Chapter 14

2.1K 47 16
                                        

The smell of coffee makes me feel relax. Its aroma is the one giving me a peaceful feeling for awhile.

"One hot black coffee for you, Sir. This iced coffee with caramel drizzle is for you, Ma'am. Enjoy po!" sabi ng isang binatang barista.

Sa dinami daming kapehan dito sa siyudad, sa Starbucks kami napadpad ni Ceasar. Ayos lang naman saakin lalo na at maganda ang ambiance dito kaso nga lang, hindi ko maitatanggi na may kamahalan ang mga inumin dito.

Hanggang ngayon, kumakapit ka pa rin ako sa aking allowance na one hundred fifty kada araw. Sabi kasi ni mommy na kailangan ko raw matuto kung paano gamitin ang pera.

Siya lang ang bumubuhay saamin. Siya lang ang nagtratrabaho, nagbabayad ng kuryente, nagpapasuweldo sa katulong, at marami pa. Kaya kahit mataas ang sweldo niya bilang abogado sa ngayon, kakapusin at kakapusin pa rin kung magpapabaya.

Ceasar offered to pay. Kaso hindi ko ito hinayaan. Kahit gusto niya na i-libre ako, hindi ako pumayag. Limitado rin ang pera niya. Alam ko kasi magisa rin ang ama niya na bumubuhay sa kanila. Hindi ko alam kung natutulungan pa siya ni tita Bianca lalo na at magkalayo na silang dalwa ng bubong na tinitirahan.

Oo manliligaw ko si Ceasar. He should be responsible for things like that. A man is expected to pay for a lady. Ganoon pa man ang kasabihan ng iba, iba pa rin ang aking paniniwala. It's better that you should understand one's side before you set your demands and standards. Not everyone are like the rich man we read in books.

Wait for the time for them to make it up to you someday. Don't be blinded by a man who just gave you gold. Look for someone who digs gold and then give it to you.

"Acads?" he asked.

Matagal na kaming tahimik bago pa man dumating ang aming inumin. Napansin siguro nito na basta ako nakatulala sa kaniya at malalim ang iniisip base sa itsura ko. Agad akong nagpalit anyo at parang natauhan.

"Okay na ako sa school ko. Nakakahabol na ako." I said after I sipped a little from my drink. Tumango naman ito.

"Nga pala, yung kay Theo-"

"Don't even start. I don't want to talk about it." he looked away with dismay.

"Pero-"

"Ginawa ko 'yon para sa'yo. Put a period on that one." he said like his ending the conversation immediately.

Wala naman akong magawa kundi ang manahimik. Pag kasi nagagalit itong si Ceasar parang may yabag. Parang may awtoridad ang boses nito. Ganito ba talaga ang mga pala-away o badboys?

"I'm living in my old house again." he said after a moment of silence.

Napatigil tuloy ako sa pagsipsip ay naglipat ng mata sa kaniya. Nakatingin pa rin ito aa bintana na katabi namin. Nasa second floor kami katabi ang glass walls kaya tanaw namin ang mga sasakyang nadaan sa kalsada. Doon nakatingin si Ceasar.

This is about his mom! Bakit ba ngayon na lang ulit sumagi sa isip ko ang tungkol sa mga magulang namin? Isa 'to sa rason bakit gusto ko siyang makausap. Dapat sinasabi ko sa kaniya ang mga nalalaman ko.

"The pictures were photoshopped."

What...

Hanggang ngayon ay nakasipsip pa rin ako sa straw. Hindi ko ito masipsip pataas o kaya maibaba dahil sa salitang binibitawan ni Ceasar. This is about our parents. I can't help but give all of my attention to every word Ceasar saying.

Reach The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon