CHAPTER 1

618 13 0
                                        

George POV

Can we meet na, babs? — yan ang text ko sa boyfriend ko, kasi gusto ko na talaga siyang makita.

Alam mo 'yun? Yung gusto mo na siyang mahagkan, mayakap, makapagkwentuhan ng harap-harapan at kung ano-ano pa. Syempre, hindi ko rin itatanggi na curious akong makita kung may itsura siya. Pero kahit ano pa man ang itsura niya, mamahalin ko pa rin siya.

Maybe it's time for us to meet personally na, babs.
Yan din ang reply niya sa akin.

Bigla naman akong na-excite sa reply niya. Ito na ba ang inaasam-asam kong pagtatagpo naming dalawa?
Mayayakap ko na ba siya? Mahahalikan ko na ba siya?

So can we meet mamayang hapon, pagkatapos ng lahat ng klase? — tanong kong text sa kanya.

Oo naman, babs ko! 4 PM will do.
Mabilis na reply ni babs.

Kaya naligo na ako kasi late na rin ako. Nagtext kasi sa akin si Edgar na di muna daw siya papasok ngayon. Napuyat daw kasi siya kagabi kasi may sinalihan siyang pageant at nanalo naman si bakla. Kaya bukas na lang daw niya ako ililibre.

Nandito na ako sa harap ng gate ng school, pero hindi muna ako pumasok kasi nagfa-flag raising ceremony pa sila. Dito kasi sa school namin, every Monday lang ito ginagawa.

Akala ko late na ako, pero naabutan ko pa yung City Hymn namin.

Nag-announce lang ng konti si madam principal, at pagkatapos nun, natapos na rin. Nagsi-alisan na ang mga estudyante at nagsipasukan na sa kani-kanilang mga classroom. Ako naman, dali-dali akong sumunod sa mga kaklase ko para magmukha namang nakiflag-raising din ako, diba?

"Asan si Edgar?"
Takang tanong ni Jonele.

Napansin ko na medyo nag-iba na talaga ang kilos ng dalawa nitong mga nakaraang buwan. Parang hindi na masyadong binabara ni Edgar si Jonele, at hindi na rin masyadong kinukulit ni Jonele si Edgar.

Hmmm... something's fishy going on...

Baka nagkakamabutihan na sila...
Or baka sila na...?

Ay!!!! Mali!!! Imposible!!!
Kung makatanggi nga yung baklang yun nung tinanong ko kung type niya si Jonele — Diyos ko! Kulang na lang igudngud ako ni bading sa pader! Kaya napaka-imposible ng second guess ko.

Natapos na lahat ng klase namin ngayong araw at hapon na. Kaya dali-dali kong niligpit ang gamit ko at pumunta sa pinakamalaking akasya sa likod ng school namin, kasi dito daw kami magkikita ni babs.

20 minutes na ang nakalipas at wala pa rin siya. Nagtext na rin ako pero wala siyang reply.

5 PM na at wala pa rin.
Bigla na lang pumatak ang luha ko. Napaisip ako:

Nakita niya ba ako tapos napangitan kaya 'di na nagtuloy?

Yan yung tumatakbo sa isip ko kaya pinunasan ko na lang yung luha ko at aalis na sana sa ilalim ng akasya... ng biglang may lumabas na lalaki.

Baka si babs na 'to.

Biglang sumilay ang ngiti ko at tumakbo akong lumapit sa kanya. Pero paglapit ko, nagulat ako. Hindi ko in-expect na... well, panget siya. Okay lang sana yun, kaso ang itim, ang taba, at 'di pa marunong pumorma. No offense huh! May standards din naman ako.

Well, sinabi ko naman kanina na kahit ano itsura niya, mamahalin ko pa rin siya. Kaya pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"Babs?"
Mahina kong sabi.

Napakunot ang noo niya.

"Huh? Sino si babs?"
Takang tanong ng lalaki.

And I was so relieved. Bigla kong naalala na hindi nga ako sinipot ni babs dito sa akasya.

"Ay, wala. Sige, bye."
Sabi ko at dali-dali akong umalis sa harap niya.


Txtmate (BXB) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon