CHAPTER 3

557 16 0
                                        

George POV

(Pasensya na babs, biglang nagka-emergency, sana makilala mo na ako bukas, sorry I love you)

Yan ang txt sa akin ni babs. Ako kasi yung tipo ng tao na madaling magpatawad pag ramdam at kita ko namang totoo ang dahilan at emergency naman daw. Kaya may pag-asa pa rin sa pagkikita namin bukas, at sana nga matuloy na ito.

Excited na talaga ako, kasi sya lang naman ang nakakakilala sa akin, pero ako, wala man lang akong clue kung sino siya.

Nandito na ako ngayon sa classroom at recess na.

"Tara na bespren, nagugutom na ako. Hindi kasi ako kumain kanina," sabi ni Edgar sa akin.

"Pass, diet ako," sagot ko.

"Libre ko," sabi ni Edgar.

"Cheat day ko pala ngayon," bigla kong sagot.

"Alam ko na yang galawan mo! Kunwari diet pero wala palang pera," bara ni Edgar. Napaikot mata ko.

"You have me, bespren. Ano pa at I'm rich!" sabi ni Edgar, at natawa na lang kami kasi yung style ng pagkakasabi niya, may pa-pose-pose pa na parang kandidata sa pageant.

Nagpahatak na ako kay Edgar at dumiretso na kami sa canteen.

Nakabili na kami ng merienda, at grabe si bakla dalawang spaghetti, dalawang pancit, dalawang malalaking hotdog, apat na shanghai, tapos dalawang basong palamig.

"Shemmsss ang dami pala nating nabili," nasabi ko.

"Kumain ka na lang, daming talak. Libre naman yan! Eat well bespren, sana mabilaukan ka," biro-barang sabi ni Edgar.

"Same to you, bespren," balik ko naman, sabay ngisi naming dalawa.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may tumayo sa gilid ko — matangkad at may dala pang tray ng pagkain. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Steven, my love, na nakangiti.

"Ahh... ano... ano yun?" medyo nautal kong tanong.

"Pwedeng tumabi sayo... babs?" sabi niya, sabay ngiti yung ngiti na nawala ang singkit nyang mata.

Pero ang nagpagulat sa akin ay yung sinabi niya na...

HUH!!! Babs???

Nagkatinginan kami ni Edgar at sabay naming nasabi:

"Babs?" sabay tingin ulit kay Steven.

"Ako nga, babs," nakangiti niyang sabi.

Parang nag-slow motion ang mundo. Yung taong crush ko mula pa elementary hanggang ngayon, sya pala yung katxt ko. Siya si babs! Sa wakas, nakita ko na siya ng harapan. Yung crush ko at yung babs na minahal ko sa txt, iisa lang pala.

Hindi ko akalaing darating yung panahon na yung taong gusto ko... gusto din pala ako. At ang the best part? Boyfriend ko siya! Kaya di ko namalayan, pumatak na lang ang luha ko.

Biglang nilapag ni Steven ang tray, tumabi sa akin, at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang panyo. Tapos niyakap niya ako.

"Wag ka nang umiyak, babs. Nasasaktan ako," sabi ni Steven. Humiwalay siya sa yakap, hinawakan ang pisngi ko, at tinitigan ako sa mata.

"Totoo lahat ng nangyayari, babs. Si Steven na crush mo at si babs ay iisa." nakangiti nyang sabi.

"So let me get this straight... ikaw yung nagpadala ng cake nung birthday ni George?" tanong ni Edgar.

"Yup," sagot ni Steven.

"Ikaw yung babs na matagal nyang katxt?" tanong ulit ni Edgar.

"Yes," nakangiti pa rin si Steven.

"Eh akala ko ba GF mo si Angela?" tanong ni Edgar, at napatingin na rin ako kay Steven.

"Yung totoo nyan... si Angela lang ang nagpapalabas na GF ko siya. Pero ang totoo, wala talagang namamagitan sa amin. At may babs kaya ako," sabi niya, sabay tingin sa akin.

"Last question: so matagal mo nang alam na crush ka ni George?" tanong ni Edgar.

"Yes. Well in fact... ako ang unang nagka-crush sa kanya," sagot ni Steven at doon na lang kami parehong napatulala ni Edgar sa sobrang gulat at kilig.

Txtmate (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon