Chapter 2

2.2K 41 1
                                        

"May gusto ka bang kainin? Magsabi ka lang." said the girl who congratulate me earlier. Umiling na lamang ako. Nahihiya ako magpalibre lalo na at mga hindi ko naman ganoon kakilala ang mga ito.

Hindi ko alam kung bakit pero titig na titig saakin si Laide. Unti-unti rin itong nalapit hangga't sa naging isang dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't isa. Nai-intimidate na ako kaya ako na ang bumasag ng katahimikan saaming dalawa.

"Hi. May problema ba?" sa halip na sagutin niya ay tumawa lamang ito. What the heck? Pinagtri-tripan lang ba ako ng mga ito? It feels so uncomfy here. Bakit nga ba ako nandidito? Just to get closer with Ceasar?

Napatingin ako sa taong nasa kaliwa ko. There he goes. Still using his phone. Hindi nga yata alam nito na nandidito ako. I was curious kung anong ginagawa niya sa phone niya. Alam kong mali and I should give him privacy pero tinignan ko ang screen niya.


To Liza

Usap tayo.

Now.

Wala na akong klase. Kausapin mo ako.


Who's Liza? Kaibigan niya ba ito? Marami akong kakilalang Liza ang pangalan pero hindi ko naman alam kung sinong Liza ang kausap nito. Ngayon pa talaga siya makikipagkita ay kasama niya mga kaibigan niya. I really want to see more not until he switch app on his phone. Kanina nasa messenger ito pero ngayon lumipat ito sa notes. He is currently typing and I'm watching.

Stop looking. I can see you.

Napaigtad ako sa nabasa ko at bigla akong nagiwas ng tingin. Shit. I'm screwed. Paano niya nalaman? Unti-unti ko siyang tinignan at laking gulat ko na lamang ng nakita ko ang kanyang dalawang matang nakatitig saakin. Sumisingkit ang mata nito na parang sinusuri ang pagkatao ko.

Pinatay nito ang kaniyang Android phone habang nakatingin parin saakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Panay ang titig niya saakin. Jusko. Ano ba itong pinasok ko?

"Hindi ko naman tinitignan ang phone mo. Nakatingin ako doon sa pagkain." biglaan kong sabi sabay duro ko doon sa tirang waffle na nasa lamesa.

"Sino bang may sabi sayo na tumitingin ka sa phone ko?" Ceasar spoke.

What? Yun yung nakalagay sa notes niya ah. Linagay niya yon para magparinig saakin.

"Ha? Nagkakamali ka." tugon ko sa kaniya.

"Saan ako nagkamali?" Ceasar said while still looking at me endlessly.

"Diba sabi mo sa notes mo, Stop looking. I can see you. Kaya mali ka. Kase hindi naman ako tumitingin noh." pabiro kong sabi habang hindi natingin sa kanyang mata dahil sa kahihiyan.

"Kung hindi ka natingin, paano mo nabasa yung nasa notes?" sabi niya habang nakapinta sa mukha niya ang nakakapang asar na ngiti.

Shit! Hindi ko naisip yon.

"Matalino ka ba talaga?" wika niya habang mas lalong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napapahiya na ako dito. Hindi ko agad naisip yon. Naunahan ako ng kahihiyan ko kaya hindi agad ako nakaisip ng magandang dahilan. Hindi yung dahilan na ganito. Na bisto tuloy ako.

I can't tolerate it anymore. Hindi pa ako nagtatagal pero gusto ko na umalis dito. Hindi ko kapa ang mga ugali ng mga ito.

Bakit ba kasi ako nakisama sa mga taong 'di ko naman kakilala. Magpapaalam na sana ako at aastang tatayo ng biglang hinawakan niya ang palupulsuhan ko. Pagtapos nito ay tumayo ito at sinabing,

"Ihahatid na kita."

"Hindi na. Marami pa namang jeep dahil maaga pa. Kaya ko naman." pilit kong sabi kasabay ng pagpilit ko sa pagtanggal ng kamay niya sa palapulsuhan ko. Pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Hindi ko ito matanggal.

Reach The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon