Chapter 4: Crush
"Kidding aside," his lips slightly rose up.
Napasimangot ako. Oo. Nakikipagbiruan nga siya.
Itinago ko ang pagkamangha habang pinapanood si Sir Drawsen na gumalaw sa kusina. Ayaw niya akong patulungin. Pinaupo lang niya ako sa isa sa mga upuan at hintayin lang daw ako na matapos siya.
Sa bawat galaw niya ay hindi ko talaga mapigilang pansinin kung paano mag-flex ang mga muscles niya. Pati ang panggalaw ng matipuno niyang likod ay hindi nakatakas sa paningin ko habang nakatalikod siya sa akin.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko dahil baka mamaya ay naglalaway na pala ako nang hindi ko namamalayan.
"Anong lulutuin mo, Sir?" hindi mapigilang tanong ko.
"Garlic butter chicken."
Naks naman. Ang sosyal pakinggan. Bigla tuloy akong natakam at na-excite na tikman iyon.
Nagsimula siyang magluto at hindi umabot ng isang oras iyon.
"Cathalyn."
Naglaho ang mga iniisip ko at napakurap na lamang sa kutsara na nakalahad sa akin. May nakalagay na pagkain roon. Seryoso ang mukha niya na inalok sa akin 'yon.
"Try it. If it doesn't suit your taste, mag-o-order na lang tayo ng pagkain."
Wala sa sariling tinanggap ko iyon nang hindi ginagamit ang kamay ko. Tinikman ko ang nasa kutsara habang hawak niya pa rin ito. Napalabi ako pagkatapos habang pinapatunaw sa bibig ko ang pagkain.
Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kanya. "Hmm... okay na okay, Sir! Masarap! Saktong-sakto lang 'yong timpla."
Kumibot ang gilid ng labi niya. "Good."
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago niya sinabi na pwede na iyong ihain. Tatayo na sana ako para tulungan siyang ihanda ang mga plato pero pinigilan niya ako.
"Nah-uh. You stay still," aniya.
Parang bumaliktad tuloy kami ngayon. Siya ang amo ko pero ako ang pinagsisilbihan niya. Ganito ba si Sir sa mga empleyado niya? Sa ibang maid? Sa isiping iyon ay hindi ko alam kung bakit biglang may kung anong kurot sa puso ko. Parang tanga.
Napapalakpak ako nang ihain niya na sa harap ko ang niluto. "Amoy palang, ulam na!"
Inilagay niya rin ang kanin sa harap ko kasama na ang tinidor at kutsara. Kumuha rin siya para sa kanya.
Pangiti-ngiti ako habang sinusubo ang pagkain. Malumanay ko iyon nginuya habang ninanamnam ang lasa nito. Hindi ko mapigilang mapikit at mahinang mapa-ungol sa sarap. Nang buksan ko ulit ang mga mata ko ay nahuli ko ang titig ni Sir Drawsen sa aking labi.
"Hala, Sir! Grabe ang sarap nga! Like, super na super!" sumubo ulit ako at nagsalita habang ngumunguya. "Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!"
Kumunot ang noo niya. "Don't talk when your mouth is full, Cathalyn. Baka mabulunan ka."
Nilunok ko muna ang nginunguya bago humingi ng pasensya. Binigyan ko siya ng peace sign bago kumain ulit. Nakita ko ang pag-iling niya bago siya sumubo ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang sabay na kumakain kami.
"Plush ten points ka na sa 'kin, Sir. Sobrang sarap mo palang magluto. Hindi halata."
Nilunok niya muna ang nginunguya bago nagsalita. "My Mom's a good cook. Palagi niya akong sinasama sa kusina kapag nagluluto siya."
"Talaga? Ang cute naman!" para akong timang na hindi mawala ang ngiti sa labi.
"Cute..." may kung anong pait ang narinig ko sa tono ng boses niya.
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...