Chapter 51: Different Goals

9 4 1
                                    

TULAD nang napagkasunduan, pagkatapos naming mag-usap ni Commander Alcazar ukol sa gagawin niyang paggabay sa 'kin, nagsimula rin agad ito kinabukasan. Wala pang sikat ng araw nang ipasundo niya na 'ko sa officer niya sa kwarto ko, kaya naman tarantang taranta ako nung nakaraan sa pag-ayos.

Hindi naman mabigat na pagbabanat ng buto ang binibigay nila sa 'kin. Normal lang kumpara sa mga workout program na ginagawa nila bilang Valiente. Ang sabi, kaylangan ko lang gawing aktibo ang katawan ko, at kahit pa matapos na ang pagtuturo sa 'kin, hindi ko raw dapat 'to makalimutan.

Stretching, push-ups, sit ups, squats, jumping jocks, mga gano'n lang at mabababa lang ang bilang. Pero syempre, para ma-challenge ako kahit papaano, dinadagdagan nila ang bilang kada araw. May planking at jogging din pala, bagay na nagpapahirap sa umaga ko parati ngayon. Gayon pa man, hindi ko rin maitatanggi na masarap pala siya sa pakiramdam. 'Yung tipong hahanap-hanapin na ng katawan mo kapag nakasanayan mo na.

Kapag naman nagkakaroon ng oras si Commander Alcazar, saka lang kami nakakapag-session sa enchantment ko. Abala kasi siyang tao at hindi dapat ini-istorbo ng tulad ko, pero hetong Ezekiel na 'to, naglakas ng loob na ipakiusap ako sa kaniya. Dahil doon, wala kaming matinong oras. Minsan sa umaga pagkatapos ng workout, minsan pagkatapos ng tanghalian, minsan hapon, at minsan naman gabing-gabi. Magulo talaga kaya nasanay na lang akong bigla niya 'kong ipatatawag.

Sa totoo lang, puro paglabas at paggamit ng enchantment ko lang naman ang ginagawa ko ngayon. Literal na sinasanay ko 'yung sarili ko na maglikha tulad nang sabi niya. Wala siyang ibang pinagagawa kaya kahit hindi niya 'ko panoorin, kaya kong gawing mag-isa. Patuloy lang siya sa pagsubaybay at binibigyan niya 'ko ng mga payo habang ginagawa ko iyon. Tips hindi lang sa enchantment, kung 'di gabay na rin para sa buhay. Minsan hindi ko na talaga naririnig kasi nga naaagaw ng paggawa ng force field ang atensyon ko.

Hindi hamak na mas gusto ko 'to dahil talagang naookupa 'yung isip ko ng ibang bagay. Hindi ko na kaylangang isipin kung ano bang ginagawa ni Ezekiel at ano nang napag-uusapan nila ngayon sa council. Wala rin akong idea kung nakapaghamon na siya ng suntukan sa Alessandro na 'yon dahil wala pa 'kong nakakalap na tsismis. In short, talagang wala akong ano mang koneksyon sa mga usapan nila. And I feel like it's better this way—less involvement, less stress and disappointment.

Malungkot nga lang dahil hindi ko talaga siya nakakausap. Mula paggising hanggang pagtulog ko, lagi lang siyang nasa office niya kaya hindi ko gaanong namamataan. Kating kati man akong puntahan siya, parang may pumipigil sa 'kin dahil hindi pa rin naman kami nagkaayos simula nung nag-walkout ang lola mo sa huling meeting na kasama 'ko. I want to say sorry, pero parang mali naman dahil nga labag pa rin sa loob ko 'tong plano na 'to. Sumasabay lang ako sa gusto niya dahil nagsasawa na 'kong kumontra. Still, I do miss him—a lot.

Kasalukuyan akong nasa garden at nakatapat sa karagatan, gayon na rin ang dalawa kong palad habang inaalalayan ang nalikha kong force field. Hindi maalis ang ngiti ko sa labi dahil kahit na medyo nanginginig na ang braso ko, 'yung katotohanang kasing taas at lapad ko na ang transparent at maasul na orb, nakakatuwang makita. Dati, hindi ko gaanong napapansin ang ganda ng force field dahil bigla na lang itong lumalabas at nawawala kapag bigla kong nagagamit. Ngunit simula nang mag-ensayo ako, saka ko lang na-appreciate ang ka-astigan nito.

Natingin ako kay Commander Alcazar na siyang nasa gilid ko. Pinagmamasdan nito ang ginagawa ko habang tumatango-tango.

"Sir, sa tingin mo ba kaya ko pang palakihin 'to someday?" hayag ko rito habang pinananatili ang force field sa harap ko.

"Oo naman, nagsisimula ka pa lang sa pag-control nito, eh. Kung naaalala ko, mas malaki pa 'yung lumabas sa 'yo noong sports festival. Ibig sabihin, kaya ng katawan mo 'yung gano'n kalaki, kaylangan lang malaman ng katawan mo kung paano," hayag nito.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon