Chapter Fourteen: Misunderstanding

33 7 2
                                    

KARARATING lang namin ni Ezekiel sa lihim na silid niya. Napagkasunduan naming dito mag-usap hindi dahil nag-iingat siya sa impormasyon, kung 'di dahil gusto niya raw na magkaroon kami ng oras nang kaming dalawa lang. Bagay na noon ko pa gustong hilingin sa kaniya pero hindi ko magawa dahil ayoko siyang maabala.

Hindi niya binibitiwan ang kamay ko at hinila na lang ako papunta sa couch. Nauna siyang maupo at sinundan ko naman ito sa tabi niya.

Bahagya namang nagtaasan ang balahibo ko nang dahan-dahan nitong yakapin ang bewang ko. Kasunod noon ang pagbaon niya ng mukha sa leeg ko. Nanatili lang siya doon nang hindi kumikibo.

Ramdam na ramdam ko ang kiliti sa binibitiwan niyang hininga sa leeg ko at ang init nito sa pakiramdam. Gustong gusto ko na rin siyang hagkan pero hindi ko magawa. Kapag bumigay ako, parang mababalewala 'yung tampo ko nang wala man lang nakukuha na sagot.

"I miss you so much," bulong ni Ezekiel sa malambing niyang boses.

Habang ako, pinipilit ang sarili na huwag munang mahulog sa ginagawa niya. Kung bakit ba naman kasi kaylangan may pagyakap pa... akala ko ba matikas siya? Hindi ba gano'n siya tuwing may kaharap na ibang tao? Psh.

Huminga ako ng malalim dito at unti-unti siyang hiniwalay sa 'kin. Kaunting distansya lang, ayoko pa ring matanggal 'yung pagdikit niya sa 'kin.

"Akala ko ba sasabihin mo nang lahat sa 'kin?" saad ko rito.

Pagkakalas ni Ezekiel, tumingin 'to sa 'kin at tumango lang. Pagkatapos ay umatras siya ng bahagya at ipinatong ang braso niya sa sandalan. Nanatili itong nakaharap sa 'kin.

"Ano'ng gusto mong malaman?" tanong nito.

"Kung ano 'yung nakita ko dito nung isang araw. Akala ko ba wala munang meeting? Anong ginagawa n'yo dito kung gano'n?" usisa ko na at kinunutan ito ng noo.

"Hindi mo pa talaga dapat malaman 'to eh, pero wala naman akong balak ilihim sa 'yo hanggang sa dulo. Pinag-uusapan namin 'yung mga hakbang para sa plano ko sa kinabukasan, iyon lang 'yon."

"Kung 'yun lang 'yon, bakit kinaylangan mong itago sa 'kin? Hindi ba 'ko kasama sa pangarap mo?"

"Hindi sa gano'n." Umusad ito ng bahagya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. "Kung napansin mo, puro 'yung mga naunang miyembro 'yung nandito. Umpisa pa lang, kaya nga kami nabuo dahil sa 'kin 'di ba? Sila 'yung talagang ang pakay ay suporta sa 'kin. Hindi ba nabanggit na namin sa 'yo 'yun?"

"Yeah?"

"Nadagdag lang naman kayo dahil nagkaro'n ng issue sa Vindex. Ikaw, dahil naging puntirya ka nila. Ginusto ko sanang kami muna 'yung magpulido sa lahat bago namin sabihin sa iniyo. Sila na kasi 'yung pinagkakatiwalaan ko umpisa pa lang."

"At sa 'kin, wala kang tiwala?"

Napahinga ito ng malalim. "Hindi ko sinabing wala akong tiwala sa 'yo. Nung nag-announce ako, hindi ba ang sabi mo sa 'kin nag-aalala ka? Kapag sinama kita sa mga meeting na 'yon, naisip ko na baka lalo kang mag-isip ng kung anu-ano. Ayoko lang sanang dagdagan 'yung pangamba mo sa pangarap ko."

Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya at napayuko na lang. Sinabi ko naman talaga 'yon at hanggang ngayon, meron pa ring kaba sa puso ko kapag naiisip na magiging hari siya in the future. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga gano'ng sistema, pero pakiramdam ko, napakabigat na bagay nito.

Kung gano'n ang dahilan niya, hindi ko rin masisisi si Ezekiel. Pakiramdam ko tuloy parang ako pa 'yung lumalabas na walang suporta sa gusto niya dahil sa mga sinabi ko noon.

"I'm sorry if you felt that way. Gusto ko lang namang maging honest sa 'yo tungkol sa nararamdaman ko, pero hindi ibig sabihin no'n na wala akong tiwala sa gusto mong marating. Concern ko lang 'yon pero buo 'yung loob ko na suportahan ka sa kahit anong gusto mo. Alam ko namang walang mali eh," paliwanag ko rito. Sa pagkakataon na 'to, hindi ko na naiwasang lumapit sa kaniya at isiksik ang sarili ko.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon