(1 year later...)
George POV
Isang taon na ang lumipas mula noong second monthsarry surprise ni babs sa gymnasium.
Ang dami nang nangyari, pero isang bagay lang ang hindi nagbago, kami pa rin ni babs, mas matatag, mas masaya, at mas nagmamahalan.
Nandito kami ngayon sa likod ng campus, sa ilalim ng akasyang puno kung saan dapat sana kami unang magkikita noon.
Ngayon, hindi na luha ang dala ko dito kundi ngiti.
"Naalala mo ba, babs?" tanong ko habang nakasandal ako sa kanya.
"Oo naman... dito ka naghintay, akala mo hindi ako dadating," nakangiti niyang sagot, sabay haplos sa buhok ko.
Huminga ako ng malalim.
"Pero dumating ka rin. At simula noon... hindi ka na nawala."
"At hinding-hindi na mawawala, babs ko," sagot niya, sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.
Steven POV
Sino ba ang mag-aakalang mangyayari ito?
Yung dating crush lang, naging txtmate, tapos naging babs ko at ngayon, partner ko na sa lahat ng bagay.
Minsan iniisip ko, baka panaginip lang to. Pero sa bawat umaga na kasama kita, alam kong totoo.
"I love you babs ko... at sa darating pang taon, mas mamahalin pa kita," bulong ko sa kanya.
"I love you more babs ko," sabi niya, sabay ngiti na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Edgar POV
At kami ni jonele?
Ayun, kami pa rin! Kahit madalas akong tinutukso ng bespren ko, masaya kami ni jonele.
At proud ako sa kanila ni steven, kasi kahit maraming dumaan na pagsubok, napatunayan nila na ang totoong pagmamahal, hindi lang puro kilig at dapat may tiwala, sakripisyo, at respeto.
George POV (closing)
Minsan, naaalala ko yung unang txt ko kay babs:
"Pwede ba tayo magkita?"
At ngayon, araw-araw ko siyang nakikita.
Hindi lang bilang crush, hindi lang bilang txtmate kundi bilang taong mahal ko... at mahal ako.
Sa dulo, natutunan ko na ang pag-ibig, hindi lang basta hinahanap.
Minsan, dumarating ito sa oras na di mo inaasahan at sa taong hindi mo sukat akalain.
At kapag dumating, hawakan mo. Alagaan mo. Dahil ang tunay na pag-ibig... iyon ang pinaka magandang surpresa ng buhay. ❤️
✨ The End ✨
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
