Chapter 9: Nanny meet the Mother
Paraiso.
Iyon ang masasabi ko sa lugar kung saan dinala kami ni Sir Drawsen. Hindi ko napaghandaan na may maibabagsak pa pala ang panga ko pagkatapos malaman na sa isang private jet kami sasakay patungo sa isa sa mga isla sa Palawan. At ang nagmamay-ari ng lahat ng iyon ay si Sir Drawsen.
Manghang-mangha rin ang mga bata at napapasayaw pa si Darvius sa loob ng sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay ng Mommy ni Sir. Si Dalvis at Dariux ay natutulog sa gilid ko habang si Sir naman ay nasa harap katabi ang driver. May kausap siya sa phone at paminsan-minsan ay tumitingin siya sa amin sa likuran.
Kinakabahan ako na nae-excite din naman. Nakatingin lang ako sa labas at ini-enjoy ang sarili sa mga naggagandahang beach resort at puno na nadadaanan namin. Gusto ko sa susunod na punta ko rito, kasama ko na ang buong pamilya ko.
Mapayapang dagat at pinong-pino na puting buhangin ang bumungad sa amin nang makarating kami sa private resort nina Sir Drawsen. Ayon na naman ang madramang pagbagsak ng aking panga dahil sa sobrang sobrang pagkamangha sa paligid dahil sa sobrang linis at ganda nito.
Walang tao kundi kami lang. May malaking bakal na gate kung saan kami pumasok sa kanina. Ang mga dahon ng puno ang nagsisilbing panangga laban sa mainit na sinag ng araw. Masarap rin ang simoy ng hangin. Ibang-iba sa siyudad.
"We're here! Wake up! Wake up!"
Napalingon ako kay Darvius na ginigising ang mga kapatid. Napakurap ako. Hindi nga papa gala ang pinunta ko dito. May inaalagaan akong mga bata. Kalaunan ay nagising din naman sila. Lumabas ang tatlo sa sasakyan at inilibot din ang paningin sa paligid. Hindi ko sila napigilan ng tumakbo sila sa dalampasigan kaya napakamot na lang ako sa batok.
Umikot ako at nakita ko si Sir na ibinaba ang mga dala naming gamit mula sa sasakyan. Tinulungan siya ng driver na nagpaalam na pagkatapos. Humakbang ako palapit sa kaniya at nang mapansin ang paglapit ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Tinaasan niya ako ng isang kilay.
Shuta. Pakshet. Ang pogi. Kahit white t-shirt at itim na cargo shorts lang ang suot niya, nagmumukha pa rin siyang model sa paningin ko.
Malapad na ngumiti ako. "Tulungan na kita, Sir."
Kukunin ko na sana ang isang malaking bag nang iniwas niya iyon sa akin. Bag ko iyon e.
"Ako na," aniya sa sabay lingon sa akin. "Take the kids with you inside-"
"Oh! My! Gosh! You're here!"
Isang tili ang nagpatigil sa amin. Sabay na napalingon kami sa babae na tumatakbo palapit sa mga bata. Ang kanilang mga ngiti ay lumapad at sinalubong ang babae.
"Grandma!"
"Oh, God, my babies! I missed you!"
"She's my Mother," imporma sa akin ni Sir sa likod.
Inaya ako ni Sir na lumapit sa kanila at iniwan saglit ang mga gamit namin. May lalaking sumalubong sa amin lalaki na pinakiusapan ni Sir na kunin ang mga dala namin. Ngumiti ang lalaki nang magtama ang mga mata namin kaya ngumiti rin ako pabalik.
Lumakad ulit kami. Nakasunod ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil at nilingon ako. Unti-unting nagsalubong ang kilay niya. Inilahad niya ang kamay sa akin.
"Don't walk behind me. Come here."
Napatitig ako sa kamay niya na nakalahad sa akin. Lumunok ako. Dumagundong na naman ang bagay na iyon sa loob ng aking dibdib. Nang makitang wala akong planong tanggapin iyon ay ipinasok niya na lamang ito sa bulsa ng suot na cargo shorts.
YOU ARE READING
Taming The Nanny
RomanceKahit sobrang hirap na, kakayanin pa rin para sa pamilya. Cathalyn Del Mundo does not have a tendency to give up easy after failing. If it was not for her family, she would've let herself fall in vain. Later on, the father of the triplets she had d...