Chapter 5

2K 38 6
                                        

Dumighal ako ng hindi kalakasan dahil sa dami ng kinain ko.

Habang si Ceasar naman ay iniinom ang aking coke. Hindi na siya nagpabili ng panibago. Magpalit na lang daw kami. Naubos ko ang aking pagkain at ang kaniyang Bingsu? Tila walang laman ang lalagyan.

"So it's a deal then?" nakapatong na ang kanyang dalwang siko sa lamesa't nakatiklop.

"What makes it different if I study with you? Matalino ka. Matalino ako. We can work idependently, Ceasar." I look at him sincerely.

Tumawa ito. "Damn, girl. Halos lahat yata ng babae sa school ko ay gusto akong samahan mag- aral tapos ikaw ganiyan?" ang hangin ha.

"Ano ang balak mo iparating? Na gusto mong mabaliw ako sayo? Hindi ako tulad ng ibang babae na kilala mo noh!" pagdidiin ko sa kaniya.

"Tama. Iba ka. Bukod tangi ka sa mata ko."

Nabalot ng katahimikan kaming dalawa. The only thing that is speaking is our eyes. I never heard silence quite this loud.

"Tara na. Hahapunin ka. Baka hindi ka na naman makapagaral." sinakbit niya ang bag niya.

Ganoon din ag ginawa ko. Sinuklay ko ng daliri ang aking buhok upang maayos naman ang patas nito. Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Agad namang nilinisan ng isang waiter ang aming kinainan para sa susunod na kakain.

Si Ceasar ang nasa unahan at ako naman ang nasa likod. Patuloy kaming naglalakad patungo sa labasan ng mall sa may bantayan ng jeep.

I wonder if he'll join me again this time. Nagiging Dora the Explorer na siya. Bakit ba lagi itong nakabuntot saakin? Nang dahil dito, nagiging close na kami. From being strangers to three percentage of friendship.

Ano kaya ang pakiramdam na maging kaibigan siya? I mean, matalino siya. Hindi ko alam kung paano niya minamanage ang oras niya. Pagkakatapos ng klase niya ay gumagala siya kung saan saan. Sa gabi naman ay tambay ito sa labas kasama ang mga kaibigan niya.

Stock knowledge ganoon ba? Hindi biro ang strand na HUMMS. Kahit matalino ako, kinakailangan parin mag banat ng buto upang tumaas ang grades.

Dumating na ang jeep sa hindi inaasahang lugar. Agad itong tumigil sa kung saan maraming tao. Dahil doon, kinakailangan ko pang maglakad ng kaunti.

Agad na napuno ang jeep. Hindi ko alam kung kasya pa ba sa loob. Nagkita ako ng isang space sa loob. Puwede na saakin yon. Kaso saan uupo si Ceasar?

"Sumakay ka na sa loob. Sa harap na ako." sabay alis niya sa tabi ko at tinungo ang harap ng jeep umupo kung saan katabi ang driver.

Malamig na simoy agad ang humampas sa mukha ko. Mabilis magpatakbo ang driver na ito. Daig pa ang kabayong nangangarera. Ito ang masarap na sakyan kapag late ka na.

Iniba ko ang tingin ko at nag dalawang tingin sa side mirror ng jeep sa harap.

lt's Ceasar eyes looking at me. Our eyes met. Kahit na nakatingin ako ay hindi niya inaalis ang tingin saakin.

Winalang bahala ko lang ito at muling tinignan ang daan. Kaso habang tumatagal, ang nangangarerang jeep ay unti-unting bumabagal ang takbo.

Nasinghot agad ng dalawang butas ng ilong ko ang masamang amoy ng usok. Amoy gasolina at amoy makina.

At huminto na nga ang jeep.

Nandidito kami sa kalsadang wala masyadong kabahayan. Pinaliligiran ng matatas na puno dahilan kung bakit silong ang araw dito.

"Unsa ang nahitabo, tawo?" sabi ng isang babaeng naka bistidang asul.

"Kini baho. Baho aso!" nagsalita naman ang batang naka uniform.

Reach The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon