Content Warning
This Chapter contains material that may be harmful or traumatizing to some readers such as acts of sexual harassment, sexual assault, and violence. It can trigger someone's mind so please, read at your own risk.
______________________
Volcanoes are not the only one that explodes.
Minsan, utak mo rin. Lalong lalo na kung hindi mo na alam kung ano ang gagawin. Para bang may glue sa kinatatayuan mo. Hindi ka makagalaw. Hindi makaibo.
"Oo, umalis ako!" my mommy shouted in the middle of our conversation.
Namumutawi sa mga mata nito ang kaunting pagpatak ng mga luha. Naaapektuhan nito ang kaniyang pagsasalita at unti-unting nababasag ang mga linyang binibitawan niya.
"Pero....hindi iyan ang pinunta ko. Pumunta ako doon para dalawin ang kaibigan kong nandoon na nasa hospital...." mahinahon niyang sabi kasabay ang kaniyang nangungusap na mata.
Hindi ko alam kung paano ako sasanib sa usapang ito. Rai is accusing my innocent mom. Ayaw kong makitang nasasaktan ng ganito ang ina ko.
Pero ayaw ko rin namang magkagulo si Rai at Ceasar. Kung sasabihin ko kay Rai lahat ng nalalaman ko, si Ceasar naman ang paniguradong susugurin nito.
As much as I want to breakthrough, I just can't. My conversation with Ceasar while we were on the in the shade was pure. Meaning, he said it to me with deep feelings. He opened to me heartly. Nakita ko 'yon sa mga mata niya. Isang malaking kabastusan kung ilalabas ko lahat ng sinabi niya saakin. He trusted his words to me.
"Kung ganoon, bakit hindi ka man lang nagpaalam sa anak mo? Simpleng rason lang naman pala eh. I'm sure Zel would not be against that." Pamimilit ni Rai.
"Biglaan. Biglaan. Kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya..." agad na tugon ni mommy.
Like always. Hindi na ako naninibago. Trabaho man o hindi, hindi niya na ako inaalala. Mommy thought that I will always be okay. Nasanay na siyang independent akong tao. Kaya kahit anong gawin niya, automatic na sa isip niyang maiintindihan ko siya.
"Hindi 'yan ang ina ko, Rai. Halughugin mo pa ang closet ng ina ko. Wala kang makikitang ganiyang sweater at scarf." iyon lamang ang nasabi ko. Nasa mababa pa iyong tono pero sigurado akong punong puno iyon ng senseridad.
"Palalampasin ko 'to. Pasalamat ka nakatalikod ang mga tao sa litrato. Pag nalaman ko na nakipagkita ka uli sa tito ko, ako mismo ang kakalaban sa'yo." nakakatakot na tingin ang iginawad nito kay mommy.
"Huwag ang tita ko. Nasasaktan siya ngayon sa mga nangyayari. Buong akala niya ay wala na kayo. Huwag mong sirain ang akalang iyon."
Pagkatapos noon ay lumabas siya ng office kung nasaan kami at rinig ko ang malalakas na yabag hanggang sa unang palapag.
Hindi maipagtataka kung bakit ganoon na lamang ang nagiging reaksyon nitong si Rai. Natatandaan ko noong papunta kami ng simbahan, sinabi ni daddy saakin na pinsan ito ni Rio sa mother's side. Iyon siguro ang tita niya. Ang ina ni Rio.
Malapit ito sa pamilyang ito kaya naman mahalaga para sa kaniya ang lahat ng ito. Alam ko kung saan nanggagaling ang lahat ng galit niya. All he wanted was a proper family for Rio. He cares for Rio that much. Samantalang ako, kaniyang kapatid, hindi man lang siya maalagaan dahil sa distansyang mayroon kami.
I'm sorry, Rio. Sorry for making this mess. Ate, loves you. How I wish that we are on the same roof. Gustuhin ko man ang kompletong pamilya pero ayos lang. Diyan na si daddy. Hindi namin siya aagawin sa'yo. Hindi na bale kung si Ate ang may hindi kumpletong pamilya, basta huwag ikaw.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
