George POV
Nakita ko sina Jonele at Edgar doon sa harap ng gate nila Steven, nakatayo at parang hinihintay talaga kami.
Bumaba na ako sa motor, sabay biglang bumukas yung gate. Sina Steven at Jonele, diretso na sa loob sakay ng motor. Kami naman ni Edgar, naglakad na lang papasok.
Habang naglalakad, nililibot ko ng tingin yung paligid. Ganito ba talaga pag mayaman?
Mala-mansyon ang bahay, parang nasa isang resort o malaking villa sa TV.
"Grabe... malaki na bahay namin pero iba pa rin pala talaga pag ubod ng yaman," bulong ni Edgar, na halatang namangha rin.
Oo nga naman — malaki na bahay nila Edgar pero dito... parang palasyo na may garden at driveway.
Pagdating namin sa main house, mga 50 hakbang mula sa gate, nakapark na sina Steven at Jonele. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.
Biglang may malakas na boses na narinig ko mula sa hagdanan:
"Is that George?!"
Napatingin kami at nakita ko ang isang ginang — ang ganda niya, parang artista! Siguro siya na yung mama ni babs.
"Yes mom, siya na nga," nakangiting sagot ni Steven sa kanya.
Ngayon ko lang din napansin ang isang lalake na nakatayo sa likuran ng mama niya, siguro siya yung papa ni babs.
"Hello po," nahihiya pero nakangiti kong bati.
Dali-dali namang lumapit sa amin ang mag-asawa at kabang-kaba ako, promise!
Bigla akong niyakap ng mama ni babs.
"Glad to meet you!" sabi niya habang nakayakap.
Tumingin naman ako sa papa niya at nakangiti lang siya sakin.
"I'm glad at pinakilala ka na rin sa amin ni Steven," sabi ni Mr. Puerto.
"Nice to meet you po," nakangiti kong sagot.
"Jonele, ito na ba ang jowa mo?" tanong ni Mrs. Puerto, sabay tingin kay Edgar.
"Hehe, opo," nahihiyang sagot ni Jonele.
At niyakap din ni Mrs. Puerto si Edgar, tapos ngumiti.
"Alam mo, parang anak na rin ang turing ko kay Jonele. Stay strong kayong dalawa ha, lalo na kayo, George at Steven," sabi niya.
Kami naman, sabay sagot ng "Opo" habang nakangiti.
"Halina kayo, nasa likod ang garden area. Doon ang handaan —nandoon na rin ang mga kapatid at mga apo namin," sabi naman ni Mr. Puerto.
Nauna nang naglakad yung mag-asawa, sumunod na kaming apat.
"Grabe... ibang experience 'to, bespren," bulong ni Edgar habang lumalapit siya sakin.
"Kaya nga eh... parang teleserye," bulong ko rin, sabay kaming natawa.
Pagdating namin sa garden area, ang ganda! May mga mesa, lamesa ng pagkain, balloons, at kiddie pool pa para sa mga bata.
Biglang nagsalita si Mrs. Puerto:
"We're here!" sabi niya, kaya napatingin sa amin yung ibang guests.
Tumingin sa akin yung ate ni babs, ang ganda niya parang model.
"You're cute... diba mahal?" sabi niya sa asawa niya.
At sumang-ayon naman yung asawa niya na nakangiti.
Ramdam ko na namula talaga ako sa hiya.
"Alam kong parang awkward kasi ngayon lang tayo nagkita," sabi ni ate ni babs, sabay naglakad palapit.
"Well, let me introduce myself: ako si ate Romina, ito asawa ko si kuya nyo Willy.
Yung batang naka-red dun sa kiddie pool, anak namin — si Andre.
This is Kester and his wife Karla, at yung batang kasama ni Andre, anak nila — si Kervy.
At sya naman si Kevin," mahabang pakilala ni ate Romina.
Grabe! Ang gaganda't gagwapo nilang lahat. Pati mga kids, artistahin!
"Ako naman, I'm Mrs. Jona Puerto, and this is my husband, Mr. JR Puerto," sabi ni mama ni babs.
Nakangiti lang kami ni Steven, at pati sina Edgar at Jonele.
Nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain, tumingin ako kay Steven, ang gwapo niya talaga, lalo na pag nakangiti.
At sa loob-loob ko, naisip ko lang...
Hindi pala nakakailang kung tanggap ka ng pamilya. Ang sarap sa pakiramdam — yung mahal mo, proud na ipakilala ka sa lahat. ❤️
BINABASA MO ANG
Txtmate (BXB) COMPLETED
General FictionPano kung isang araw may nag-txt sayo na hindi naka-save sa contacts mo. Anong gagawin mo? ___________________________ Updated: May 7, 2023 Started: May 8, 2023 Ended: September 11, 2023
