Chapter 47: New Friend

11 4 1
                                    

GUSTO kong umiyak, pero parang wala namang lalabas na luha sa mata ko. Tila ba naiipon lang sila sa dibdib ko kaya sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko rin alam kung tama ba 'yung ginawa at pinagsasabi ko sa harap nilang lahat dahil wala naman talaga 'kong alam sa mga 'to.

Nag-aalala lang naman ako sa kaligtasan nila, lalo na ni Ezekiel.

"Uhm, okay ka lang?"

Naangat ko na lang ang leeg ko mula sa pagkakaupo. Hanggang ngayon, nakasandal at nagmumukmok pa rin ako sa labas ng opisina dahil hindi pa rin kumakalma 'yung dibdib ko. Pagkatingin ko sa kumausap sa 'kin, si Vivien ito.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at umiling. "I don't know," sambit ko at bumuntong hininga. Agad na rin akong tumayo mula sa pagkakaupo upang humarap sa kaniya ng maayos.

"Nagpahangin ako sa terrace dito sa third floor, maganda kasi 'yung tanawin ng dagat..." paliwanag nito at parang nahihiya pa siyang nagmasid sa 'kin.

Tumango-tango lang ako rito at kahit ako naman, hindi pa kumportable sa kaniya. Hindi ko pa naman siya gaanong nakakausap ng personal simula noon. Kapag nandito sa palasyo, bihira ko lang din siyang makasalubong dahil kahit na ganito, marami akong ginagawa.

"Ah, matutulog ka na ba?" awkward kong sabi. "Wala ka naman bang problema sa kwarto mo, okay naman ba sa 'yo 'yung binigay kong room?"

"Oo naman, sobra nga 'yun, eh. Malaki siya saka maganda. Salamat pala, ah?"

"Kung may gusto kang ipaayos o idagdag, sabihin mo lang sa 'kin, ah? Dadating na rin pala this week 'yung isa pang kama para sa mga tita mo," saad ko pa rito.

Ako kasi ang nagpaayos ng kwarto nila at isa sa mga royal room ang binigay ko sa kanila. Syempre bilang kami naman ang nag-suggest na sumama sila sa 'min, natural lang na bigyan ko sila Vivien ng magandang tutuluyan. Isa pa, hindi man siya tulad ni Ezekiel pagdating sa estado, maharlika pa rin siya kaya deserve niya iyon.

"Maraming salamat. Kung meron pala 'kong matutulong sa 'yo, sabihin mo lang sa 'kin, wala naman din akong ibang ginagawa dito," ani Vivien.

Tumango naman ako sa kaniya at hindi kumibo. Sandaling natahimik ang paligid namin ngunit binasag niya rin agad 'to.

"Mukhang may bumabagabag sa isip mo. Gusto mo bang pag-usapan? Libre naman ako ngayon," ika nito.

Binigyan ko naman ito ng malumanay na ngiti at sumang-ayon sa kaniya.

Why not? Wala naman akong ibang napagbubuntungan ng mga bagay na gusto kong ireklamo sa palasyo na 'to, bakit hindi si Vivien? Minsan kung sino pa 'yung hindi natin gaanong kilala, sila pa 'yung higit na mas makikinig sa 'tin 'di ba? Nag-offer din naman siya kaya matatanggihan ko ba 'yun?

***

Napagkasunduan namin ni Vivien na sa kwarto ko na lang tumambay dahil masyadong malaki ang silid na 'yon para hindi gamitin ang ibang parte. Meron kasi akong dalawang magkatapat na sofa at maliit na table sa tabi ng bintana. Hindi ko siya masyadong nagagamit dahil lagi lang naman ako sa kama.

Bago kami tuluyang tumungo sa silid ko, dumaan muna kami sa pantry dahil naisipan kong kumuha ng mga snacks at inumin namin habang nagkukwentuhan. Ewan ko ba, parang na-miss ko 'yung mga gano'ng free time.

Pinili ni Vivien na mag-wine kaya kinuha ko siya ng isang bote, habang juice lang ang sa 'kin dahil hindi pa naman ako sanay sa pag-inom.

Pagkarating namin sa kwarto, pinaupo ko na agad siya at talagang natutuwa't nasasabik ako na meron akong makakausap bukod kay Ezekiel. Maganda 'to para naman mawala ang isip ko sa mga problemang gumugulo sa isip ko.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon