KATATAPOS lang ng pagbisita ko kay Levi at nagpaalam na rin ako sa kaniya. Kasalukuyan na 'kong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo sa unang palapag, at hindi maalis ang tingin ko sa sahig na nilalakaran.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa karugtong ng propesiya na alam ko. Kaya naman pala desperado itong Alessandro na 'to para patayin 'yung mga bata noon, I mean ako at si Lorenzo, nakasaad naman pala sa pangitain na talagang mamumuno raw sila balang-araw.
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako ma-bother, eh. Doon ba sa kasakiman ni Alessandro, o sa katotohanang mamumuno ako sa mundo na 'to. Iniisip ko pa lang, napapangiwi na 'ko dahil hindi ko talaga gusto 'yon. Mangyari nang lahat, ayoko lang magkaro'n ng responsibilidad dito.
Isa pa, bakit parehas sila ni Ezekiel na may propesiya na uugnay sa 'kin? Bakit dalawa? Pero kung iisipin mo, posible ang pangitain na 'yon sa 'min ni Ezekiel. Kung siya ang maghahari balang araw at pinakasalan niya 'ko, talagang magiging reyna 'ko. Iyon ay kung talagang gusto niya 'kong pakasalan. Sa lagay namin ngayon, hindi ko alam kung sigurado pa ba siya sa 'kin.
Habang tinatahak ko ang daan tungo sa hagdan, natigil na lang ako nang makasalubong ang taong iniisip ko ngayon—si Ezekiel.
Natigil ako sa harap nito at ganoon din siya. Kasama nito sina Hannah at Lauraine dahil parati niya naman talagang kadikit ang mga 'to saang sulok man ng palasyo. Mas marami na nga silang time kaysa sa 'kin.
"Tapos ka nang makipag-usap sa preso?" tanong ni Ezekiel at blanko lang akong tiningnan.
"Yeah, kakatapos lang." I glared at him and nodded.
"May balak ka bang bumisita uli sa kaniya?"
"I don't know, depende kung kaylan mo siya balak paslangin," yamot kong sabi sa kaniya at bahagya pa siyang tinaasan ng kilay. Oo, naiinis pa rin ako sa kaniya dahil hindi niya binabago ang desisyon niya. Ni hindi ko nga siya makumbinsi sa plano niya. Gusto kong malaman niya na masama talaga ang loob ko. Lalo't hindi niya man lang ako kinakausap kahit ilang araw na kaming hindi nagkikibuan. In short, parang natitiis niya na 'ko.
Kinunutan ako ng noo nito, pero bago pa siya makasagot, may haliparot nang sumingit sa usapan namin.
"We need to go, Ezekiel. Naghihintay na 'yung mga Valiente sa labas para sa mangyayari bukas," tukoy ni Lauraine sa balak nilang paghuli kay Valentin at pagsaklolo sa mga kaibigan ko.
Tingnan mo, talagang eentra at eentra siya kaya ayokong nasa paligid 'tong bruha na 'to, eh. "Yeah, you should go, nakakahiya naman sa mga kasama mo," wika ko.
Bahagya pa 'kong tinitigan ni Ezekiel bago muling nagsalita, "Come to my room tonight." Tinaasan pa 'ko ng kilay nito.
At talagang ako pa ang pupunta sa kaniya, gayong alam niyang asar ako sa kaniya ngayon. Hindi ba dapat siya ang lumapit sa 'kin kung gusto niya 'kong kausapin?
Napansin kong bahagyang natawa si Hannah sa gilid ni Ezekiel kaya nangunot na lang ang noo ko. Hindi ko nasara ang isip ko doon kaya malamang ko, narinig niya 'yung iniisip ko. Sinamaan ko 'to ng tingin upang hindi niya 'ko ibuking.
"Ako nang bahala doon sa mga documents galing sa regime, Ezekiel. You should rest early tonight," ani Hannah at bumaling sa 'kin upang ngumiti. "He'll be in his room earlier than usual."
Napaawang naman ang bibig ko dahil sa ginawa ng loka-loka na 'to. Hindi niya naman kaylangang sabihin 'yon sa harap naming dalawa dahil lagi naman talaga 'kong nakaabang ng mas maaga kay Ezekiel tuwing nagbabalak akong pumunta sa kwarto niya. Baliw talaga. "Whatever, mauuna na 'ko dahil aasikasuhin ko pa 'yung nire-renovate na kwarto, bye."
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...