Chapter Eight: Dismay

65 9 0
                                    

TATLONG araw na ang nakalilipas magmula nang abisuhan kami ni professor Cecilia na simulan ang pagdidisenyo sa dome para sa darating na SFA event. Magaganap ito sa unang linggo ng susunod na buwan. Mga first year lamang ang kasali sa pag-aayos dahil ito ang aming sorpresa sa kanila. Dahil doon, naging abala rin ako. Tuwing matatapos kasi ang klase, dumidiretso kaming lahat sa pagdi-disenyo.

Magkakaroon din ng costume party sa araw na iyon. Ito 'yung isang parte ng event na naisip ng mga fourth year para naman sa 'min. Kaylangan daw, match ang magiging outfit ng mag-mentor.

Honestly, ayos na 'ko sa mentor-apprentice na pakana ng school, eh. Pag kasi naririnig ko 'yung event, parang ngayon pa lang, tinatamad na 'ko. Lalo na't hindi ko naman makakasama si Ezekiel. Gayon pa man, ayos lang din dahil makakasama ko pa rin 'yung dalawa kong kaibigan at si Levi.

Tanghali na at kasalukuyan naman akong naghihintay sa sofa ng bahay. Walang pasok ngayon at mamayang hapon pa ang schedule namin sa pag-aayos ng dome.

Masaya at excited ako ngayong araw dahil magla-lunch kami ni Ezekiel nang magkasama.

Ilang linggo na nang magsimula ulit ang klase, pero ngayon pa lang ulit kami kakain nang kaming dalawa lang. Actually, parang ngayon lang ulit kami magkakasama nang solo. Kahit na nasa loob pa rin kami ng campus, pakiramdam ko date 'to.

Pagkauwi kagabi ni Ezekiel, inaya niya 'ko kung gusto ko raw ba na kumain kaming dalawa ngayon. Masyado na raw kasi siyang abala at baka nakukulangan na 'ko sa oras niya.

Sinabi ko namang walang kaso sa 'kin, pero mapilit siya, eh. Tatanggi pa ba 'ko? Ang arte ko naman kung gano'n. Minsan na nga lang ulit at hindi ko pa alam kung kaylan ang susunod. Basta ako, hindi na makapag-antay ngayon.

Bago pa 'ko tuluyang mainip, muntik na 'kong mapatalon sa biglang pagdampi ng labi sa pisngi ko. Parang umakyat 'yung kiliti ko sa katawan kaya madali akong nalingon sa likod.

Bumungad naman sa 'kin ang mukha ni Ezekiel. Halos magkadikit na ang pisngi namin sa lapit niya sa 'kin. Ngumiti muna 'to ng malambing at pumuwesto na lang sa tabi ko.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" simula niya at umakbay pa sa sofa.

"Sakto lang. Dito naman ako nakatira kaya parang nakatambay lang din ako," natatawa kong sabi. "Pero gutom na 'ko."

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Cafeteria? Balita ko steak ang premium meal nila ngayon, eh."

"As you wish, let's go?"

Pagkasabi niya noon, tumayo na si Ezekiel at inilahad pa ang kamay sa 'kin. Kinuha ko naman 'to at nagsimula na rin kaming maglakad. Pagkarating sa pinto, siya na rin ang nagbukas nito.

Ngunit natigil kami parehas nang bumungad sa 'min si Stella na parang papasok pa lang din ng bahay.

"Oh, you're here," bati ni Stella kay Ezekiel. Walang gana pa siyang tumingin sa 'kin at muling nagpatuloy. "Sakto, hinahanap ka ni Lauraine."

Nakangiti namang bumungad mula sa likod ni Stella ang council president.

"Pumunta 'ko doon sa bahay ng boys pero ang sabi, nandito ka raw kaya dumiretso na 'ko," saad ni Lauraine at natingin sa 'kin. Pilit pa siyang ngumiti at muli ring binaling ang atensyon kay Ezekiel.

Nakasuot ito ng uniform at nakalugay lang ang tuwid at makintab niyang buhok na kulay-kape. Tulad ng aasahan mo sa council president, maayos at malinis ang porma nito. Mas matangkad lang siya ng kaunti sa 'kin at maayos din ang postura. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan kaya hindi ko gaanong napapansin na may itsura pala siya.

The Royal Prophecy II: Forsaken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon