Sumasakit ang ulo ko habang gumagawa ng research namin. Walang tigil ang tunog ng phone ko kaya hindi ko mapigilang i-silent ito. Nasa library kasi ako at hindi puwede ang maingay dito.
"Zel, okay na ba itong gawa ko?" Larry asked while facing his laptop to me.
Unang sipat ko pa lamang ay nagkita na agad ako ng mga bagay na nakasakit sa aking mga mata. Underlined words, blue text, words with exponents, italic phrases,
I can't continue anymore. It gives me headache.
"Ulitin mo." walang buhay kong sabi at nagpatuloy sa ginagawa namin.
Sunod naman na nagpakita ay si Cathy. Hinarap niya rin ang laptop niya saakin para ipakita ang gawa niya. Binasa ko ito at masasabi kong kahit papaano ay iba ito sa gawa ni Larry.
It's kinda plain and boring to read or what I say, not that good. Our topic are missing out. She put a lot of sentences that has no connections or relevance to the topic. That's the one important thing that you should be aware of when your making a research paper.
"Edit for focus and concision. Making the paragraph short but meaningful is better than a long paragraph that has no relation."
Dahan dahan namang tumango si Cathy. Nakakapanibago at gumagawa na ngayon ang mga ito? Si Theo? Na-suspend na siya at hindi ko alam kung paanong paraan niya gagawin ang research nila. Kung ano man 'yon, hindi na para isipin ko. I had enough of him.
Nagtagal kami sa library ng humigit kumulang apat na oras. Alas syete pa kasi kami ng umaga nandidito. Pagtingin ko ngayon ay eleven thirty na. Halos wala kaming teacher kasi tapos na naman kami sa ibang subjects. Binigay na ng ibang guro ang oras nila para ipagpatuloy namin ang kung ano mang kailangan gawin.
"Ay wow. Si Cathy? Gumagawa? Pambihira." Deru said in amusement. Clapping her hands while glancing on the open peek of the door.
Kalalabas ko lang ng library. Nauna na ako dahil tapos na naman ako sa parte ko. Sila, doon raw muna sa loob para gumawa at maya na lang kakain ng tanghalian. Agad naman akong sinalubong ni Deru sa labas nang malaman niya na tapos na ako.
"After natin kumain, punta tayo sa grocery store ha." pambungad niyang sabi habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Bakit?"
"Malamang para mamili." sabay hampas niya sa balikat ko.
"May field trip 'di ba? Mamimili tayo ng baon. Mga snacks o kaya ay inumin...." umakto itong nag-iisip.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Next friday pa 'yon. Napaka-excited mo talaga." tugon ko sa kanya.
"Ito na lang ang free day ko. Sa mga susunod na araw, busy na ako. Kailangan ko na mag training para matuto ng iba pang techniques sa drawing. Kaya samahan mo na ako. Mamili ka na rin kung gusto mo." walang preno niyang sabi.
As if I can say no this person. Kaya naman pagkatapos bumili ng buy one take one na burger sa canteen, dumaretso agad kami sa gate upang mag bantay ng jeep.
Walang traffic kaya naging madali ang biyahe. Kabababa lang namin at hinatak na agad ni Deru ang braso ko. Kahit ang guard na nagchecheck ng bag ko ay nabigla sa kanyang kilos.
Sinabi ko kay Deru na mamili na siya at pipila na ako. Mahaba kasi ang pila kada counter kaya mabisang paraan iyon para pagkatapos niya, hindi na kami ganoon na magtatagal. Ngunit hindi ito pumayag dahil gusto niya raw ng kasama sa loob.
"Piatos, V-cut, Pringles.... ano pa? Magdagdag pa tayo. Kulang pa 'to!" sabi ni Deru habang naghahanap ng iba pang puwede makuha.
Naglagay ako ng mga sitsiryang gusto ko. Si Deru ay hindi pa kuntento sa laman ng cart. Ano bang klaseng tiyan mayroon 'to? Kaya niya ba ubusin lahat ng 'to? May pito o walo na itong nasa cart.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Novela JuvenilLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
