman pwedeng iwan na nakabukas. Humakbang ako at isasarado na sana ang pinto nang mahagip ng mata ko ang dalawang bulto ng tao na ilang metro ang layo mula sa bahay. Nasa ilalim sila ng light post at seryosong nag-uusap.

Si Drawsen... at Sharma.

Nanatili akong nakatayo roon, ayaw umalis ng paa ko sa kinatatayuan. Ang mga mata ko ay nakatingin sa kanila, hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Panay ang salita ni Sharma na parang ilang sandali lang ay iiyak na siya. Walang anumang emosyon ang makikita sa mukha ni Drawsen habang ang mga mata ay nakatutok sa kung saan.

"You know how much I love you since we were thirteen, Draw! Alam ko na alam mo 'yon!"

Nalunok ko ang sariling laway nang biglang tumaas ang boses ni Sharma kaya mula sa kinatatayuan ay naririnig ko na siya. Tuluyan nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at sumunod ang ang kaniyang hikbi. Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Drawsen, mukhang nawawalan na ng pasensya.

Walang salita namutawing salita mula kay Drawsen kaya tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Sharma na rinig na rinig ko. Huminga ako nang malalim bago napagpasiyahang umalis na lang. Mali na makinig ako sa pribadong usapan ng dalawa. Moment nila iyon e.

Sinadya man ng tadhana o hindi, narinig ko pa ang huling salita na binitawan ni Sharma.

"She's not for you and you are not for her, Drawsen Tyson!"

Paggising ko sa sumunod na umaga ay saka ko lang nalaman nauna nang bumalik sa siyudad si Ma'am Amelia at Sharma. Hindi na ako nagtanong kung bakit napaaga. Sumabay ako sa agahan nila Tita Amely na nakikipagkwentuhan sa mga apo.

Wala namang imik si Drawsen na minsan ay nahuhuli kong nakatitig sa akin. Ako ang unang nag-iiwas ng tingin at itutuloy ang pagkain. Kating-kati na akong tanungin siya kung ano ang pinag-uusapan ni Sharma at bakit kailangan pa na sa labas ng bahay.

"I hope you can come here again, hija. Ililibot kita sa buong isla."

Binigyan ako nang mahigpit na yakap ni Tita Amely habang nasa gilid kami ng sasakyan. Nagngitian kami bago siya bumaling sa anak na nakatitig lang sa aming dalawa. Si Drawsen na naman ang niyakap ng ginang. Tinapik niya ang likod ng anak.

"Don't forget my advice, son, okay? Hindi kita pinalaking duwag."

Mariing napapikit si Drawsen at napangiwi dahil sa sinabi ng ina. "Yes, Mom. I'll... take your advice. If possible."

"It's possible. Just believe in yourself."

Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy nila kaya pinuntahan ko si Charie. Sa maikling panahon na nandito ako ay makakatagpo pala ako ng bagong kaibigan. Suminghot siya na parang naiiyak kaya natawa ako bago kami nagyakapan. Ngumiti si Aling Bene sa gilid na tinapik lang ang aking balikat.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now