Chapter 13

479 16 0
                                    

Chapter 13: Party



Handang handa na ang lahat para sa birthday party ni Tita Amely. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magsi-sixty na pala siya. Sobrang bata pa kasi niya tingnan. Isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita niya. Dalawang oras na lang ay magsisimula na ang party.

Sa kasalukuyan ay nakatayo ako sa gilid habang hinahanapan ni Ma'am Amelia ang mga bata ng isusuot. Nasa kama si Ma'am Sharma na kinakausap si Dariux pero hindi naman ito nakikinig sa kaniya. Tutok na tutok ito sa nilalarong iPad. Si Dalvis naman ay nagbabasa sa kama niya, walang pakealam sa paligid. Si Darvius lang ang nakikipag-usap kay Ma'am Amelia.

"I think this will suit you better, sweetie. Binili ko 'to para sa inyo."

Isinusuot ni Darvius ang regalong dark-blue long sleeve na ipinapasuot ng Tita niya sa kaniya. Humarap siya sa salamin at tiningnan pa ang sarili. Mahina akong natawa nang makitang pomoporma ito na parang model.

"It looks perfect!" pumalakpak si Ma'am Amelia.

Ngumiti si Darvius sa kaniya bago niya ako nilingon. Patakbong lumapit sa akin si Darvius at umikot sa harapan ko.

"Does it look good to me, Thaly?"

Nag-thumbs up ako sa kaniya habang nakangiti. "Oo naman! Sobrang gwapo mo nga eh. Bagay na bagay sa 'yo."

Nakarinig ako ng isang kalabog kaya nag-angat ako ng tingin kay Ma'am Amelia.

"Could you please get out for a moment, Yaya? Tatawagin na lang kita kapag may kailangan na kami," matamis siyang ngumiti pero matalim ang kaniyang mga mata. "I need to bond with my pamangkins."

Maliit akong ngumiti bago lumabas ng kwarto. Sinundan lang ako ng tingin ng mga bata at bago ko isinara ang pinto ay kumaway pa ako sa kanila. Hindi nakatakas sa paningin ko ang matalim na to tingin ni Ma'am Amelia. Bumuntong-hininga ako. Inis na inis na nga siya sa akin.

Malapit na ako sa hagdan nang makasalubong ko si Sir Drawsen. Gano'n pa rin ang suot niya kaninang umaga. Paakyat na siguro siya sa kaniyang kwarto para maghanda na rin. Tumigil ako sa paglalakad habang siya naman ay tumuloy at tumayo siya sa harap ko. Bumaba ang tingin ko sa dalawang paper bag na dala niya.

Napalunok ako at tumikhim. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya itinaas niya ang isang kilay. May ngiting naglalaro sa kaniyang labi nang makita ang pagkailang ko dahil sa presensya niya. Ayon na naman ang abnormal na pagtibok ng aking puso.

Nakangiting inabot niya sa akin ang dala. "For you."

Kahit nagdadalawang-isip ay tinanggap ko pa rin iyon. Hindi ko muna binuksan dahil baka akala niya excited na excited ako sa binigay niya. Sa tingin ko mamahalin ang laman nito.

"Ano po 'to?"

"You can open it. Sana magustuhan mo."

Ilang segundo akong nakatitig sa kaniya bago ko napagpasiyahang buksan ang dalawang paper bag. Mahina akong napasinghap nang makita kung ano ang laman nito. Upang masigurong tama nga ang nakikita ko, inilabas ko ito sa paper bag at sinuri ito.

It was... a dress and a pair of black stiletto.

"S-Sir, ang... ang ganda." Napakurap ako at bahagyang nagsalubong ang kilay na tumingin sa kaniya. "Para sa 'kin po ba talaga ito? Baka po nagkakamali ka lang ng binigyan. Baka po kay Ma'am Sharma—"

"It's for you," bumuga siya nang marahas na hininga at ipinilig ang ulo sa gilid. "I bought that for you hoping that you'll like it. When I saw it, I thought of you wearing it so stop thinking that it's for Sharma. Alright, baby? Don't be jealous."

Taming The NannyWhere stories live. Discover now