He is wearing his usual uniform. White polo with blue and yellow madras pattern as necktie. Katuwang ng uniform nito ang black na trousers. He's also wearing a black belt.
His hands are on his pockets. Staring at Laide. Kanina pa magkaharap ang dalawa at naguusap. We are now here in the Cafe kung saan ko naiwan ang phone. Nasa labas kami. Deru insisted here at huwag sa loob na maraming tao.
Nag u-turn si Laide kanina. Bumalik dito sa cafe para sa kunin ang phone ko na ayaw ibigay ni Ceasar na ngayon ay pinapakiusapan pa ni Laide.
"Deru, sabi ko saatin lang diba? Alam ko namang kaibigan mo itong si Zel, pero hindi mo dapat sinabi yon...." Laide faced Deru with irritated look. Nakahawak pa ito sa batok.
"I trusted you, Laide." si Ceasar.
"Ang laswa kasi tignan, Ceasar! Naiirita ako. Maayos kang lalaki, tapos ginagawa mong pampalipas oras ang babae-" hindi natapos ni Laide ang sasabihin niya.
"So telling your cousin will help you release that irritation of yours?" he folded his arms.
"Huwag ka ng gumaya saamin, tol. Langit ang abot mo. Lupa lang kami."
Laide can't help but looked down. Looking at them, it's true. Pharoah and Laide is not like Ceasar. Mahirap lang sina Laide. Sa pagkakaaalam ko, nakitira lang ito sa kapatid ng ina niya. Sa subdivision namin kung saan din nakatira si Ceasar.
Nakikitira ito dahil may job offering dito sa Cebu. Sa Bacolod na kung saan nakatira ang pamilya niya ay wala. He's a working student. Gusto niyang tumigil na sa pagaaral at mag trabaho na lang pero hindi pumayag si Deru na gawin iyon ng pinsan niya. Kaya siguro napilitan ito magaral dito.
Pharoah on the other side, is on an average level. May natitirhan, nakakainan, at nabibili ang pangagailangan pero hanggang doon lang. Hindi siya ganoon katalinuhan, hindi rin naman katangahan. Still, they are not in Ceasar's level.
Lahat ng ito ay nalaman kong lahat kay Deru. Kinukwento niya lahat saakin ng nalalaman niya. She is full of chika. That one person who get's the latest tea. Kaya minsan ang mga hindi dapat sabihin ay nasasabi niya. Bubusalan ko bibig nito.
"Ah, Ceasar, pasensya na. Pasensya na talaga. Ako ang may kasalanan dito. I know na you care about Liza and all pero-"
"This is not all about Liza anymore. It's about having a friend na akala ko'y mapagkakatiwalaan ko." hindi nito tinatanggal ang tingin kay Laide. Hindi niya ako tinitignan mag mula pa noong dumating kami rito. All he cares about is his friend.
"Hindi ko kanino man ipagsasabi, Ceasar. Makakaasa ka saakin." hinawakan ko ang balikat niya. My hands felt his good broad arms.
Nawala ang tingin nito kay Laide at nagtungo sa kamay ko. Parang nabiyak ang puso ko ng galawin niya ang balikat niya at iginiya pataas para maalis ang kamay ko.
"Here's your phone. Keep your mouth shut and you Laide? Huwag ka ng maglalalapit dito kay Zel." sabi niya habang sinasakbit ng maayos ang itim niyang backpack.
"And why?" Laide asked. His english speaking doesn't seem so good to hear. Mukhang hindi ito sanay.
"Ayaw mo akong lumalapit sa babae, puwes ganoon rin ang gawin mo." pagmamataray niya.
"Ano ka ba, Ceasar? Pinsan ko naman itong kaibigan mo. Nakisakay lang kami. Hindi naman kami inaakit nito tulad ng ginagawa niya sa iba. Kadiri. Naisip mo talaga yan? Naghanap lang kami ng puwedeng masakyan." pabirong boses nitong babaeng nasa likod ko.
"Ako ang tawagan mo kung ganoon, lalo na kung kasama mo si Liezel."
"Aba, aba. Teka, tol. Parang may iba na 'ata yan. Ito naman. Akala ko nagbibiro lang si Pharoah sa sinabi niyang gusto raw mo si Zel maging-" sabay hampas ni Ceasar ng bag sa ulo ni Laide para pigilan ang iba pang sasabihin nito.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
