Chapter 2: The Daddy
"No! No! I said don't want to go home!"
Napuno ng iyak at pagprotesta ng mga bata ang loob ng van na sinasakyan namin ngayon. Para tuloy kaming na-kidnap sa lagay na 'to. Tahimik lang ako at sinubukan kong patahanin ang mga bata.
Nakadikit sila sa akin kaya hindi nakakagulat na masama ang timpla ng mukha ni Manang kapag napupunta ang mata niya sa gawi namin. Ang driver at dalawang lalaking naka-itim ang kasama namin sa loob ng van.
Nakaupo si Darvius sa kandungan ko at nakayakap ang mga braso sa aking leeg. Si Dalvis naman ay nakasiksik sa pagitan ng kili-kili at braso ko. Si Dariux naman ay nakatingin sa labas ng bintana pero mahigpit ang hawak niya sa t-shirt ko.
"Thaly, help us! Please? Pretty please? There's a monster in our house!" Darvius sobbed.
Ang totoo ay nacu-curious na talaga ako kung sino ang monster na ito. Nakakahiya naman kung magtanong ako. Masasabihan pa ako na pakialamera sa buhay ng mga bata na hindi ko naman matagal na kilala.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ng bata. "Sorry, baby. Hindi ko din alam ang gagawin ko kaya—"
"Tahimik!" singit ni Manang na hindi ko pa alam ang totoong pangalan. "Hindi ko sinabing pwede kang magsalita!"
Napalabi ako. "S-Sorry po."
Hindi nagtagal ay biglang tumigil ang sasakyan. Paglingon ko sa labas ay papasok na kami sa isang Village. Napalunok ako. San nila kami dadalhin? Pano na ako? Ang mga bata?
Bumaba ang tingin ko kay Darvius na humihilik na sa dibdib ko. Napagod yata sa pag-iyak. Gano'n rin si Dalvis at Dariux. Naawa ako bigla. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari at umabot sila sa ganitong sitwasyon.
Umandar ulit ang sasakyan at ayon na ang pagdagundong ng kaba sa dibdib ko. Tumigil ulit kami at sa panahong ito ay nagsilabasan na ang mga sumundo sa amin. Kahit ayoko ay ginising ko ang mga bata.
"Lumabas na kayo. Naghihintay na sa loob si Sir."
Nakadikit pa rin sila akin ang mga bata hanggang sa makalabas kami ng sasakyan. Literal na muntik nang bumagsak ang bibi ko nang makita ang napakalaki at napakalapad na bahay sa harap namin. Tulala pa rin ako hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
"T-Thaly... are you going to leave us now?" nagsalita na si Dalvis.
Napanguso ako. "Gusto niyo ba umalis na ako?"
"Don't!" sabay na sigaw ng tatlo.
Hindi ko mapigilan na magpakawala ng malapad na ngiti. Kahit ngayon ko lang sila nakilala, naging parte na sila ng buhay ko. I'm so glad to meet this kids. Naaalala ko sa kanila ang mga kapatid ko.
"Then, I won't leave."
Dinala kami ng mga tauhan sa isang malawak na living room. Napapaligiran ito ng mga magagarang kagamitan. Mula sa upuan, mga lamesa, antique vase, at paintings na nakasabit sa dingding.
Napatingin ako sa triplet na halatang sanay na gumalaw sa ganitong lugar. Hindi man lang sila namangha sa nakita. May pumasok na ideya at katanungan sa utak ko na alam kong masasagot lang sa susunod na mangyayari sa amin dito.
Nakaupo ang tatlo sa mahabang sofa at ako naman ay nakaupo sa sofa na para sa isang tao lang. Patingin-tingin ako sa tatlo na nakayuko lang at pinaglalaruan ang mga daliri nila. Kinakabahan ako para sa kanila.
"Where have you been?"
Lahat ay natigilan nang dumagundong ang malalim na boses na iyon sa bawat sulok ng living room. Nahugot ko ang sariling hininga nang makarinig ng mabibigat na hakbang sa likod ko. Nagsimula na namang humikbi ang mga bata.
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...