Chapter 22: I love you
Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang maingat at marahan niyang ipinaglapit ang labi namin. Napapikit ako sa ginawa niya at nang ikulong niya ang aking pisngi gamit ang kaniyang dalawang palad. Dinamdam ko ang tamis ng labi niya sa akin. He then started to move his lips against mine.
Kinagat niya ang aking pang-ibabang labi dahilan para mapasinghap ako at napakapit sa kaniyang dibdib. Biglang nanghina ang tuhod ko at agad niya namang sinalo ang aking baywang. Binitawan niya ang aking labi kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Malalim ang tingin niya sa akin kaya napalunok ako ng wala sa oras. Gumagalaw ang mata niya at sa hula ko ay tinitingnan niya ang bawak parte ng mukha ko. Isang emosyon lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Pamilyar sa akin iyon dahil sa tuwing iniisip ko siya at tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, iyon rin ang nakikita ko sa mga mata ko.
Pagmamahal at Pangungulila.
"Drawsen... m-may problema ba?"tanong ko nang ilang segundo na niyang hindi binabawi ang tingin sa akin.
Ipinikit niya ang mata at muli akong pinatakan ng halik sa labi. Nagulantang ako dahil do'n pero nakabawi rin naman agad. Muli niyang iginalaw ang labi niya at hinayaan ko ang sarili na tumugon sa mainit niyang halik. Ipinalibot ko ang mga braso sa kaniyang leeg at humigpit naman ang hawak niya sa akin labi. Mga ilang segundo pa bago kami kusang humiwalay para lumanghap ng hangin.
"How could you hurt me and fix me back at the same time just by hearing you say my name again?"
May kung anong bumara sa lalamunan ko nang makita kung paano pumatak ang isang luha mula sa kaniyang mata. Kaya pala namumula na ang mata niya kanina dahil papaiyak na pala siya. Suminghap ako at mabilis na pinahid ang luha sa kaniyang pisngi. Agad na hinuli niya ang aking kamay.
"Cathalyn... baby, I can't take this anymore. Basag na basag na ako," paos ang boses na niya.
Tuluyan nang bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Na-miss ko 'yon. Ang pagtawag niya sa akin ng baby at ng buong pangalan ko. Lahat. Miss ko na lahat sa kaniya.
"I... I'm sorry..." nabasag ang aking boses kaya nagbaba ako ng tingin. "I'm sorry, Drawsen... I'm sorry."
Hindi ko siya kayang makita siya na umiiyak dahil sa kagagawan ko. Nasaktan ko siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Look at me," aniya. "I said look at me, baby... Please? Face me. I want to see you badly. I've been waiting for this moment, so please, look at me."
And I did. I don't want to hear him beg. Sinapo niya ulit ang mukha ko at malamlam ang mga matang tiningnan ako. Walang salita na lumabas sa bibig niya kaya palihim akong bumuntong-hininga. Ayokong matapos ang gabing ito ng hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.
"K-Kung galit ka sa 'kin, tatanggapin ko iyon. Okay lang... pero hayaan mo muna akong magpaliwanag, ha?" sabi ko. "Una sa lahat, pasensya na kung umalis ako ng walang paalam sa 'yo---"
Bumuntong-hininga siya. "Cathalyn-"
"At sana mapatawad mo ako dahil wala ako sa tabi mo habang nagpapagaling ka. Kailangan ko lang talagang umuwi dahil-" Natigil ako nang halikan niya ako.
"Baby, calm down." Hinaplos niya nang aking pisngi, may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Dani already explained me about why you have to go back home... and also the reason why you can't go back. It's because Amelia told you to... am I right?"
Umiling ako. "Hindi. W-Walang kasalanan Ma'am dito. Kailangan ko lang talagang umalis dahil na-hospital si Lola."
"Alam ko. Si Dani ang nagsabi sa akin pero hindi niya sinabi sa akin kung saang barangay ka dito sa Province niyo," sabi niya ma ikinagulat ko. "Thanks to her, nalaman ko kung sa'n ka hahanapin. I have to use my connection here to find you. Buti na lang ikaw mismo ang lumapit sa akin. "
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...