George POV
Nandito kami ngayon sa classroom, magkatabi kami ni Steven. Sa harapan naman namin, nakaupo si Edgar at Jonele.
Alam na ng mga kaklase namin ang tungkol sa amin kaya todo suporta sila.
Si Angela lang ang hindi masaya, as in ang sama ng tingin niya sakin! Pero sabi ni babs, hayaan ko na lang siya.
Pero syempre... kahit babae ka, pag ikaw ang nagsimula ng gulo, lalabanan talaga kita! Hmmpp!
"Oo nga pala babs... guys," pagkuha ni Steven ng atensyon namin.
"Ano yun?" tanong ni Edgar habang ngumunguya pa.
"Birthday pala ni ate sa Sabado... gusto daw kayong makilala," sabi ni Steven, nakatingin sa aming tatlo.
"As in? Totoo? Bakit daw?" sunod-sunod na tanong ni Edgar. Oo nga naman, bakit kailangan pa kaming pumunta?
"Gustong makilala ni ate si babs, tapos kine-kwento ko din kasi kayo kina mama at papa.
Si Jonele, para na rin naming kapatid kasi bata pa lang, lagi na siyang nandoon.
Nung nalaman naman ni mama na bespren ng babs ko yung jowa ni Jonele, sabi niya na gusto din kayong makilala, Edgar," mahabang paliwanag ni Steven.
Naalala ko yung sinabi niya dati, addict sa BL dramas yung parents niya!
Pero kahit alam kong tanggap nila kami... parang may kaba pa rin sa dibdib ko.
Alam mo yun? Yung takot na baka hindi nila ako magustuhan.
"Ano, okay lang ba?" tanong ni Steven, nakatitig sakin.
"Oo naman. Birthday ng ate mo yun eh," sagot ni Jonele, nakangiti.
"Of course! Madaming pagkain yun for sure!" pabirong sagot naman ni Edgar, sabay tawa.
"Okay lang ba? Parang nakakahiya," alanganin kong sabi.
"Ano ka ba bespren! Ngayon ka pa nawalan ng kapal ng mukha?" biro ni Edgar.
"Mahilig na sa BL ang parents ni Steven, I'M SURE they will like you."
"Tama si Edgar, babs," nakangiting sabi ni Steven. "Nandun naman ako, di kita pababayaan."
Napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ng babs ko.
"Saba ikaw di, Jonele... dimoko pababayaan?" biro ni Edgar kay Jonele.
"Oo naman babe," sagot ni Jonele sabay akbay kay Edgar.
Sus! Itong dalawa talaga, kung mang-asar wagas!
✧ ✧ ✧
Saturday.
Sinundo ako ni Steven sa bahay, kasi ngayon na yung birthday ng ate niya.
"Ma! Punta na po kami," paalam ko kay mama.
"Alis na po kami, tita," nakangiting sabi ni Steven.
Hindi ko pala nasabi dito...
Naipakilala ko na si Steven kay mama nung araw na nagkaaminan kami sa canteen.
Kinabukasan, pinilit niya na ipakilala na siya kesyo daw baka iwan ko raw siya, kaya ayun, napapayag ako.
Todo pa-impress si babs: nagdala pa ng maraming meryenda!
Kaya nagustuhan agad siya ni mama.
"Sige, ingat kayo mga anak," sabi ni mama, may ngiti sa labi.
Lumabas na kami, dumiretso sa motor ni babs.
"Yakapin mo ko, babs," sabi niya, nakangiti.
Kaya niyakap ko siya mula sa likuran.
Ramdam ko yung tibok ng puso ko, halo ng kaba at kilig...
Pero mas nangingibabaw yung saya, kasi alam kong kasama ko si babs at ipapakilala niya na ako sa pamilya niya. ❤️
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
