Someone's POV
Ito na ang araw na magkikita na kami ni babs. Kaya sa paghihintay ko na matapos ang klase, parang ang tagal ng oras. Ganito ba talaga pag excited ka sa mangyayari? Tinitignan ko siya sa kanyang upuan at napapangiti rin ako.
Natapos na nga lahat ng klase, at nauna nang nagligpit ng gamit si babs. Hindi ko na matandaan kung nasabi ko ba sa kanya na kaklase niya ako pero kung hindi man, edi surprise!
Maya-maya lang, nag-text siya sa akin na nasa ilalim na siya ng akasya. Kaya dali-dali akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng classroom, pero biglang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman, kasi hindi nakasave sa contacts ko yung number.
"Babe, asan ka? Nasa ospital ako," sabi ng boses sa telepono, si Angela lang pala.
"Babe? Diba sabi ko wag mo akong tawaging babe? Kasi wala namang tayo. Ikaw lang naman ang nagpupumilit sa sarili mo sa akin, eh!" inis kong sagot sa kanya.
"Kung di mo ako pupuntahan dito, itutusok ko tong karayom na nakatusok sa kamay ko sa leeg ko!" banta ni Angela at doon ako natakot. Hayst!
Teka lang, babs! Babalikan kita, promise!
Dali-dali akong sumakay sa motor at pinuntahan ang ospital kung nasaan si Angela.
Pagdating ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama, at ang mama niya nakaupo sa tabi. Nang makita niya ako, bigla siyang tumayo at niyakap ako. Akala ko ba may dextrose siya? Napansin ko rin na nakatingin ang mama niya kaya dali-dali akong kumalas.
"Mom, boyfriend ko nga pala," sabi ni Angela.
Agad naman akong nag-react sa sinabi niya.
"Nagbibiro lang po ang anak niyo, ma'am. Hindi niya po ako boyfriend. May jowa po ako, at hindi po si Angela. Nakita ko naman pong okay na ang anak niyo kaya aalis na po ako." Mahaba at diretso kong paliwanag.
"Boyfriend kita!!! Anong may jowa ka na!!!??? Sino?!!!" at bigla na lang nagwala si Angela.
The reason na pinapayagan ko siyang lumapit sa akin ay dahil nararamdaman ko na parang may sakit siya sa pag-iisip and I don't want to trigger that. Pero naubos na ang pasensya ko nung ipinakilala niya akong boyfriend sa mama niya, kasi naalala ko si babs. Kaya dali-dali akong lumabas kahit na nagwawala na si Angela, at pinipigilan naman siya ng kanyang ina.
Lumapit ako sa isang nurse at sinabi kong nagwawala na ang pasyente sa Room 23.
Hindi ko namalayan na sa pamamalagi ko doon, halos kumagat na pala ang dilim. Sumakay ako agad sa motor, bumalik sa school, at nakita ko na wala na si babs sa ilalim ng akasya.
Kaya nag-text ako sa kanya:
(Pasensya na, babs. Biglang nagka-emergency. Sana makilala mo na ako bukas. Sorry... I love you.)
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
