Chapter 21

442 19 0
                                    

Chapter 21: Mine



Mag-tatatlong linggo na ako sa amin at inaamin ko na na-miss ko kung paano mabuhay sa probinsya. Umaga ng lingo ay nagsimba kami at nagkayayaan na kumain sa labas. Kahit papaano ay marami ang naipon ko sa pagtatrabaho sa mga Mondejar.

Araw ng sabado ng dapit hapon ay napagpasiyahan naming mamasyal sa plaza na malapit sa amin at katabi nito ay ang dalampasigan. Fiesta kasi rito ngayon at mamaya ay may beauty pageant. Kasama ko ang Lola, Lolo at Tito Jem. Wala ang dalawa kong kapatid dahil sumama sa mga barkada nila.

Nakaupo kami sa bakanteng table na ilang metro mula sa dalampasigan. Nagkukwentuhan kami ni Lola habang si Tito Jem naman ay nakikipagbiruan kay Lolo. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang pageant at nandito kami para suportahan ang kandidata ng aming barangay.

"Alam mo, apo, kung hindi ko alam na may napupusuan ka na, irereto sana kita kay Julius. Iyong anak ng kaibigan ko na nanalo sa lotto."

"Anong sabi mo, Ma?" Biglang sumabat si Tito Jem. "Si Taling nay napupusuan na? Sino? Sino 'yan, ha? Uupakan naming dalawa ni Papa!"

Nagkatinginan kami ni Lola at sabay na natawa sa pagiging OA ni Tito. Tumawa si Lolo na nasa gilid at ipinakita pa ang biceps kuno niya. Umiling ako at sumubo na lang ng french fries. Kinulit ulit ako ni Tito tungkol sa lalaking napupusuan ko raw pero tawa lang ang ibinibigay ko sa kaniya.

Natigil ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Dani kaya agad kong sinagot ito. Video call pala ito. Hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng tatlong makukulit na bulilit. Natawa ako dahil sobrang dikit ng mukha nila para magkasya sa camera.

"Hi, Thaly!" sabay na ani nila. "We missed you again!"

"I missed you too!" Nanunudyong tiningnan ko sila. "Kakatawag niyo pa lang sa akin kaninang umaga, ah. Nagpasaway na naman kayo kay Ate Dani niyo, 'no?"

Tawa lang ang isinagot nila sa sinabi ko.

"Ah, nandito pala ang grandparents at Tito ko." Itinapat ko ang camera sa mga kasama ko. "Say hello, babies!"

"Hello po, Lolo Jason, Lola Julie, and Uncle Jem!"

Sa nagdaang araw ay panay ang tawag sa akin ng mga bata gamit ang cellphone ni Dani. Pasikreto nga lang para hindi sila pagalitan ni Ma'am Amelia. Ipinakilala ko na ang mga bata sa pamilya ko at gano'n rin ang sila. Minsan nga ay nag-uusap sila na para bang Lola at Lolo talaga nila ang kausap.

"Kumusta ang Daddy niyo? Ayos lang ba siya?" tanong ko. "Magaling na ba siya?"

Hindi ko pa siya nakakausap o nakikita kahit sa pictures man lang. Miss ko na siya. Sobra. Kulang palagi ang araw ko sa tuwing wala siya.

"He's not at home today so maybe he's working," sagot ni Drawsen. "Can't you call him Thaly? I think he's worried about you too."

"Susubukan ko siyang... kausapin," maliit ang ngiting sagot ko.

Pero ang totoo, natatakot ako na tawagan siya. Baka kasi galit siya sa akin ngayon dahil umalis ako ng walang paalam. Hindi rin siya tumatawag at ayoko namang ako ang unang tumawag sa kaniya. At isa pa, nagu-guilty ako dahil hindi naman mangyayari na ma-aksidente kung hindi dahil sa akin.

"Ano, uhm, kids, natanong ko na 'to no'ng nakaraan pero... tanggap niyo pa rin ba siya bilang Daddy niyo? Nagsinungaling nga siya tungkol sa totoong pagkatao niyo pero totoo naman na mahal niya kayo."

Nagkatinginan ang tatlo at ilang segundong natahimik.

"We're good, Thaly. Dad gave us a full explanation yesterday," ngumuso si Dalvis. "He said that he will find his woman to gave us a complete family."

Taming The NannyWhere stories live. Discover now