Chapter 7

538 18 0
                                    

Chapter 7: Baby

Nakakapagod ang araw na ito pero umuwi naman kaming masaya kasama ang mga bata. Madilim na nang makauwi kami dahil may dinaanan pa ang mga bata. Sobrang dami nilang pinamili at napakamamahalin pa. Hindi ko kinaya.

Habang pauwi ay nakatulog ang mga bata sa backseat. Nasa harap ako katabi ni Sir na siyang nagda-drive. Ang mga pinamili nila ay nasa compartment ng sasakyan.

Tahimik sa loob at tanging paghinga lang namin ang naririnig. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakasandal sa upuan. Nag-enjoy akong panoorin ang mga nadadaanan naming street lights.

Si Sir Drawsen ang unang bumasag sa katahimikan na nasa pagitan namin.

"You can take a nap too, Cathalyn. I'll wake you up when we get home."

"Hindi na, Sir. Malapit na po tayo diba?"

He nodded his head. Sa hindi sinasadya habang nakatitig ako sa kaniya ay napahikab ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Hindi nagkomento si Sir pero narinig ko ang marahan niyang paghugot ng hininga.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang bahay. Nauna nang buksan ni Sir ang pinto at sumunod naman ako sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng backseat. Tulog pa rin ang mga bata.

"Good evening, Sir!"

Lumabas si Manang Marisa mula sa loob ng bahay at lumapit sa amin.

"H-Hm..." Biglang naalimpungatan si Darvius nang akmang kukunin na siya ni Sir.

Mabilis na lumapit ako sa kaniya para makabalik ulit siya sa pagtulog.

"Baby, shh... nandito na tayo sa bahay. Sleep ka na ulit," malambing kong bulong habang marahang tinatapik ang hita niya.

Tumama ang mata ko kay Sir at nahuli ko siyang nakatingin sa amin. Ang mga mata niya ay naging mapungay. Inaantok na rin siguro siya.

"Ako na maghahatid sa kanila sa kwarto, Sir."

"I'll help you."

Tahimik niyang binuhat si Dalvis at Dariux. Buti na lang at hindi sila nagising sa ginawa ng ama. Namangha ako sa sobrang lakas niya at nakaya niya pang buhatid ng sabay ang dalawang bata. Kinarga ko na rin si Darvius sa aking bisig.

"Kami na ang bahala sa mga bata, Ate Marisa. Pakikuha na lang po ng mga gamit sa compartment," utos ni Sir.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Ate Marisa. "Nag-hapunan na po ba kayo?"

Ako na ang sumagot nang nakangiti. "Yes po, 'Te Marisa. Tapos na po kaming mag-dinner kanina."

Nginiwian lang niya ako at palihim na inirapan. Pinagbuksan kami ng isa sa mga maid at sabay kaming pumasok ni Sir. Tulog na tulog pa rin ang mga bata nang inilagay namin sila sa kanilang kama. Ayaw ko naman silang gisingin para maligo kaya bukas ko na lang sila papaliguan.

Humihikab ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Sir dala ang mga pinamili namin. Nakita niya ang ginawa ko
Tahimik niyang nilapag ang mga iyon sa couch ng kwarto bago bumaling sa akin.

"Matulog ka na," aniya. "I'll take are of these."

"Pero, Sir—"

"Just do what I say. Wag kang masiyadong magpapagod. Take some rest sometimes, Cathalyn. Please."

Wala na akong nagawa dahil may pinalidad na sa boses niya. Pagod na tumango lang ako at ngumiti nang malapad sa kaniya. Nag-good night lang ako sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto. That night, I slept with a smile on my lips.

Taming The NannyWhere stories live. Discover now