Edgar POV
Habang nagche-cheer kami, nagpipigil talaga ako ng tawa.
Kasi si bespren ko, akala mo iiyak ng tahimik pero nagmistulang fountain yung luha niya!
Pero masaya ako para sa kanya. Nakita ko sa mga mata nila ni Steven kung gaano sila kasaya at gaano sila nagmamahalan.
"Hoy, videohan mo!" bulong ko kay jonele.
"Oo na labs, chill ka lang," sabi naman ni jonele, pero kita ko rin na napapangiti siya.
Tapos bigla na lang kaming nag-slow clap, at sinundan ng mga classmates namin. Parang ang ganda ng eksena parang scene sa movie.
Steven POV
Pagkasabi ko ng "I LOVE YOU BABS KO and happy 2nd monthsarry to us," nakita ko talaga sa mukha ni George na surprise siya pero punong-puno ng saya.
At nung hinalikan niya ako, ang lambot pa rin ng labi niya para kaming nag-stop ang mundo, kahit na ang ingay ng paligid.
Pagkatapos ng halik, nagkatinginan kami at natawa kasi pareho kaming naiiyak.
Grabe talaga. Hindi ko in-expect na magiging ganito kasaya ang monthsarry celebration namin.
Tumingin ako kina Edgar at Jonele at nag-thumbs up ako sa kanila. Buti na lang game na game sila sa plano ko.
George POV
Sobrang saya ko, as in!
Hindi ko alam na kaya pala akong pasayahin ng ganito.
Kanina akala ko nakalimutan na ni babs, pero grabe pala yung effort niya.
Napalingon ako sa paligid at andun lahat ng kaklase namin, pati yung ibang taon, sumisigaw ng "kilig!" at may mga nagvivideo pa.
Pero wala na akong pakialam, kasi ang importante, kami ni babs.
"Thank you babs... sobra sobra," mahina kong sabi sa kanya habang nakayakap kami.
"Ikaw lang babs, ikaw lang talaga," sabi ni Steven, sabay haplos sa buhok ko.
Edgar POV
Nagtinginan kami ni jonele at natawa na lang kami.
"Tingnan mo labs, parang teleserye, diba?" bulong ko.
"Oo nga labs, pero bagay naman sila," sabi ni jonele, sabay hawak sa kamay ko.
George POV
Kanina, akala ko ordinaryong araw lang... pero naging isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
At habang nakatitig ako kay babs na nakangiti sa harap ko, isa lang ang nasa isip ko:
"Salamat Lord... kasi hindi lang siya ang minahal ko — minahal din niya ako." ❤️
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
Fiksi UmumPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
