Chapter 18

527 14 0
                                        

Chapter 18: Father



Dumaan muna kami sa isang fast food chain bago kami umuwi. Iyon na ang ginawang hapunan ko. Tahimik na nilalantakan ko ang in-order niyang fries at burger sa akin. Seryoso siya sa pagmamaneho hanggang sa makita ko ang kamay niya na nakalahad sa akin.

"Gusto mo?" sabi ko sabay angat ng fries. "Kumain ka na rin."

Umiling siya at ngumuso, ang mata ay nakatutok pa rin sa harap. "Your hand please."

Binasa ko ang aking pang-ibabang labi bago tinanggap ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Napangisi siya sa ginawa ko.

"Hindi ka pa ba nagugutom? Susubuan na lang kita," nakangising sabi ko habang mahinang ngumunguya.

Dahil nasa kaniya ang paningin ko, nakita ko kung paano siya natigilan. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at sa steering wheel. Kahit madilim ay nakikita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Maputi kasi siya kaya siguro gano'n.

Naguluhan ako nang bigla na lang niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Wala pa siyang planong umuwi kahit alas siyete na ng gabi.

Naipiling ko ang ulo ko sa gilid nang sumandal siya sa upuan niya at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang likod ng kaniyang palad. Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga bago niya ako nilingon.

"Cathalyn..." napapaos na aniya. "I want to kiss you now. Right here."

Umawang ang labi ko pero sa huli ay hindi ko na mapigilang matawa nang mahina. Totoo? Itinigil niya talaga ang sasakyan para lang sabihin sa 'kin 'yan? Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa sinabi.

"Bakit gusto mo 'kong halikan? Hindi ka ba nagsawa sa h-halikan natin kanina?"

Nag-init ang aking pisngi nang maalala kung gaano katagal naghiwalay ang mga labi namin kanina. Parang uhaw na uhaw sa isa't isa. Akala ko wala nang bukas.

"Your lips is my drug. I'm always addicted to it."

Suminghap ako at mabilis na isinubo sa kaniya ang hawak kong burger. "Kumain ka na nga lang. Gutom lang 'yan!"

Tumawa siya bago kumagat ng burger. Ang mga mata niya ay nakatutok sa akin habang ngumunguya siya. Pinaandar niya ulit ang sasakyan kaya wala akong nagawa kundi subuan siya habang nagda-drive. Lumiko kami patungo sa parking lot ng isang building. Magtatanong na sana ako nang magsalita siya.

"We're going to pick up the kids. My sister lives here."

"Oh..." Akala ko kung ano na.

He parked the car at sabay kami na lumabas. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob. Ang elevator na nasa parking lot ang naghatid sa amin pataas. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko at talagang walang hiya siya dahil panay ang halik niya sa aking pisngi habang nasa loob kami ng elevator.

Natigil lang siya nang bumukas na ang elevator. Hawak pa rin niya ako palabas hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang pinto. Pinindot niya ang doorbell na nasa gilid. Ilang minuto pa ay unti-unti nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Ma'am Amelia.

"Kuya!"

Halata sa reaksiyon niya na hindi rin niya inaasahang makita ang kaniyang Kuya. Isang malaking ngiti ang kumawala sa labi niya pero unti-unting naglaho ito nang dumapo ang tingin niya sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Amelia, she's with me," may babala sa tono ng boses ni Drawsen.

Ngumuso lang si Amelia bago kami tinalikuran. "Whatever. Get in."

Taming The NannyWhere stories live. Discover now