Chapter 6: Nanny's Childhood Crush
"Hindi ka ba busy ngayong araw, Sir?"
Bitbit niya ang mga pinamiling laruan ng mga bata. Ayaw niya akong pabuhatin. Masiyado daw kasi itong mabigat para sa akin. Pareho naming binabantayan ang mga bata na ngayon ay nauna na sa amin. Pumasok ulit sila sa panibagong tindahan ng mga laruan.
"Hindi naman siguro babagsak ang kompanya ko kung aalis lang naman ako ng isang araw, right?" sinulyapan niya ako.
Lakad-takbo ang ginagawa ko para magpantay kami sa paglalakad. Masiydong mahaba ang legs niya kumpara sa akin. Nang mapansin ni Sir na nahihirapan ako sa pagsabay sa kaniya, humina ang paglalakad niya.
Ngumiti ako na labas pa ang ngipin. "Kung nag-aalala po kayo sa mga bata, promise ko, Sir, hindi ko po sila pababayaan. Cross my heart, mamatay ka man—este, mamatay man ako."
Hindi makapaniwalang umiling siya. Wala akong natanggap na tugon sa kaniya. Napanguso ako nang inilayo niya ang tingin sa akin.
Huminga siya nang malalim. "I trust you, okay? I just want to be with those little brats today."
So he has a soft spot for them, huh?
"Ang swerte pala ng mga anak mo sayo, Sir."
He pressed his lips into a thin line. "If you want to buy something, don't hesitate to tell me."
Umiwas siya sa sinabi ko. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang mga ganitong bagay. Naintindihan ko naman agad iyon.
Umiling ako, nahihiya. "Wag na, Sir—"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at inilapit ang mukha sa akin. Sa sobrang lapit niya ay hindi na ako makahinga. Napaatras ako ng konti dahil sa gulat... at biglang abnormal na pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Tell me, all right?" malalim ang boses na sabi niya. "Cathalyn?"
"O-Opo."I gulped. "Pero para sa'n, Sir? Hindi ko pa naman po pay day. Bonus po ba 'to?"
The side of his lips lift up. "It's a gift for you."
"Gift... sa 'kin? Bakit po?"
"For taking care of the kids, for being patient with them, and for being their responsible Nanny." Hindi niya inilayo ang mga mata sa akin. "Thank you for everything, Cathalyn."
Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng gano'ng salita. Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya at sa titig niyang mas malalim pa sa pacific ocean. Nakakapanghina.
"Si Sir talaga... pereng tenge ke nemen e," palihim kong hinawakan ang nagwawalang puso. "
"What?" bahagyang nagsalubong ang kilay niya.
"Sabi ko po, Sir Drawsen, salamat sa compliments. Nakakataba ng puso. Ikaw na talaga ang pinakamabait at pinakagwapong ama slash amo sa balat ng universe!" nag-thumbs up ako sa kaniya. "Nakaka-proud ka, Sir!"
Umawang ang labi niya bago napailing. "You're crazy."
"Baliw sa 'yo!" tawa ko pero bigla iyong naglaho iyon nang ma-realize ko ang sinabi.
Bigla na lang lumabas ng walang pahintulot ang mga salitang iyon sa bibig ko! Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa aking emosyon.
He menacing eyes narrowed on mine. "Catha—"
"Excuse me, Sir, pupuntahan ko lang si Darvius!"
Hindi ko hinintay ang sagot niya at mabilis ang mga hakbang na naglakad palayo sa kaniya. Pumunta ako sa tabi ni Darvius na Iba't ibang klaseng laruan ang kinukuha ngayon. Nang nilingon niya ako ay ngumiti ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...