"Bakit ka nakatunganga diyan? 'Yong fries oh. Lumalamig na." usisa ni Deru nang makita niya akong nakatingin sa himpapawid.
Hawak ko ang isang strand ng fries na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiisubo. Barbeque pa naman ang flavor nito. Parehas naming paborito si Deru. Ngunit hindi ko alam bakit wala ako sa sariling kainin ito kahit ito naman ang hinahanap ng dila ko kanina pa.
Pagkatapos namin mag-usap ni Pharoah ay umalis na ito. Dumating kasi ang girlfriend nito at sinabing may iba pa raw silang pupuntahan. Pumayag naman ako agad ng walang pakundanagan lalo na at mabait saakin iyong babae.
The girl is wearing a pastel yellow backless maxi dress. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na may kaunting kalutkot sa dulo. Marami itong suot na jewelry at naka mataas na takong.
Looking at her earlier makes me feel ashamed. Ang ganda tignan ng ibang babae. Mabango at malinis unang tingin pa lang. Ngunit ako, hindi man lang makapaglagay ng kaunting palamuti sa mukha.
Hindi ko man lang masuot ang mga ganoong damit lalo na at conservative ako. Tanging simpleng fitted shirts, fitted na pantalon, at sapatos ang lagi kong naisusuot. Binibili naman ako ni mommy ng mga sari-saring damit ngunit 'di ko kaya iharap 'yon sa maraming tao. Pakiramdam ko ay huhusgahan lamang nila ako.
Wala na rin akong oras para gumala at mamili ng makeup katulad nung babaeng nagngangalang, Julie. Pinakilala saakin ito ni Pharoah. Ginugugol ko kasi lagi ang oras ko para mag-aral at gumawa ng kahit anong may koneksyon sa pag-aaral.
Ngayon ko lamang napagtanto na ganitong babae ang nadatnan ko saaking sarili mula bata hanggang sa tumanda. Kahit naman tutok ako sa pag-aaral, gusto ko pa rin maranasan ang nararanasan ng iba.
"Ano nga pala ang sinabi sa'yo ni Pharoah? Tropa 'yon nina Laide. Close pala kayo non." tanong ni Deru habang ngumunguya pa ng fries sa bibig.
Okay back to the original topic. Ceasar. Ceasar. Ceasar. Isa siya sa dahil bakit wala rin ako sa sarili ngayon. Talagang sinisikmura ko pa hanggang paa ang nga salitang kasasabi lang ni Pharoah kanina.
Natatandaan ko ang pag-uusap namin sa kotse. Tinanong nito ang pangalan ni Theo ngunit noong tanungin ko naman kung ano ang gagawin niya ay sinabi niyang wala. Kaya napanatag ako na wala siyang gagawin na masama.
Base kasi sa mga kuwento ni Deru, mahilig ito makipag-away. Makipagsuntukan kung kani-kanino lalo na at laki sa tambay itong si Ceasar.
Teka. Ba't parang may mali?
So ine-expect ko na ipagtatanggol ako ni Ceasar?
Hindi naman sa ganoon. Oo alam kong may ugali siya pero para makipagaway para saakin? Parang hindi 'ata para gawin 'yon ni Ceasar. Kung may gusto man siya saakin, nakipagsuntukan na 'yon. Katulad ng mga nababasa ko sa libro. Mala light and shining armor ang galawan.
Binato ako ni Deru ng fries. "Boang ka ba? Sumagot ka."
Ang alam kasi ni Deru ay ako ang nagreport. Kung sasabihin ko na ibang tao iyon at si Ceasar pa, baka akalain nito winawalang pake ko ang issue. Gusto ko naman talaga i-report na. Hindi lang ako makahanap ng tamang timing para dito. Nagtatalo ang pressure at kaba saakin.
"Hindi ako ang nagreport kay Theo....." umamin ako gamit ang mahina kong boses.
Pansin kong nag-iba ang mukha nito. Parang hindi niya tuluyang manguya ang fries na nasa loob ng kaniyang bibig. Ibinaba nito ang lalagyan ng fries at uminom ng ilang lagok ng ice tea bago sumagot saakin.
"Huh? Ay sino? Ka-grupo mo? Tinatakot din 'ata sila nung Theo na 'yon kaya hindi na nakapagpigil." nanlaki ang mata niya saakin.
"Hindi... Sigurado akong hindi sila. Lahat sila ay kampi kay Theo eh. No. Erase that. Halos lahat naman yata ng tao sa school natin ay takot kay Theo." I looked down.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
