LUMIPAS ang dalawang linggo nang walang pagbabago sa eskwelahan, sa 'ming magkakagrupo, at pati na rin sa malalapit sa 'kin.
Tulad nang sinabi ni Ezekiel, hindi na kami nagkaroon ng meeting after noon. Ni walang nagbabanggit sa 'min sa nangyaring deklarasyon nung unang araw ng school. Nung sinabi niyang mamuhay kami na parang estudyante, ganoon na nga ang nangyayari.
Masaya naman akong parang bumabalik sa normal ang lahat, pero hindi pa rin nawawala sa 'kin ang pag-aalala sa tuwing may nababasa 'kong article tungkol sa plano ni Ezekiel. Hindi lang sa Crescencia, kung 'di lumabas na rin sa publiko ang desisyon niyang iyon.
Samu't saring opinyon mula sa ibang tao ang nababasa ko. May mga suportado, pero hindi pa rin mawawala ang taliwas sa ganoong pagbabago. Lalo't nagkaroon ng kaso sa Vindex nung nakaraan lang. Maraming nag-aalala na baka sa pagbabalik ng isang royal blood sa bansa, magkaroon ng mga rebeldeng tao tulad ng mga kulto na 'yon.
Gayon pa man, hindi ito masyadong binibigyang pansin ni Ezekiel ngayon. Matagal pa naman ang plano niyang pagbabalik trono at sa ngayon, sinasanay pa lang siya ng mga mas nakatatanda sa kaniya.
Kung tungkol sa 'ming dalawa, maayos naman dahil nasa iisang compound lang kami. Iyon nga lang, bihira niya na 'kong masundo sa klase dahil napansin kong parati silang nag-uusap ni Professor Benjamin.
Wala naman 'yun sa 'kin at maliit na bagay lang. Minsan talaga, nakakatampo lang na bigla siyang hindi sisipot sa usapan namin dahil abala siya.
Again, ayos lang basta't lagi ko siyang nakikita. Proud naman ako na pinaninindigan niya 'yung desisyon niya, ang hot tingnan.
Kasalukuyan akong naghihintay ng oras sa sala ng Apolaki. Mayamaya lang, aalis ako ng compound para sa isang meeting patungkol sa SFA, o Seniors and Freshmen Assembly na magaganap next month.
"Ano'ng oras mo ba balak lumabas?"
Natingin ako sa likuran nang marinig ang boses ni Ezekiel. Galing ito doon sa entryway na nagco-connect sa bahay ng babae at lalaki. Lumapit ito sa 'kin at tumayo lang sa gilid ng sofa.
"Paalis na rin ako. Actually, eto na nga oh," hayag ko at tumayo na rin sa kinauupuan.
"Bakit hindi ka pa sumabay sa iba kanina?" tanong ni Ezekiel at sinabayan na 'ko sa paglalakad.
"Siguradong may dadaanan pa 'yung mga 'yon bago dumiretso sa dome. Hayaan mo na."
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makalabas ng bahay at marating namin ang gate. Pagkatapos ay lumingon ako kay Ezekiel na puno ng pagtataka.
"Ikaw, bakit mo 'ko sinasabayan?" usisa ko rito dahil wala naman sa planong samahan niya 'ko.
"Idadaan na kita sa building."
"Saan ka ba pupunta?"
Bago pa makasagot si Ezekiel, naagaw na ang atensyon namin ng lalaki sa kabilang daan.
Patawid ito sa kinaroroonan namin kaya bahagyang umakyat ang kaba sa dibdib ko. Nang tingnan ko si Ezekiel, mabilis na napalitan ng simangot ang itsura niya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" bulalas ni Ezekiel.
"Susunduin ko sana 'yung apprentice ko, hindi ko naman alam na kasama ka niya," ika ni Levi at ngumisi.
Bumaling sa 'kin si Ezekiel at pinaningkitan agad ako ng tingin.
"Ah, hindi ko—"
"Hindi siya nagpapasundo. Nagkasalubong lang kami ni Eric kanina at nandito ka pa nga raw, Kitkat," putol ni Levi sa 'kin.
"Hindi naman pala nagpapasundo eh, bakit sumadya ka pa dito?" saad pa ni Ezekiel.
"Gusto ko lang, saka ayos lang naman siguro 'yun dahil apprentice ko siya," ani Levi na parang nang-iinis pa.
"Apprentice," Napasinghal na lang si Ezekiel at napansin kong nagngalit na ang panga niya.
"Hinihintay ka pala ni Lauraine sa compound. Ang sabi niya, susunduin mo daw siya at sabay ata kayong pupunta sa office ng headmaster, hindi ba?" ani Levi kay Ezekiel.
Nangunot naman ang noo ko sa narinig at hindi ko napigilang matingin kay Ezekiel. "Lauraine? Council president?"
"Oo, 'di ba sinabi ko sa 'yong kasama siya sa pulong namin ng headmaster?" saad ni Ezekiel habang nananatili ang talim ng tingin niya kay Levi.
"Uh, no? Ngayon ko lang narinig 'yon," tanggi ko rito.
Totoo naman eh, ang akala ko, si Professor Benjamin lang ang kasama niya lagi sa mga meeting. Kung may kasama man sila, ang alam ko ay 'yung mga nasa faculty lang.
Si Lauraine ay council president ng campus. Kumbaga siya 'yung nangangasiwa sa mga council ng apat na clan. Fourth year siya ng Mapulon.
"Susunduin?" dagdag ko pa.
"Daanan ko raw siya, eh." Ngayon, natingin na rin sa 'kin si Ezekiel.
Napalihis ako ng mata rito at tumango-tango. Alam kong hindi naman masama, pero parang umuurong ata 'yung sikmura ko.
Bukod sa ngayon ko lang nalaman na nakakasama niya pala 'to, susunduin pa siya ni Ezekiel sa compound nila. Hindi niya rin nababanggit 'to kaya mas lalong sumama 'yung pakiramdam ko.
So, kung hindi pa sinabi ni Levi, hindi ko malalaman?
"You didn't tell me about her..." bulong ko at yumuko.
"Ang alam ko, nasabi ko na—"
"No, you didn't... and that's okay." Sarkastiko akong ngumiti. "Anyway, male-late na tayo parehas sa mga lakad natin. 'Wag mo nang paghintayin si Lauraine, at Levi? Tara na."
Pagkasabi noon, hindi na 'ko nagsalita o naghintay pa ng sasabihin nila parehas. Nagsimula na 'kong maglakad at hindi na sila pinansin.
Makalipas ang ilang segundo, naramdaman kong nakasunod na rin sa 'kin si Levi.
Masyado ba 'kong mababaw para magtampo sa gano'ng bagay? I feel stupid but I can't avoid it. Nagiging abala na ba talaga si Ezekiel para hindi man lang mabanggit 'yung ganoong bagay? At susunduin? Gosh, wala bang sense of direction si Lauraine at kaylangan pang daanan sa kanila?
"Kasali ka rin ba sa meeting nila Ezekiel?" tanong ko kay Levi habang tinatahak namin ang daan sa Elacion building.
Nagbabaka sakali na kasapi rin siya at hindi rin nabanggit ni Ezekiel sa 'kin na kasama si Zero, dahil siya ang Marshal ng campus.
"No, not really. Hindi naman ako nagbigay ng suporta kay Ezekiel nung sinabi niya 'yon eh."
"Bakit, ayaw mong suportahan si Ezekiel?" pagtataka ko.
"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang mag-focus sa school at Warner ngayon dahil graduating na. Baka paglabas ko ng campus na 'to, puwede pa," paliwanag nito.
"I see... eh 'di 'yung Lauraine, suportado niya si Ezekiel?"
"Yes, sa narinig ko sa kaniya, after palang nung invasion incident dito sa campus, nagbigay na siya ng salita sa kaniya."
"Alam mo ba kung kaylan pa 'to?"
"Ayon kay Lauraine, abala na sila nung bakasyon palang."
"Bakasyon?" Lalong umikot ang sikmura ko sa narinig.
"Hindi ba sinabi ni Ezekiel na nung bakasyon pa nila pinag-uusapan 'yung tungkol sa announcement niya na 'yon?" usisa ni Levi.
"Sinabi niya at alam ko 'yun..." ika ko at hindi na 'to sinundan pa. "Anyway, bilisan na natin. Anong oras na."
Sumang-ayon lang si Levi at hindi na rin binanggit pa iyon.
Ayoko rin munang isipin 'yung nalaman ko ngayon dahil kakainin na nito 'yung buong araw ko. Baka talagang nakalimutan lang ni Ezekiel dahil hindi naman mahalaga 'yung presensya nung isa na 'yon sa kaniya.
Hindi rin naman ako nakikibalita sa mga napag-uusapan nila kaya gano'n. Gusto ko kasi na kapag kami lang, kami lang talaga.
Hindi rin nagtagal nang marating namin ang dome, at nang makita namin sina Eric, Jasmine, pati na 'yung mga mentor nila, sa kanila na kami tumabi.
"Dahil nalalapit na ang SFA, magsisimula na rin tayong maghanda para sa araw na iyon. Mas magiging abala ang first at fourth year, kaya naman mas magkakaroon kayo ng oras sa isa't isa."
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...