Who would have known that a person who drinks, smoke, vape, and many more ridiculous act can care for someone?
Marami na akong naririnig na pala-away ang lalaking ito. Kung saan saang bar tumatambay. Kasabay pa nito ang bisyo niyang hindi nawawala.
Hindi ko akalain na magagawa niyang lumuhod sa harap ng isang luhaang babae. Mukhang kawawa at mukhang nalugi sa buhay.
Tumatak kasi sa isip ko na ang mga ganitong tao ay walang pakialam sa kaniyang kapwa. I mean, all they care about is themselves. Nothing else. Ang mga ganitong lalaki ay hindi dapat nagsasayang ng oras sa mga babaeng katulad ko.
"Sagutin mo ako."
May pagbabanta sa boses nito. Nakakatakot ang kaniyang mata. 'Yon ang dahilan bakit hindi ko maibuka ang bibig ko. Parang bang binabantayan nito ang bawat salitang bibitawan ko.
I try standing up. He manage to hold my elbow both sides to assist me. Tinanggal niya ang bag na nasa likod ko at siya ang humawak nito. Inayos niya ang nagulong leather jacket sa likod ko.
"Uuwi na ako...."
Hagya ko na masabi. May tubig pang dumadaloy sa labi ko dahil sa munting patak ng ulan. My voice became hoarse. 'Di ko alam kung dahil ba sa pagiyak o baka dahil may sipon na talaga ako.
I was about to leave when I felt a manly hand gripping my left wrist.
"Ceasar ano ba..."
"Sabihin mo muna saakin ang nangyari, Zel."
"Magpapahinga na muna ako." mahinang sambit ko.
I thought that was enough for him to let me go but that only tighten his hand more. Hinila niya ako papalapit sa kaniya.
Sa bigat ng kamay niya ay sapat na ito para hilahin ang buo kong katawan. Since my body is weak, my body suddenly bumped into his. My right hand accidentally touched his chest.
Kahit isang kamay ko pa lang ang nakahawak, ramdam ko agad kung gaano ito katigas. Hindi ko alam kung anong wisyo ang pumasok sa isipan ko pero ibinaba ko ang kamay ko ng dahan dahan hanggang maabot ang kaniyang tiyan.
While doing that, I was mesmarized on how amazing his body is. Ganito lang ako nakaranas na mahawakan ang ganitong parte ng lalaki. Muscles in right places. Ganito pala ang nagiging resulta ng pagpunta nila sa gym.
"Sumama ka saakin." he whispered.
With a snap of a finger, he pulled me aggressively until we reached the near parking. Ipinasok niya agad sa kaniyang sasakyan ng walang pasabi.
"Ano dadalhin mo na naman ako sa kung saan?! Ano na naman pakulo mo ha?! Trip mo talagang ipasok ako dito sa kotse mo? Taxi driver ka ba? Tigilan mo 'ko utang na loob!"
Sa lakas ng sigaw ko ay napatigil si Ceasar sa pagpapasok ng susi sa kaniyang sasakyan. Ang basa kong katawan at buhok ay nagtalsikan kung saan-saang parte ng sasakyan dahil sa matindi kong pagkasiphayo.
Halata sa mga mata nito ang lubos na gitla sa ginawa ko. Oo aaminin ko. Mukha akong five years old dito na nag mamartir. What can I do? Imagine having this kind of day like mine.
Hindi ito nagbitaw ng salita at nanatiling nakatingin saakin. Sa inis na mayroon ako, hindi ko maiwasang talikuran siya at subukang buksan ang pinto. Ngunit mabilis ang kamay niya kaya nakarinig ako ng isang click at nalock niya agad ito.
"Hindi ka makakawala saakin hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa niyan sa'yo."
Balak ko pa sanang magwala sa harap niya para ipakita ang galit ko pero unti unti ng umandar ang sasakyan. The wipers suddenly move to have a clear view of the road despite the heavy rain.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Roman pour AdolescentsLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
