Chapter 1

950 33 1
                                    

Chapter 1: The Triplets

Gusto ko na lang maging siopao. Ang hirap naman kasing maging mahirap sa buhay. Kung sana hindi na lang ako ipinanganak, hindi ako maghihirap ng ganito. Sana hindi nalang ako nakipag-unahan sa mga kapatid ko na makapasok sa egg cell ng magiging nanay namin.

Suminghap ako nang maramdaman ang pangingilid ng luha sa mata ko. Ayokong umiyak. Para akong tanga kapag ganun. Dapat strong woman ako. Mas maghihirap ako kapag hahayaan ko ang sariling maging mahina.

"Pakshet na buhay naman 'to e," bulong ko sa sarili.

Sa isang iglap ay nawala sa akin ang dalawang bagay na kailangan ko ngayon. Bahay at trabaho. Wala akong kilalang mahihingian ko ng tulong dito sa lungsod. Itinakwil na rin ako ng mga kaibigan ko matapos sirain ng ex-amo ko ang buhay ko.

Pinagkalat ba naman na inaakit ko ang asawa niya. As if. Hindi ko naman type ang gurang na 'yon. At ang mga magagaling kong kaibigan—dating kaibigan na pala, naniwala agad. Naknampucha, ang sarap nilang itapon sa labas ng earth. Mga salot sila sa buhay ko.

Sana talaga hindi masarap ang ulam nila ngayon.

Biglang tumunog sa tiyan ko nang maisip ang salitang ulam. Hindi pa ako naghahapunan. Isang daan na lang ang pera ko at gagamitin ko iyon para bumalik na sa probinsya namin.

Wala na naman akong gagawin dito. Sa probinsya ko na lang itutuloy ang buhay ko. Naroon kasi ang mga taong uuwian ko. Ang Lolo at Lola ko kasama na ang mga nakababata kong kapatid.

Hindi ko nahabol ang huling bus pauwi sa probinsya namin kaya sa plaza muna ako magpapalipas ng gabi. Mabibilang na lang sa daliri ang mga taong namamasyal. Safe naman siguro ako rito dahil may mga CCTV naman at malapit lang ang police station.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip na nang makarinig ako ng mga batang pumapalayaw ng iyak. Natigilan ako. Ganito iyong mga napapanood kong horror movies e. May batang umiiyak tapos wala naman pala.

Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Bless us, oh, Lord. Nakapagdasal tuloy ako ng wala sa oras at nag-sign of the cross pa. Magsisimba na talaga ako.

"I'm hungry!"

Doon na ako na-alerto at hindi na ako nagdalawang isip na lumingon sa paligit. Naglakad-lakad ako at hinanap kung saan nanggaling ang mga iyak na iyon. At wala pang minuto ay nakita ko na sila.

Tatlong maliliit na bata ang nakaupo sa ilalim ng light post. Sabay-sabay na umiiyak. Ang pinakamalakas ay iyong batang nasa gitna. Tahimik na umiiyak lang ang batang nasa kanan at nakayuko lang ang nasa kaliwa.

Maingat ang hakbang na lumapit ako sa kanila. Ayoko naman silang takutin. Baka isipin nila na masa akong tao at i-report pa ako sa mga pulis. Wala pa naman akong perang pampyansa kapag nagkagano'n.

"H-Hello...? Anong problema, mga bata?" I asked softly, crouching down so I could level my face with the kids.

Sabay na nag-angat ng tingin sa akin ang tatlo at napaawang ang labi ko nang makita sila. Magkakamukha. Pati ang mga suot nilang white polo shirt at black pants ay pareho rin. Hindi ko tuloy napigilan ang matunog kong pagsinghap. Triplets nga.

"Who are you?" they said in unison.

Isang segundo na natulala ako bago ako napakurap. Wow, spokening english ba ang mga batang 'to? Medyo parang oo kasi hindi naman mukhang pinoy ang mga pagmumukha nila. Hula ko may lahi ang mga 'to.

"No! Don't come near us!"

"We don't talk to strangers, Miss."

Napalabi ako sa sinabi nila. Dudugo yata ang ilong ko kapag nakipag-usap ako sa mga batang 'to. Hindi pa naman ako bihasa magsalita ng ingles.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now