I looked up in the sky.
The sun shines so bright today. A light yellow sun rays on my face.
Nadatnan ko ang magandang sikat ng araw sa bintana habang naglalakad papuntang library. Naiinitan ang mukha ko kaya gamit ang kanan kong kamay, I used it to cover up my forehead. Why does the sun always look so good. Kahit gaano pa katirik ay gusto ko itong pagmasdan.
Ang taas ng araw. Based on studies the earth is about 93 million miles from the sun. O diba alam ko yan? Hindi ako absent noong tinuro yan! But by just thinking about it, I realized that my dream is much more higher than that. Malayo na pero malayo pa sabi ng ng iba.
"Ano ka ba Liezel? Ginagawa mo diyan? Pumayag ka na kasi!"
Itong si Deru akala lagi madali ang sumali sa Quiz Bee Contest. Ano naman ang sasabihin ko do'n? Magsasayang lang ako ng laway. 'Di ko rin naman alam na ganito pala ang mga contest sa HUMMS. Parang mga contest lang sa Elementary. Pero for sure mas mahihirap ang topic dito. Grade Twelve pa lang ako pero ang taas na ng standards sa school na ito.
Inirapan ko lamang ang kaibigan ko at pumasok para maghanap ng mauupuan dito sa library. Napakamot ako sa ulo. 'Di ko alam gagawin ko. Kanina, tatlong major quizzes ang sinagutan ko. Sunod, isang recitation. Tapos ngayon, pinipilit naman ako ng kaklase ko na sumali doon sa contest kasi malaking dagdag daw iyon sa grades.
At dahil gahaman lagi ako sa grades, nakakadalwang isip. I'm craving for so much Academic Validation. Gusto ko mataas sa lahat. One low score and I'm doomed.
"Sige, kakausapin ko na si Ma'am maya-mayang dismissal. Papalista ako." napipilitan kong sabi.
Makikita mo agad ang ngiting lumitaw kay Deru. Matalino rin naman 'to pero ayaw sumali kaya ako itong pinipilit.
Malapit na matapos ang lunch namin. As I look on my watch, it's already 12:10. Sa pagchichikahan namin, I lost track in time. Napagalitan pa nga kami ng librarian kasi ang ingay namin. 11:20 to 12:20 lang kasi lunch namin. Kaya kailangan ko na rin pumasok sa room namin.
"Una na ako. Ikaw ba? Dito ka muna sa library?" tanong ko kay Deru habang ito ay may sinusulat sa notebook niya. Mahaba ito. Essay yata ito.
Bumaling ito saakin at sumenyas ng kamay na simbolo ng pagalis. "Sige, shoo. Napuyat ako sa research kagabi. Hindi ko alam na may assignment pala dito." sabi niya hahang tinuturo ang librong katabi nito.
Natawa lamang ako ng palihim at patuloy na tinahak ang pinto palabas. By just looking at the stairs, napapagod na ako. Paano ba naman kasi. Sa ground floor located ang SHS library tapos ang room ko ay 4th floor. Ang tataas pa naman ng steps ng hagdan. Sino ba may gawa nito? It's a torture for us students. Mahal mahal ng tuition tapos ganito. No choice.
Habang naglalakad, I saw some college students. Nakapang-nursing ito na damit. Ang gaganda ng puyod. Ang linis. Tagong-tago ang mga baby hair. Ganito ba talaga ka strict ang hair rules pag nursing? Ang puti ng uniform. Mukha talaga silang cotton buds.
Hinihingal ako pag dating ko sa room namin. Wala pang teacher. Magulo pa ang room pagpasok ko. Ang mga lalaki ay siyang nakatambay pa kalapit ang aircon kaya amoy sa classroom ang mga nakakasulasok na pabango ng mga lalaki. Ang mga babae naman ay kanya-kanyang lagay ng palamuti sa mukha. Mababango naman sa parteng iyon. Amoy ang mga mamahaling Victoria Secret na cologne.
Umupo na ako sa aking upuan sa bandang dulo. Yes, I really want this kind of position while on classes. Gusto ko sa likod. I don't know why. Matangad naman ako kaya okay lang. 5'6 is my height actually. Since wala pa rin naman ang prof ko, binuksan ko ang aking phone at nag scroll sa FB.
Dumaan sa newsfeed ko ang isang FB Page ng isang school tungkol sa Quiz Bee Contest. Marami rin pala ang school na gumagawa nito. At tiyak na kung sino ang manalo ay siyang ilalaban sa ibang school. Nag-scroll ulit ako. Biglang lumabas ang memories ko sa FB.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
