Chapter 8: Palawan
"Pinapapunta ka ni Sir sa garden, Thaly. Do'n daw sila magbi-breakfast ng mga bata."
"Ha? Ah, oo, sige."
Wala sa sariling tumango ako sa sinabi ni Ate Melay na isa rin sa sampung kasambahay. Nakakahiya dahil naabutan niya akong kinakausap ang hangin sa labas ng aking kwarto. Kilala ko na lahat ng kasambahay pero minsan ko lang nakikita dahil busy ako sa pag-aalaga ng mga bata.
Speaking of the kids and Sir Drawsen, ito ang unang pagkakataon na makikita ko silang sabay na nag-almusal.
"Maiwan na kita, Thaly. Maglalaba pa ako e. Tapusin mo na lang kung ano man 'yang ginagawa mo dahil baka naghihintay na sila sa'yo."
"Sige. Salamat sa pag-inform sa akin,'Te Melay."
Tumango lang siya nang nakangiti. Nanatili akong nakatayo habang tinitingnan ang papalayong si Ate Melay. Bumagsak ang dalawa kong balikat at ngumuso. I guess I have no other choice. Kailangan ko siyang harapin kahit hindi ko gusto.
I am his children's Nanny after all.
Inihanda ko muna ang ngiti ko bago ako pumunta sa garden. Naabutan ko nga ang mag-ama roon na sabay na kumakain pero hindi naman nagpapansinan. Silang tatlo lang ang naroon. Tahimik na kumakain ang tatlong bata at gano'n rin si Sir Drawsen.
Gamit ang daliri ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila. Suminghap muna ako sa hangin bago nagsimulang maglakad. Nangangatog ang mga tuhod ko dahil tingin na binibigay niya sa akin. Parang pinag-aaralan ako habang naglalakad palapit sa kanya.
I silently took a deep breath to calm myself down. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang kumaway sa akin si Darvius at ngumiti naman sa akin si Dalvis. Tumitig lang sa akin si Dariux.
"What took you so long?" Napalingon ako kay Sir nang magtanong siya. "We've been waiting for you. You can sit here with us."
Napalunok ako nang ituro niya ang nakalatag na mga pagkain. Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng aking tiyan. Pero imbes na sundin ang sinabi ni Sir ay pinili ko na lang na ibahin ang usapan. Baka kasi ako pa ang isipin ng mga kasambahay kapag nakita na sabay akong kumakain sa kanila.
"May kailangan po ba kayo? Juice? Kape? Gatas?"
"How about you?"
Umawang ang labi ko at sunod-sunod na napakurap. Nataranta ako. Mahina akong natawa baka sakaling makatulong upang pakalmahin ang mabilis na pintig ng aking puso.
"Panong ako po?" Tinuro ko ang sarili bago umiling. "Pasensya na, Sir, pero wala ako sa menu!"
"I mean... " kinagat niya ang pang-ibabang labi, pinipigilan ang ngiti na gustong sumilay. "I'm asking you what you want, Cathalyn. If you prefer juice or whatever to drink during breakfast."
Palihim kong kinurot ang sariling kamay. Assuming yarn?
"Kahit anong inumin po, Sir, basta walang lason," mabilis na sabi ko para itago ang pagkapahiya.
"Then sit down. We need to talk."
"Pwede naman po mamaya na kapag tapos na—"
"Cathalyn," may pagbabanta na sa boses niya.
"Sabi ko nga po uupo na."
Dali-dali akong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi lang ni Darvius. Ngumisi ang bata sa akin nang makitang napalingon ako sa kaniya. Inabot niya sa akin ang kutsara niya at agad kong naintindihan ang gusto niyang gawin ko.
Kumuha muna ako ng plato para sa akin at naglagay ng pagkain roon.
"Darvius, what are you doing? Let Cathalyn eat first. You have your own hand so use it to eat your food."
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...