[KITKAT]
IT has been a few days since they sentenced Levi to the death penalty. He was one of the few people I trusted, yet he betrayed each and every one of us.
Aminado akong nadismaya at talagang nakaramdam ako ng galit nang malaman ko 'to dahil pakiramdam ko, nauto ako ng isang tao na hindi ko akalain na kayang gawin 'yon. Pero nagkaroon pa rin ako ng kaunting hinuha na baka may kabutihan pa rin siya sa puso. Iyon ay dahil ni kaylanman, hindi ko naramdaman sa harap niyang peke ang pinakikita niya.
Nung marinig ko ang panig at katotohanan sa likod ng pagbuhay niya kay Alessandro, alam kong hindi ako nagkamali ng pagkilala sa kaniya noon. Maling mali lamang talaga ang kaniyang paraan. Dahil sa nangyari, mas maraming madadamay lalo't hindi siya nagtagumpay.
Hindi ko rin naman sinasabing mali ang parusahan siya. Kahit papaano, may alam ako sa batas dito at dapat lang na pagbayaran niya ito. Ngunit hindi ko inasahan na papatawan siya ng kamatayan—ni Ezekiel pa mismo.
Sa totoo lang, ayoko naman talagang mangielam na sa mga pasya niya, pero parang hindi ko kaya na ganoon ang paraan niya. Hindi man sabihin ni Ezekiel, alam kong labag ito sa loob niya dahil buhay pa rin ng ibang tao ang pinag-uusapan. Tama man sa paningin ng batas ang hatol niya, siguradong hindi siya patatahimikin ng konsensya niya balang araw. At ayokong mangyari na masanay siya sa gano'ng sistema.
I am worried that this killing would greatly affect Ezekiel's stance in the future as the leader and I don't want that to happen.
Ngayon, natanong na nila ang bagay na dinahilan ko upang hindi matuloy ang pagpatay kay Levi nung araw na iyon. Bahagya ring gumaan ang pakiramdam ko dahil mukhang hindi pa rin ito natuloy. Hindi ko na rin alam kung ano bang iniisip at balak ni Ezekiel dahil ayon kay Hannah, hindi pa nila ito napag-uusapan. At lalong hindi kami nagkikibuan ni Ezekiel dahil sa naging sagutan namin nung gabi.
Naisipan kong bisitahin sa piitan si Levi dahil madami akong gustong itanong sa kaniya. Hindi ko alam, pero hindi ako mapakali na kumustahin ang lagay niya at mga naging desisyon niya. Para sa 'kin, hindi ko maikakaila na may punto pa rin lahat ng kaniyang ginawa.
Ang kulungan ng mga Valeria ay nakapwesto sa ilalim ng kanilang lupa. Ngayon ko pa lang ito napuntahan at talaga namang nakakikilabot sa pakiramdam.
Hindi kinakaya ng mga alab ng tanglaw ang ginaw na dala ng pasilyo. Kulob na kulob ang kabuuan ng semento at maski amoy, tila kinalimutan na rin ng panahon dahil sa sangsang ng alimuom ng lupa. Sa sobrang katahimikan, maririnig mo rin ang sunod-sunod na patak ng tubig mula sa kawalan. Talagang pinabayaan at hindi na binibigyang atensyon ang lugar na ito. May limang seldang magkakasunod at makipot lamang ang dadaanan mo upang tahakin iyon.
Bukod sa isang officer ng Valiente na nagbabantay sa labas, meron din sa loob nito at nakatapat siya kung saan sa tingin ko'y naroon si Levi ngayon. Nang makita ako nito, yumuko ito sa 'kin kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
Pagkatapat sa piitan na kinaroroonan ng dati kong mentor, hindi ko napigilang malungkot sa kalagayan niya. Hindi naman dapat dahil sa ginawa niya, pero iyon ang nararamdaman ko.
Nakaupo ito sa pinakasulok ng maliit na kulungan at nakayuko lamang doon sa sahig. Kung ano ang suot niya nung nanggaling kami sa bayan ng Banaag, iyon pa rin ang dala niya hanggang ngayon. Nakagapos ang dalawa niyang kamay gamit ang posas na may mahika. Ito ay upang hindi siya makagamit ng kapangyarihan sa loob. Mukhang hindi rin naman bakas sa mukha niya ang pagpalag dahil nananatili lang siya roon.
Nilingon ko ang officer ng Valiente at sinenyasan ito. Nakuha niya naman agad na gusto ko ng pribadong usapan sa 'min kaya magalang naman nitong nilisan ang lugar. Nang hindi ko na ito matanaw, dahan-dahan kong ibinaba ang sarili ko upang maupo sa malamig na bato.
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasiIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...