Author's Note:
Some of you may ask why I stopped writing for a while. A lot of things happened. If I would be honest, I almost lost my passion for writing. Academic pressure is attacking me right now that's why I can't help focusing on my studies. I was nearly deciding not to continue the story anymore. But seeing people still adding this story to their library, asking me for updates non-stop, continuing to read even if I'm not active, and there's even who sent me a personal message, became my inspiration to move forward. Before I give up, I should think about why I started in the first place and that is to inspire people through my words. Now that I'm back, I will try to be better. Again, I'm sorry.
I also deleted a scene in Chapter 16. To be specific, the last part. I find it cringy and not a good part to bridge the story. The story is ongoing. I'm sorry for the sudden changes. Anyways, enjoy reading!
"Kamusta ang mga pinapagawa ko sainyo? Okay na ba?" here goes Jerome once again.
"Oo, pre. Tapos na. Napagod ako doon. Kaya i-libre mo ako." biglang irap ni Justine.
Jerome just gave him the middle finger.
I'm stuck in a meeting here once again. Dapat nag-aaral ako but here I'am taking minutes of our meeting. Lahat ng members ay nandidito. Kailangan kasi maayos na 'to at malaman kung ilang estudyante ba ang sasali upang mapag-usapan na rin kung ilang bus ang kukuhanin.
Kasama si Deru at sinabi nitong ako ang gusto niyang katabi. I already made reservations for that. Lahat ng student council members ay kasali. Sa aming section, tatlo ang umayaw at lahat ay kasali rin. Sa ibang sections at ibang strands, marami rin ang sumali. Bilang lang ang hindi. Mukhang maraming bus ang kailangan namin.
"CDIU, USJR, SVU,CEBU-TECH and UCLM. Limang schools tayong naka-schedule sa April 19. Okay na kaya 'yon?" tanong muli ni Jerome.
"Magpapalit kaya tayo ng schedule. Limang schools? Ang dami na non. Para saan pa yung binayad natin? Magbabayad tayo sa sobrang hahabang pila sa mga rides at sa mga siksikan na museum?" pagrereklamo ni North na ngayon ay kumakain ng ensaymada habang nagsasalita.
"Tama. Pero hindi madali magpapalit ng schedule. Pagalitan pa tayo ng principal natin." sali naman sa usapan ni Mikay.
"Hindi tayo mapapagalitan. Katatapos lang natin maipamigay ang mga permit. Hindi pa lahat bayad at wala pang nabibiling kahit anong ticket at entrance fee." Justine said.
Sunod-sunod ang nagiging usapan nila. Pinag-iisipan talaga nila ng maayos ang paparating na field trip. Lubos din akong nag-iisip kung ano ang maaaring solusyon para maiwasan ang mga bagay na magpapasama ng nasabing field trip. Minsan na lang kasi kami maka-gala.
Sunod sunod ang research defense, exams, at work immersion pa. Kaya kailangan sulit ang oras na ilalaan namin dito. When you're an overachiever student, time is surely gold.
Pumasok ang aming principal sa loob ng room. Ang kumakain na si North ay mabilisang nilunok ang kanyang ensaymada at ang lahat ng tao sa loob ay nagsi-ayos ng upo. Nagpakitang tao ang lahat na kunwari ay may ginagawa. I can't help but laugh a bit.
"Good morning, everyone. So ano? Kamusta kayo, ha? Kamusta ang papalapit na field trip natin? Balita ko, marami pa rin ang sumasali kahit busy sa schoolworks." bati saamin ng principal na may kasamang dalawang teachers.
"Iyon nga po ang problema namin eh. Sa sobrang dami po ay mukhang magiging crowded sa mga lugar na pupuntahan. Ang ending, baka hindi po kami makapag-enjoy ng maayos." biglang bait ni Justine. Kita ko ang mukha ni Jerome na nasusura.
"Ganoon ba? Sayang. Hindi na kasi puwede magpapalit ng schedule eh. Naka-oo na ako sa mga travel agencies." sagot ng aming principal.
Nagtinginan ang lahat sa isa't isa. Napagtantong palpak ang aming magiging plano. We can't reschedule the said date. Bakit naman kasi agad na pumayag itong si Ms. Lauron? Dapat nakipagcoordinate muna siya saamin bago siya gumalaw ng kanya.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
