George POV
"Yes, well in fact ako ang unang nagka-crush sa kanya," sabi ni Steven, na ikinagulat naming dalawa ni Edgar.
"Ano ang ibig mong sabihin?" doon na ako naglakas ng loob na magsalita at tumingin sa kanya.
"Hindi mo man maalala, pero sa akin naaalala ko pa kasi doon nagsimula na magkagusto ako sayo..." panimula niya.
"Nung Grade 2, recess, may mga batang umaway sa akin at kukunin na sana yung pera ko. Bigla mong binato ng tinapay yung parang leader nila, tapos hinila mo ako para makalayo. Tinanong mo ako kung okay lang ako... at pagtingin ko sa'yo, napakacute mo noon!
Araw-araw na akong nakatingin at sinusubaybayan kita.
Tapos, nung Grade 4, narinig ko yung usapan nyo ni Edgar na crush mo pala ako... hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon — na yung taong gusto ko, gusto din pala ako.
Simula noon, sinikap kong magmukhang cool sa harap mo, kasi gusto ko ako lang ang gusto mo," mahaba niyang kwento, at napayakap na lang ako sa kanya.
Mas lalo pa akong napamahal kay babs dahil sa kwento niya, hindi lang pala ako ang unang nahulog, siya pala talaga ang naunang nagkagusto sa akin.
"Wow, sana all! At dahil sa kwento mo, may naalala na ako, ikaw pala yung binubully noon Grade 2, kasi ang linis mo tignan... ano ka, diamond?!" biro naman ni Edgar, at natawa na lang kami.
"Kain na tayo, napahaba na yung kwentuhan natin," sabi ni babs, at nagngitian kami.
"Tama na yang ngitian, kainan pinunta natin dito," biro ulit ni Edgar, kaya tinuloy na lang namin ang pagkain.
Habang kumakain, kwentuhan lang kaming tatlo na para bang matagal nang close.
"Ay oo nga pala Steven, asan si Jonele?" tanong ni Edgar kay babs.
"Hindi ko rin alam, sabi niya may pupuntahan daw siya," sagot ni babs.
Pero napansin ko yung tingin ni Edgar kaya napakunot ako ng noo.
"Magtapat ka nga sakin," sabi ko bigla.
"Ang alin?" takang tanong ni Edgar.
"May namamagitan ba sa inyo ni Jonele?" tanong ko, at bigla siyang nabulunan. Buti na lang, agad siyang inabutan ni babs ng tubig.
"So tama nga ako! Kailan pa?" taas kilay kong sabi.
"Ah... eh... nung pageant ko pa, bespren," nahihiya niyang sagot.
"Congrats! Dimo kasi sinasabi!" sabi ko naman.
"Nahihiya kasi ako," sabi ni Edgar.
Biglang may boses na sumabat:
"Anong nakakahiya doon?" sabi ng boses na nasa harapan na pala namin — si Jonele.
"Flowers for you," sabi ni Jonele, sabay abot ng bulaklak kay Edgar.
Si bakla naman biglang naging pabebe girl:
"Ehe! Ene be, Jonele..." sabi niya, may pahampas-hampas pa na parang bulate.
"Pre, si Edgar jowa ko nga pala," nakangiting sabi ni Jonele kay babs.
Biglang inakbayan ako ni babs at sabi niya:
"Pre, si George jowa ko din, siya si babs, yung kinikwento ko sayo," nakangiti si babs kay Jonele.
"Owww shii... ikaw pala yun?!" gulat na may ngiti ni Jonele sa akin.
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
