Nabuhay ang diwa ko nung nabasa ko ang message niya. He must be joking. Sinuot ko agad ang kulay pula kong pambahay na tsinelas at nagtungo sa baba.
Papunta na sana ako sa pintuan ng biglang nakita ko si mommy sa salas. She's looking at me. May tinitipa ito sa laptop at may kape sa tabi. Puno rin ng papeles ang table.
"Ngayon lang kita nakita. Akala ko tulog ka na." sabi niya habang naghihikab.
"Hindi po. May bibilhin lang ako sa tindahan." nagsisinungaling kong sabi.
Tinanong niya ako kung bakit gabi na raw ako kung bumili pero sumagot ako na talagang kailangan ko lang bukas para sa school at hinayaan ako nito.
As I opened the gate, nandito nga siya.
His dark black eyes settled upon mine. Suot pa nito ang kaniyang uniform. Ginabi yata ng uwi galing school. Ang kaniyang kotse ay nakapark din sa hindi kalayuan.
Sinara ko ang gate at lumapit sa kaniya. Hindi ganoon kalapit, pero sapat na para marinig niya ang boses ko.
"Umalis ka na. Gabi na ha." panggigil ko sa kaniya.
Tumingin ito sa langit at linagay ang magkabila niyang kamay sa magkabila niyang bulsa at saka tumingin ulit saakin. Humakbang pa ito ng kaunti.
"I know you're still upset, pero huwag ka naman magalit." nangungusap ang mata nito.
"Sinong hindi magagalit sa ginawa ng ina mo." pabulong akong nagsasalita dahil ayaw kong marinig ni mommy.
"Kay mommy ka magalit. Huwag sa guwapong kaharap mo."
Wala na talagang mas kakapal ang mukha sa lalaking ito. Binigyan ko siya ng nakakairita at nakakadiring mukha. Bahagya siyang natawa. He used his left hand to cover his small smile.
"Ayaw ko lang na kaaway ang maging turing mo saakin." sumeryoso siya.
"Ay ano? Gusto mong ituring kitang kaibigan?" sinabi ko habang kasama parin ang mapangasar kong ngiti.
"Puwede rin daw ka-ibigan!" a man laughing shouted from the back.
Tumingin ako kung sino yon. It was Laide. Kasama niya si Pharoah at hindi ko kakilala yung isa pero kasama siya nung niyaya nila ako sa table nila.
Bakas sa mukha ni Ceasar ang pagkadismaya sa mga kaibigan niya. Nilingon niya ito at lumimot ng bato. Agad naman niyang binato ito sa kanila dahilan para magtakbuhan sa damuhan ang mga ito.
Bumalik ito ng tingin saakin. Nahihiya sa nangyari. Napatawa ako. I don't know why. Sila pala ang mga laging tambay sa labas ng subdivision.
"Buti at hindi kayo nahuhuli ng guard. Naikot yun lagi kasi may curfew." sabi ko.
"Pakialam ko." nanaray siya.
Akala yata siguro ng lalaking ito na cool siya. Akala mo kung sinong maangas. Hindi naman 'to ganito nung bata pa kami. Tahimik nga ito. Yumabang yata ngayon.
"I'm sorry, Ceasar. I really have to go. Baka maghanap na si mommy." natatakot ako baka akalain ng ina ko napaano na ako.
"Still mad at me?"
"Give me some time to process." sambit ko habang nililingon siya at naglalakad na papuntang gate.
Tumango ito at tuluyan ko na siyang tinalikuran. Nakatulog na si mommy sa table kaya mabilisan akong tumaas at pumasok sa kuwarto ko. Dumungaw ako sa bintana at napagtantong nandun pa siya.
Astang aalis na ito pero he looked up in the stars again and a smile was written on his face.
We have no classes the other day. Hindi namin alam ang rason pero the school suddenly cancel out. Sayang naman yung pag-aaral ko kagabi.
BINABASA MO ANG
Reach The Top
Teen FictionLimited chapters only. I stopped writing this. Apologies, my loves. Awards, medals, certificates, recognitions, and many more are the only thing Liezel Rayos wants in her life. Second place is not enough for her because being first in everything is...
