Last Chapter

764 17 0
                                    

Last Chapter




"So... you two are finally together now, huh?" may panunuksong sabi ni Tita Amely sa amin.

Nakaupo na kami ngayon sa hapag-kainan kasama ang mga bata. Sa tabi ko ay si Drawsen na may sinusupil na ngiti. Ang mga kasambahay na nasa gilid ay naghagikhikan kasama na si Ate Marisa. Tumikhim ako at nahihiyang tumango kay Tita na lumaki ang ngisi dahil sa sinabi ko.

"She fell on me first," makapal na tugon ni Drawsen.

Sinulyapan ko siya at pasimpleng tiningnan ng masama. Ipinatong ko ang kamay ko sa hita sabay kurot doon. Napangiwi siya bago kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Tapos na kaming dalawa sa pagkain at nag-uusap na lang.

"But I fell harder," dugtong niya at kinindatan pa ako.

Gumawa ng tunog si Amelia na parang nasusuka na siya. Natawa kaming  dalawa ni Tita Amely habang kumunot naman ang noo ng mga bata. Wala silang kamalay-malay sa pinag-uusapan namin dahil abala sila sa pagkain.

"Kuya, please!" Haloa batuhin na ng kutsara ni Amelia ang Kuya niya. "Save your lame banat later kapag kayong dalawa na lang ni Thaly, will you? The kids are listening too! My gosh, nagiging corny ka pala kapag inlove ka."

Pagkatapos ng masayang hapunan ay nagpaalam na si Tita Amely at Amelia. Maaga kasi ang flight nila bukas papunta na sa ibang bansa kaya kailangan na nilang umuwi. Niyakap pa nila ako bago sila umalis. Nakahinga ako nang maluwag dahil pakiramdam ko ay tuluyan na akong nakapasok sa mundo nila.

Nagpaalam si Drawsen na pupunta muna siya saglit sa kaniyang private office sa bahay. Siguro ay may naiwan siyang trabaho na dapat niyang tapusin. Ang mga bata naman ay nasa living room at nanonood ng palabas.

Habang ayaw pa nilang matuloy ay nakipag-tsismisan muna ako sa ibang mga kasambahay. Hindi rin naman nagtagal 'yon dahil may trabaho pa silang dapat tapusin.

"Grabe mas lalo ka talagang gumanda, Thaly! Anong skincare mo sa probinsya, ha?" tanong ni Dani sa akin nang maiwan kaming dalawa.

"Vitamin D."

"Huh? Ano 'yon?"

"Vitamin Drawsen," hagikhik ko.

Tumingin siya sa akin na para bang nauubos na ang kaniyang pasensya. "Hindi sana masarap ulam mo bukas."

Malakas na natawa ako nang padabog siyang naglakad palayo sa akin. Napailing ako bago naglakad patungo sa kwarto ko para magpalit ng damit. Fitted oversize cotton shirt at itim na short. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko bago nagtungo sa mga bata.

"Drawsen, Dalvis, Dariux?"

Wala na sila sa living room pagdating ko. Pinuntahan ko ang kwarto nila pero wala ng tao. Napakamot ako sa batok. Nasa'n na ba ang mga batang 'yon? Alas otso na ng gabi kaya dapat nakapaglinis na sila ng katawan at maghanda para matulog na.

Halos malibot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin nakikita ang mga bata. Tinanong ko na ang ilang kasambahay pero iling lang ang sagot nila. Nag-aalala na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa mga batang 'yon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Drawsen. Anong trip ng lalaking 'to?

"Hello--"

"Come to my room," aniya at hindi pa ako nakakasagot ay binaba na niya agad ang tawag.

Kahit nagtataka, nagtungo pa rin ako sa kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. Nagsalubong ang kilay ko nang sumalubong sa akin ang madilim niyang kwarto. Hindi naman ako nagkamali na ito ang kwarto niya kahit ito ang beses na makakapasok ako rito.

"Drawsen? Hello? Nandito ka ba?"

Pero wala akong natanggap na sagot. Baka mali ang narinig ko kanina sa sinabi niya. Bumagsak ang balikat ko at akmang isasara na ulit ang pinto nang biglang umilaw ang buong paligid. Nanliit ang mata ko bago ito unti-unting nanlaki nang makita kung sino ang nakatayo malapit sa kanya.

"Welcome Home, Thaly!"

Tinakpan ko ang nakaawang na labi at napakurap ng ilang beses. Nag-init ang puso ko kasabay ng pagtakas ng isang luha mula sa gilid ng aking mata. Malaki ang ngisi ng mga bata habang may dalang bulaklak na inilahad nila sa akin at buong puso ko naman itong tinanggap.

Ang pag-aalala ko sa kanila kanina ay napalitan ng abot langit na kasiyahan.

"Thank you..." Lumuhod ako at isa-isa silang binigyan ng yakap. "Ano ba 'yan... pinapaiyak niyo naman ako, e."

Ito ang kauna-unahang surpresa na natanggap ko. Hindi ko alam na big deal pala sa kanila ang pagbabalik ko. Kung sabagay, sa nakalipas na week ay sa video call lang kami nag-uusap.

"Thank you so much for being the best Nanny in town, Thaly! We love you!" magiliw na sabi ni Darvius at hinalikan ang pisngi ko.

Nanggigigil na pinisil ko ang pisngi niya. Sa panahon na kasama ko sila ay napalapit na rin ang puso ko sa kanila. Para ko na silang nakababatang kapatid.

"Thaly, when Dad said that you're going home, I prepared this for you," sabi ni Dalvis sabay abot ng isang medium size na box. "It's my way of saying thank you for coming into our life."

Nakangising ginulo ko ang buhok ni Dalvis. "Aw... ang sweet mo naman, baby. Masaya rin ako at labis na nagpapasalamat dahil nakilala ko kayo."

"Here's my welcome gift for you." Namumula ang pisngi na inabot sa akin ni Dariux ang isang bigkis ng tulips. "I picked it myself from Lola's garden."

Umikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. "Kayo ba ang nag-prepare nito? Ang Daddy niyo ba nasaan na?"

As if on a cue, narinig ko ang malambing na tawag sa aking pangalan.

"Cathalyn..."

Mabilis na nilingon ko siya nang marinig ang boses niya sa likuran. "Drawsen..."

May hawak siyang cake na may 'welcome home' bago ang pangalan ko. Ilang beses ko nang narinig ang salitang 'yon. Nanubig ang mata ko nang maglakad siya palapit sa'kin pero napatigil agad. Inilagay niya ang dalang cake sa malapit na maliit na mesa bago nagmamadaling lapitan ako.

"Hush, don't cry, baby..." Hinaplos niya ang aking pisngi. "The kiddos made this for you."

Tumango ako at sa huli ay natawa rin. Magsasalita na sana ako nang mabilis na hinalikan niya ako sa labi.

"Why are you kissing Thaly, Dad?!" nanlalaki ang mata na sigaw ni Drawsen.

Nilingon niya ang anak at ngumisi rito.
"It's not bad to kiss your girlfriend, right?"

After that, nagtitiling tumakbo palapit sa akin ang mga bata.


A FEW MONTHS LATER. . .

"Are you willing..." he smiled softly at me, "... to be my wife, baby? 'Cause I'll be the happiest husband in the world if you say yes."

"Mahal kita... pero," huminga ako nang malalim. Namutla siya habang hinihintay ang susunod na sabihin.

"P-Pero ano?" gumaralgal ang kaniyang boses.

"Pero ipangako mo muna na hindi mo ako aararuhin gabi-gabi."

Ang kaninang nakakunot niyang noo ay unti-unting nawala. Humagalpak siya at hinigit ako para yakapin. Gumagalaw ang kaniyang malapad na balikat habang tumatawa. Niyakap ko siya pabalik at hindi rin mawala ang ngiti sa aking labi.

"You giddy woman," he playfully bit my ear. "You really have your ways to wrap me around your finger."

Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang makasama siya sa buhay na 'to hanggang sa kabilang buhay.

- - - - - - -

a/n: next chapter will be the end of Taming the Nanny and it's finally Drawsen's POV so stay tuned, kumares!

Taming The NannyWhere stories live. Discover now