Steven POV
It's been a week mula nung pagtatagpo naming apat, at hindi ko maiwasang mapangiti.
Kami-kami din pala ang magkakatuluyan sa huli.
"At sino naman ang taong nagpapangiti sa anak ko?" biglang tanong ni Mom. Hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa may kusina habang nakangiti akong parang ewan.
"Babae ba yan?" tanong naman ni Dad.
Napailing ako.
"Omy gosh! Don't tell me... lalake?!" gulat na tanong ni Mom.
"Honey, relax," singit ni Dad. "So ano, babae ba o lalake?" seryoso niyang tanong habang nakatitig sa akin.
"Lalake, Dad," seryoso kong sagot, nakipagtitigan ako kay Dad... tapos bigla siyang napangiti. Tumingin ako kay Mom, at nakangiti rin siya, parang kinikilig pa.
"Yes honey! May BL na tayo sa pamilyang ito!" excited na sabi ni Mom.
Napakunot ako sa sinabi niya.
"BL?" tanong ko.
"BL, boys' love, love story ng dalawang lalake, bromance, ganun!" paliwanag ni Mom na parang fangirl ang energy.
"Hindi kayo galit? Na ganito ako? Na lalake yung mahal ko?" tanong ko, medyo nanginginig pa ang boses ko.
"Of course no, son," mabilis na sagot ni Dad. "Tatlo kayong lalake na anak namin, yung isa college student may girlfriend, yung isa, businessman na, may asawa at anak, at yung panganay niyo na babae, may sarili nang pamilya at sikat na restaurant.
Ikaw, bunso namin... kahit sino ang mahalin mo, tatanggapin ka namin. Love is love, anak."
"Tama ang Dad mo," sabat ni Mom. "At nasabay pa na naadik kami ng Dad mo sa mga BL drama ng Thailand... kaya minsan iniisip ko, paano kaya kung lalake ang jowa ng anak ko, fulfillment yun bilang fan, tapos bunso pa kita!" natawa siya, pati si Dad natawa rin.
"Kaya, ipakilala mo naman samin yang tao na nagpapangiti sayo, son," nakangiti si Dad.
"Makakaasa kayo Mom, Dad," nakangiti kong sagot.
Kumain na kami habang kinukuwento ko paano kami nagkakilala ni George — my babs — mula sa pagtetext, hanggang sa pagkikita namin sa akasya.
"How romantic, isn't it honey?" sabi ni Mom, kinikilig pa.
"I know, honey... ibang level pala ang love story mo, son," nakangiting sabi ni Dad.
"I know, right Dad," nakangiti ko ring sagot.
Biglang binitawan ni Mom:
"So... ikaw ang top?"
Nabilaukan ako sa tubig!
Si Dad naman, tawang-tawa.
"Of course, Mom! Shessshhh!" nahihiya kong sabi.
"Relax son, papayag ako na lalake jowa mo... pero 'di ako papayag na ikaw yung bottom!" biro ni Dad na mas lalo kong ikinabilaukan.
Gosh! Itong dalawang oldies sa harap ko, kabisado na ang top at bottom?!
Binilisan ko na lang ang pagkain ko baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Mahirap na!
"Bye Mom, bye Dad," sabi ko sabay tayo.
"Already? Ingat ka, son! Basta ipakilala mo siya ha," pahabol ni Mom.
"Yup!" sagot ko, at dali-dali na akong umalis sa kusina...
...na may ngiti pa rin sa labi, kasi alam kong tanggap nila ako at tanggap nila si babs ko. ❤️
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
